Ang Teliká
"Liham na nais kong iparating pero hindi upang basahin.
tanggap ko kung hanggang saan lang ako para sayo. Tanggap ko na hindi na magbabago ang nararamdaman ko para sayo. Tanggap ko na walang patutunguan ang mga bagay na ginagawa ko. Tanggap ko na hanggap dito na lamang ang kayang ibigay ko.
Ewan ko ba kung papaano ko sisimulan ang isang liham na kagaya ng nararamdaman na wala namang patutunguan. Ewan ko kung bakit patuloy pa ring sinusulat ang mga bagay na nais ko sanang mabasa mo pero wala na yatang pagkakataon upang ipakita sayo. At sabihin ang mga katagang nais kong iparinig sayo, sukdulan na nga ang pagnanasa sa mga salitang nais kong sambitin sa harap. At alam ko na, na ang tanging isasagot mo ay isang malaking letra na kagaya ng storyang ginawa ko. "KAIBIGAN LANG ANG MAIBIBIGAY KO SAYO".
Ilang taon ang pagitan ng ating gulang pero bakit patuloy pa rin akong nahihibang? Ganun na ba talaga? Kailangan nga bang ipagsisiksikan ang sarili sa taong minamahal? Sa isang taong hindi ka kayang ipaglaban? Sapagkat pano ka ipaglalaban kung ang kaya niya lang ibigay sa iyo ay hindi pag-iibigan kundi "pagkakaibigan". Ilan beses ko ba kailangan saktan ang sarili? Hangang kailan? Hangang saan? Walang hanggan? Kalokohan.
Nagsimula lang sa katiting na mga ngiti mo hanggang sa naghangad ng matatamis mong "OO" pero nauwi sa mga salitang "Hanggang dito nalang tayo". Para kang nakipag break sa kasintahan mo pero ang kinaiba? Wala namang label ang salitang "tayo" sa bokabularyo niyo. Pero hindi pa rin natinag ang puso ko kahit na alam na kong lagi kayong nagkikita sa ika-apat na araw sa isang linggo ng isang taong nagmamay-ari sa damdamin mo.
OO alam kong may darating na tao na para sa kagaya ko at hindi mo na pwedeng bawiin ang salitang binitawan mo, na masyado pa kong bata at makakahanap din ako. OO alam ko na, alam ko na walang magbabago sa naramramdaman mo kagaya ng nararamdaman ko para sa'yo. At OO alam ko na kahit maghiwalay kayo kailanman impossibleng magkaroon ng salitang "Tayo".
"Respeto" mga katagang sana ginagawa ko pero hindi ko magawa dahil nagseselos ako sa mga taong hinihiling ko na sana ako rin ganyan ang pakikisama mo. Pero... iba nga pala ako at hinding hindi pwedeng maging kagaya ng ibang tao.
Pangalan mo palang yung nasusulat ko pero naiiyak na ko, hindi ko kayang isadula kung kaya ko bang pasayahin ang isang kagaya mo. Na kagaya ng pagsasadula ng isang taong masayang kapiling ang taong mahal ko. Isang taong nagbibigay ng kulay sa babaeng pinapangarap ko. Isang taong laging nandyan kapag kailangan mo. At hindi yun Ako.
Aanhin pa ba ang buhay kung hindi naman ikaw ang kapiling ko. Nasisiraan ng ulo? Ganyan naman talaga kapag mahal na mahal mo pero hindi pwedeng maging kayo dahil may iba na siyang gusto. At hindi yun TAYO. At walang ganung kaganapan kasi nahuli na ko. Hinding hindi ko kayang ibigay ang makulay na buhay na tanging siya lang ang nagpaparanas sayo kaya,
Utang na loob sa matapos na to'. Itong pesteng nararamdaman ko para sayo. Wala pang isang taon pero nagkakaganito na ko pano pa kaya kung hanggang sa dulo ikaw pa rin ang isinisigaw ng puso ko. Paano na ko? Patuloy pa rin akong magpapakatanga at sasaktan ang puso ko? Habang pinapatay ang oras nating dalawa na ako lang ang nagbibigay ng kahulugan sa maliwanag na tagpo. Paano?
Luntiang damdamin na sana huminto. Pero pangako, matatapos na lahat. Lahat ng mga bagay na tanging ikaw lang sana ang bubuo. Lahat ng mga bagay na ako lang ang may gusto. Lahat ng mga salita na tinatago ko. Lahat ng mga salita na nasa bibig ko. Lahat ng salita na para lang sayo. Lahat para sa taong mahal ko. Iiwanan ko lang ang mga katagang ito."
"Paghilom sa pagkalimot sayo at sa nararamdaman ko"
"Binasa mo ulit yung ginawa ng sulat?" -Mika
"Oo, eto nalang kasi yung iniwan niya"- sambit ko
"Isang kakaibang kaibigan" -Mika
"Isang kakaibang kaibigan" -sambit ko
"Sa palagay mo ako yung may kasalanan?" - dagdag ko pa
"Walang may kasalanan Jessa, at sigurado namang masaya na siya kung nasaan man siya" -sagot niya.
"Mika, kaibigan niya tayo bakit?" -sambit ko
"Na ganun na pala nararamdaman niya?" -tanong ni mika
"Alam nating lahat na ang ibig sabihin ng PLE sa machine shorthand ay "Me"- -sambit ko
"Kaibigan ba talaga tayo, bakit hindi natin alam?" -dagdag ko pa
*Jessa's point of view*
BINABASA MO ANG
Bakit ba ikaw?
RomanceThis is my first and eventually my last story , so I will try all I've got . All the characters are still living ,not so sure though, they were close to me . I hope you enjoy and have faith.