BBI - 10

9 0 0
                                    

A- Aanhin paba ang mga liham na hindi naman mababasa.

Ba- Babaliwalain din naman ng tadhana ang mga letra.

Ka- Kakalimutan nalang lahat ng nararamdaman para magbigay daan.

Da- Dadaanin ko nalang sa mga tula ng isang makata.

"Oy nakauwi ka pala, kala ko sila lang eh" - Tanong niya

"Yow! Ate Raquel musta?, ah oo la naman ako ginagawa eh" - sagot ko

"Okay lang naman" - sambit niya

Nagpatuloy lang kaming nagkwentuhan about sa mga bagay bagay medyo matagal din kasi kaming hindi nagkita, tuwing uuwi lang kami ng probinsya kagaya nalamang ngayon.

"San ka naman ba nag aaral ngayon?" - tanong niya

"Sa may PUP" - sagot ko

"Wow! yabang!" - sambit niya

Natawa siya habang sinasambit niya yaon, nahampas niya pa nga ako sa tuwa niya e. Pero hindi naman masakit mahina lang naman hampas niya.

"Diba malayo yun sa inyo?" - Tanong niya

"Dalawang sakay lang naman, medyo" - sambit ko

Nakaramdam na ako na malapit na siyang magtanong ng mga bagay na hindi ko kayang sagutin sa NGAYON, mga bagay na pilit itinatago.

"Eh may na-"

"Penseng! parang pumapayat ka ata?!" - sambit niya

"Kaya nga po tita eh!" - mangitingitng sambit ko

Karamihan ng kamag anak namin nagpupuntahan dito dahil nagkakaroon ng handaan kapag nagsisiuwian ang mga tiga maynila, hindi typical na handaan pero tiyak na pagkakasaluhan ng lahat.

"Pau! magmano ka nga?"

Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa anak ng pinsan ko dito, masungit siya tignan tipong pag nag 'hi' ka e sapak isasagot sayo kaya ilag ako sa kanya, may kagandahan ay may katangkaran din.

"Eeeeeh!" - medyo padabog niyang sagot.

Pamangkin ko siya pero hindi ko kilala lagi kasi siyang nasa kanila lang, tipong ilag sa tao kaya medyo nahihiya hiya siya.

"Pano ka nag eenroll nga pala?!" - tanong niya

"Online lang samin, kaso need sa bandang madaling araw ka mag open para mabilis" - sagot ko

"Eh? Ba't ganun naman?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, hindi ko rin kasi alam kung bakit napaka bagal niya kahit madaling araw pa, tipong di mo maaccess yung site basta basta ANG BAGAL!.

"Di ko nga rin alam e, sabi marami daw nag log-in" - sagot ko

"Ah" - sambit niya

Hindi pa naman ako masyadong katagalan sa PUP kaya hindi ko pa alam yung mga pasikot sikot at iba't ibang paraan para mapadali yung mga ganyang happenings.

"Oy ano ba musta na?" - tanong ni ate Maria

Pinipiga niya yung dalawang balikat ko habang nagtatanong tanong siya, Sakit! na nakakakiliti.

"Okay lang" - sagot ko

"Oh ba't ikaw hindi wala ka atang kasama" -tanong niya pa

"Yung dalawa mong kapatid kasama mga girlfriend bat ikaw wala ata?!"

"Oo nga pentot" - sambit ni te Raquel

"Eeeeh.... wan ko nga eh" - sambit ko

"Eto kala mo ka sungit pag di mo kilala e no? pero maloko din pala"

Natapos na ang malagim na pagpiga niya sa likuran ko, umalis na kasi siya after noon at dumeretso na sa mga iba pang mga tita namin tsaka siya nag mano pa

"Nagayak mo na ba gamit mo?" - tanong ni nanay

"Oo" sagot ko

"Uuwi na kayo agad?" - tanong ni te Raquel

"Yes!, malapit na kasi pasukan eh" - sagot ko

"Bilis naman"

Gusto ko pa sanang mag stay ng mga isang linggo pa pero sa susunod na week mag uumpisa na yung susunod sa semester bibili pa ko ng mga gamit at magbabayad pa.

"Pentot! pero may crush ka naman siguro ngayon?" - tanong ni ate Raquel

Siya lang kasi yung tumatawag sakin ng "pentot" pinaikli ng pencer na mabantot pentot!, napaka tamad ko kasing maligo tuwing nagbabakasyon ako doon may katagalan na rin simula noong natatag ang pangalang yaon.

"Meron naman" - Sambit ko

Kalmado kong sagot sa kanya pero deep inside kinikilabutan ako na may kasamang kilig kapag naalala ko siya, napaka ganda kasi e.

"We? nililigawan mo na ba?" - tanong niya

Nagpatuloy pa siya ng pagtatanong sakin hanggang sa mag gabi, syempre siguro na curious siya kung sino yung girl na crush ko.

"Anong pangalan niya? patingin ako ah, chat mo ko" - sambit niya pa

Maniwala ka man o hindi, naka survive ako sa mga tanungan niya tipong na isurvive ko yung buhay ko ng walang revisions at kung ano pa.

"Ingat kayo sa pag-uwi" sambit nila

"Salamat!"

#Ilang

"Ilang linggo pa ang lilipas
bago lasapin ang bawat bigkas,

Ilang araw ang iisipin
upang mabaling ang tingin,

Ilang minuto ang bubunuin
upang mabaot ang mga bituwin,

Ilang segundo ang hihintayin
upang maihatid ang aking damdamin,

At sa bawat yugto
meron pusong nagdurugo

Masakit na pagkakataon
sa nararamdamang nakabaon
sa utak na nilalamon
ng pusong nanghahamon

na bagama't nasasaktan
ay patuloy paring lumalaban

na kahit alam nang mali
ay patuloy paring nagmamadali

Utak na kalaban ng puso
na laging umaabuso
sa kahinaan ng bawat tao

Kay sarap sanang pakinggan
ng isang musikang inilaan
ng utak para sa puso
at puso para sa utak.

Isang makata
na walang planong magpakilala
sa taong minamahal niya"

Nakatulog kaya hindi ko namalayan na bababa na pala kami at lilipat na ng sasakyan, siguro mula dito ay magkakaroon pa kami ng dalawa pang sasakyan.

"Gutom na ba kayo?" - tanong niya

"Konting tiis nalang naman eh, sa bahay nalang tayo kumain"

"Sabagay"

Nagpasya kaming sumakay na upang makauwi na agad, pero dahil medyo gabi na wala pang isang ay nakauwi at nakahiga na ako sa higaan namin.

Bakit ba ikaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon