BBI - 5

9 0 0
                                    

Training 

Lahat ng ka course namin na first ay nandito at tanging ang 2N lang ang hindi nakasama nahiwalay sila ng cluster 

Cluster 1

Hindi ko talaga alam kung saan banda sa school yung cluster namin dahil wala namang binigay na gaanong instructions yung president namin basta sa may lagoon daw banda pero kanina pa ko dito pero wala sila

"Hoy Pol!" - sigaw niya

"Ow, Carlo" - sagot ko

Pagnakita mo si Carlo mapaghihinalaan mo siyang beks pero sabi niya hindi naman daw siya ganon ewan ano naman, matangkad siya sakin pero ewan ko lang kung kanino mas malaking pwet saming dalawa.

"Alam mo ba kung saan sila napunta?" tanong ko sa kanya

"Hindi nga rin eh, kala ko ba naman alam mo" - sagot niya

Ayun! pareho kaming hindi namin alam kung nag eexam na ba sila or gumagawa na ng activity dahil hindi namin alam kung nasaan yung mga kaklase namin medyo nakakapraning pero.

"Diba kaklase natin yun?" - tanong niya habang tinuturo niya yung dalawa

"Oo, tara sundan natin" - sagot ko

Kung hindi ako nagkakamali si Jessa yun at may kasama siyang lalaki hindi kaya yun yung boyfriend niya? okay naman bagay naman sila sobrang BAGAY na BAGAY 

tsk

"Andito pala sila eh" - sambit ko

"Bakit ngayon lang kayo? kanina pa kami dito" - sambit ni Alvina

"Kanina pa kasi kami naghahanap sa baba hindi namin naisip to" - sambit ni Carlo

May kasungitan daw yung professor namin sa subject na ito pero medyo may consideration din naman daw kasi isa rin siyang graduate ng course namin 

"Anong oras kayo nag simula?" - tanong ko

"Mga 7:30 or 7:45 siguro" - sagot ni Alvina

"Diba 8 pa dapat pasok natin?" - tanong ko

"Oo pero dapat daw maaga ka pa rin" - sagot niya

Sinabi din nila na hindi masyadong considerate si sir sa mga lates kaya mas mabuti na agahan nalang talaga pasok as a first ano pa bang magagawa ko edi sumunod nalang

"Hala ano yun" - reklamo ng isa habang nagpapagpag ng damit

"Hala may antik" - sambit ko

"Ay hindi hindi langgam lang yan" - salita niya habang natatawa

"Joke lang ah" - dagdag niya pa

Si Rudy eto talaga aminado siya na beks kaya alam kong maokray to sa katawan, kulot na buhok na may ilong parang si squidward pero mabait siya ata?!

"Gumawa kayo ng adjective  na nagdedescribe sa inyo at dapat nag sstart sa first letter ng pangalan niyo, meron kayong 2 minuto" - sigaw ng Professor

Hindi ko alam kung anong ilalagay ko sa adjective na sinasabi niya dahil medyo may kakontian lang naman yung alam kong adjectives e pero mas pinili ko yung "polite" kahit di ko alam meaning

"Okay lahat ng ituturo magpapakilala tas kung ano yung adjective" - sambit ni Sir

"Ako si Arvin!, Anxious" - sagot ng isa

Nagtanong pa ang professor namin kung bakit ganon ang napili niyang adjective kung paano niya nasabi at ganoon din sa mga sumunod.

"Ryan, at ang adjective na nag dedescribe sakin Amazing" - sigaw niya

Napuno ng katatawanan ang buong lugar na iyon dahil pinaglaban niya pa yung sagot niya tapos noong nahimasmasan na siya natawa na rin siya sa pinaggagawa niya.

"AYOKO NA!" matawa tawang sabi niya

"Diba kaklase natin yun?" - tanong ni Rudy

"Oo " - sagot ni Jorie

Natatawa pa rin ang lahat hanggang sa nahimasmasan na kahit paano kaya nagproceed na kami sa panibagong activity

"Mag form kayo ng isang line sa section niyo" - sambit ng professor namin

"PRESIDENTS" - dagdag niya pa

Makalipas ang ilang minuto bumalik na yung mga presidents na tinawag at binigay na yung mga instructions nila

"Ipapasa yung papel tas magcocomment" - sambit ni Penelope

Good and Bad?

Umikot na yung mga papel namin at as usual since hindi namin kilala yung mga taong nakasulat doon binase nalang namin sa pangalan kung nakakatakot yung tunog syempre masungit ganoon ginawa namin nila Carlo at Rudy e

"Stop na! ibalik niyo ngayon yan sa may ari tas makipag kamay kayo" - sambit ni Sir.

Mabilis natapos yung mga kaklase ko dahil biniyayaan sila ng malalakas na boses kaya medyo natagalan ako ibigay kaya hinintay ko muna humupa yung mga kaklase ko

"Ikaw ba yung Paul?" - tanong ng Ate

"Opo" - sagot ko 

"Ako si April" - sambit niya 

Maliit, medyo round yung mata, may proper hygiene siya yung lagi kong nakikita sa labas na room na napaka friendly lahat kinakausap mukha siyang mabait tsaka cute siya pero hindi ganon ka cute yung sapat lang pero cute basta yun.

Louis?

Pinagtanungan ko lahat ng mga nakatayong lalaki kasi hindi ko alam yung itsura niya tsaka never heard mukha babaero yung pangalan kaya baka gwapo or feeling something

"Kuya kilala mo ba to" - tanong ni Ate

"Hindi, Ate kilala mo ba tong Louis?" - tanong ko pabalik

"Ako yan" - sagot niya

Maliit, makapal kilay, maganda may hawig nga siya kay brillantes e pero wala pa akong sort ng interest kahit nagandahan pa ako sa kanya

"Mag siupo na kayo at magbilang hahatiin kayo sa grupo" -sigaw ni Sir

1....

Nameet ko na si Lawrence kaya sa kanya nalang ako tumabi kaya medyo comportable na ako kasi may kakilala na ko

2..

"Sana kagrupo ko siya" - sambit ko

"Sino?" - tanong niya

"Secret" - sagot ko

3.....

"Hays di ko siya kagrupo lawrence ikaw kagrupo niya, ayun oh!" - sambit ko 

Nakakalungkot dahil kung nakipagpalit sana ako sa kanya ng number edi sana kagrupo ko si Jessa kaya lang wala e sabi ko pa naman kay lawrence pagmagkagrupo kami mean to be talaga kami pabiro lang naman

"Pumunta na kayo sa kanya kanaya niyo grupo" - sambit ulit ni Sir

JESSA?!

Laking tuwa ko este laking gulat ko nung nalaman ko na kagrupo ko pala siya siguro magulo pero wala akong nararamdaman na kahit ano sa ngayon

"Magpakilala muna tayo" - sambit ng bida

Isa isa kaming nagpakilala pabilog medyo malayo sakin yung mga kaklase ko pero okay lang atleast may kaklase ako dito sa group na to

"Prayer muna tayo" - sambit ulit ng bida bida

Pero sa lahat ng bida bida siya yung pinaka gusto ko alam mo kung bakit? alam mo kung BAKIIIIITT?! magkahawak kami ngayon ni ano pero wala ako nararamdaman kahit ano ah?!

"Gawin na natin yung Activity" - sambit ulit niya

Malambot yung kamay niya may konting kalyo may pawis pero konti lang halatang naglolotion buti nalang nag alcohol ako bago ko hawakan kamay ni Jessa 


Bakit ba ikaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon