BBI-2

13 0 0
                                    

Friends

Marahil ako na yata ang makikilala niyong taong duwag pagdating sa kahit na anong bagay, takot akong makipag usap, takot akong makipagkilala, takot akong mareject. Siguro dahil na rim gawa ng mga negativity na ginagawa ng sarili ko.

"Goodmorning Class" - bati ng professor

Ilang araw na ang nakalipas matapos magsimula ang klase pero eto ako wala paring nakikilala or nagiging kaibigan kahit yung lagi kong katabi dito sa keyboarding si Jovencio hindi rin, ang sama ko ba? hindi naman siguro ganun kasama same lang naman siyang tahimik kagaya ko siguro nahihiya din pero siguro need ko na rin ng tropa.

I WILL TRY!

"Ako si Paul - Sambit ko

Di niya ko pinansin ng una kasi medyo mahina pandinig niya kaya diretso lang siya sa pagtatype nagkakapagtaka? hindi kaya sobrang ingay kaya ng keyboard kapag may gumagamit.

"Oy ako nga pala si Jovencio.... Joven nalang" -natatawa niyang sinabi

"Paul" - sagot ko sabay ngiti

Marahil akala niya siya yung unang nag approach saming dalawa pero hindi naman importante siguro yun basta friends na kami that time. Nagpatuloy pa yung chitchat namin ng mga isang tanong tapos.. tapos na! Lagi na kami yung nagtatabi sa bangkuan.

"Diba ikaw yung Spencer apelyido" - tanong ni gluta girl

"Ah oo ako pero hindi ko apelyido yun" - sagot ko

Tatlo silang kumakausap sakin that time yung dalawa parang nahihiya hiya kasi out of nowhere bigla niya ko inapproach. Kung hindi ako nagkakamali siya si Jorie, yung may kaliitan naman si Alvina, at yung may mata ng konti si Diana. Pagtapos ng maikling tanungan nila umalis na sila sa wakas mukha naman silang mababait pero di ko alam di ko feel kausapin eh.

tagal naman ni joven tiga san ba yun?

Nakaupo siya sa lagi namin inuupuan na side ni Joven hindi ko alam pero bakit wala siyang nirereview at puro laro lang sa cellphone yung ginagawa niya kaya tinanong ko na siya

"Kya! may assignment ka na? kabisado mo na rin?" -tanong ko

"Ha? meron ba patingin nga ako, peram!" - sagot niya

Matangkad maputi, matangos ilong, may lahi to panigurado pero nakakasigurado ko na hindi ko siya kilala pero ang cool lang kasi pwede ko siya maging tropa kasing mukhang di din siya greedy sa grades.

"San mo to nakuha?" - tanong niya

"Sa site ng PUP makikita mo yan" - sagot ko

Umalis na siya agad dala yung papel ko though kinopy paste ko lang yun tsaka pinrint kaya hindi ko rin alam kong anong contents noon.

"Oy kabisado mo na?" - tanong ni Joven

"Di pa nga eh" - sagot ko

Halos ilang minuto pa naming pagkekwentuhan dumating na yung nanghiram ng assignment ko at sobrang dami ng pinrint niya kaya ayun tinignan ko yung papel niya AND! kinopy niya lahat tas pinaprint kundi ba naman magaling.

"Sino ka nga ulit?" - tanong ko

"Lawrence, kayo?" - sambit niya

"Ako si Paul siya si Joven" - sagot ko habang tinuturo si Joven

Hindi na kami nag usap pagkatapos noon pero magkakatabi na kami lagi sa mga bangkuan from 1 to 3 real quick diba? good thing napunta ko sa mga tahimik na tao siguro naman magbabago ako dito SANA?!

"Sali ka Paul?" - tanong ni Lawrence

"Saan naman?" - tanong ko pabalik

"Si Paul daw gusto" - sigaw niya na di maririnig

Namimili ng mga officers and lastly Muse and Escorts kung saan hindi ko namalayan na kasama yung name ng babaeng nakagray sa mga napili ano pa ba eexpect ko eh maganda naman talaga siya.

"I'm Kathleen" - sigaw niya sabay upo

May katangkaran, Matangos yung ilong sobra, maganda, makinis maputi siya pero bat ganun? di ko siya type marahil dahil ayoko lang sa kanya ewan ko ba sort of feeling. Para kasing siya yung girl version ko na pang hanggang friends lang mga ganun

"Im Jessa" - sigaw niya

Hindi ko alam kung anong naramdaman ko nung una kong nalaman yung pangalan niya siya kasi yung babaeng nakagray nung first day na may maamong mukha siya yung babaeng chubby pero mukhang dyosa, medyo nakakatuwa dahil mukhang mahilig din siyang makipagbiruan kaya medyo nakukuha niya na ng kaunti yung attensyon ko

"Ba't parang napatigil ka diyan hindi mo pa rin tapos?" - tanong ni Lawrence

"Totoo ba? hindi ko na kasi alam kung ano na susunod na move eh" - sagot ko

Buti nalang hindi nila napansin na tumingin ako sa isa sa mga candidates kaya ayun tuloy nalang ako sa pagbuo ng lintik na rubics cube ni Lawrence.

"Si Jessa boto natin maganda naman eh" - sambit ko

"Sino ba yun?, pero sige doon nalang tayo" - sagot nila

Natapos naman ng marangal ang pagboto kahit papaano pero hindi pa rin ako makamove on sa isang escort na nanalo hindi ko rin kasi alam kung escort ba tinakbuhan niya or President? Hindi ko alam trip niya yun eh.

"My name is Mark Angelo, gagawin ko ang lahat...." sigaw niya ng buong puso

Maraming nagtawanan at syempre kasali ako doon, di ko alam kung anong nakain niya pero mukhang proud naman siya sa sinabi niya

"Sa labas ako kakain, sasama ka Lawrence?" - tanong ko

"OH! Tara bente lang doon diba?" - tanong niya

"Oo bente lang busog ka na" - sagot ko

Hindi pa rin sumasama si Joven samin kasi may baon siyang dala dala lagi kaya kami ni Lawrence lang kumakain sa labas madalas. Pinipilit ko kasing magtipid kasi medyo malayo yung university samin kaya ayun.

"San ka galing late ka na ah" - sabi ni Lawrence

Matagal kasi kaming naka istambay sa labas dahil hindi parin nabubuksan yung room kaya nag C.R muna ako tas iniwan ko na yung bag ko kila Lawrence.

"Nag CR, bakit wala pa namang professor ah" - sagot ko

"Anong name niya? kasama mo?" - tanong ko kay Lawrence

"Millos" - sagot niya

Nakipag unite na pala sila Lawrence sa ibang tropa kaya sumobrang dami na kami kasama na namin sila Alona, Patricia, Bernadette, Nick, Jenevie, Marivel, Ashley, tsaka si Aling Josie yun kasi yung tawag nila doon eh ewan ko kung bakit.

"Andyan na si Sir" - sigaw ng pabibo kong klasmeyt

Bakit ba ikaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon