Prologue

30 1 0
                                    

Natutuwa ako kapag may nakikita akong matatandang nag-aalalayan sa pagbaba ng jeep , sabay mamasyal, at nagbibiruan. Biruin mo sa kabila ng edad nila hindi pa rin sila nagsasawa sa isa't isa , parang wala silang gustong aksiyahing oras na nalalabi sa kanila, tipong pang "Forever"ang datingan. Ilan lang yan sa patunay na mayroong tinatawag na "Power of love".

Pero sa panahon ngayon wala na yatang ganyan talamak na kasi yung kungtawagin ay

Pakboy (mga mahilig mag pak ganern tas wala lang) Sila ang isa sa dahilan kung bakit maraming mga babae ang nagdududa kung mahal ba talaga sila , mahilig pa namang manglahat ang mga babae

Paasa (pag asa ng mga umaasa) sa kanila ko nagpapasalamat , sila ang dahilan kung bakit pa ako kinikilig kahit masakit sa huli. At least kinilig!

Pakgirl ( babaeng version ng pakboy) Sila ang dahilan kung bakit nagiging taglibog ang mga lalaki, madalas mag live tas magpapakita ng cleavage na pagkalaki laki

Umaasa (trip lang nila) yung nag 'Hi' lang yung crush hoping na magiging sila na.

MU (yung hanggang landian lang ang tema) iba sila sa Paasa at Umaasa choose nilang maglandian nalang kesa magseryoso , ayaw kasi nilang natatali sa isa, try mo mafall " Bigti ka na!"

The One (one sided sila kung baga mahal nila yung tao pero hindi sila mahal nito). Sila yung pinagsamang Abangers at Umaasa ito yung mga kahit meron ng ibang mahal yung mahal nila sige push pa rin ! LABAN PUSO! Feeling nila may pag asa pa , naniniwala sa mga katagang W-A-L-A-N-G F-O-R-E-V-E-R mga bitter ang mga hinayupak!

Kung saan ako nabibilang jan , hindi ko alam pero siguradong hindi ako pakboy! (as if namang meron diba?).
Paniguradong magtataka ang mga nakakatanda satin kapag nalaman nila ang kaibahan ng mga kabataan ngayon.

OY ANO? WHAT'S ON EARTH

Ako si Pol(Paul) kapag kasi magsulat ka ng steno ganyan ang spelling ng Paul mga iba't ibang linyang pinapaikli ang mga salita, weird ba? Akala mo lang ang saya kaya.  siguradong makakarelate ang mga kaklase ko jan. Tapos yung magtuturo mag tatanong pa kung anong coma yung ginamit doon.

Para sa akin hindi pa naman mahalaga kung magkakaroon ka ng girlfriend para sa amin(pero okay lang din namang kung magkakaroon ako) o boyfriend para sa mga babae. At naniniwala din akong duwag ang mga Crush na yan "Sige nga mahalin mo ako crush , wala ka pala eh! Oy Ano? DUWAG!" kitams? Duwag yang mga yan nakuuu!!

Sa totoo lang karapatan mo bilang tao na magmahal at sa kabilang banda mahalin ka, pero syempre swerte ka kapag ganun ang pangyayari , kadalasan kasi hindi, syempre kailangan mo ring maintindihan na may karapatan din naman silang mamili ng gusto nila.

Bakit ba ikaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon