Pagkakakilanlan
Habang dinodrawing ko ang mukha mo patuloy akong napaisip kung bakit ko ba ginagawa ang lahat ng ito, na sa bawat linya ng larawan mo lagi may tanong sa isip ko "bakit ba ganito?"
"Oy Pol bakit tahimik ka ata?!" tanong ni meng
"Wala lang, kakatamad mag salita" sagot ko
"Ano bang nanyare sa kanila ni Jessa, Mika? lq ba sila?" pabirong tanong ni meng kay Mika
"Aba malay ko" sabay tawa ni Mika
"Meron bang sila?" dagdag niya pa
Nagtawanan silang lahat dahil sa biro ni Meng tho tumawa rin naman ako kaso hindi nga lang ganun katagal sa kanila. Inaantok na kasi talaga ako.
"Oy dinodrawing mo pa rin ba si Jessa?" tanong ni Meng
"Oo nga"
Ba't ba ako topic niyo?!
Nakwento ko nga pala sa kanila na dinodrawing ko si Jessa, sa sobrang tuwa ko kasi nung nakaraan nadulas ako at napagsasabi ko sa kanila.
"Ay oo tapos na, eto yung picture oh!, gusto niyo ba makita?" sagot ko sabay tanong
"Sige patingin" sabay agaw ni meng ng cp ko
"Mika ang ganda nga oh!" sambit ni Meng
"Aywe! patingin nga ako" - sambit ni mika
"Hala! Oo nga no!" dagdag niya pa
Nakakatouch yung mga compliments nila sa gawa ko at ang masakit hindi pa nila nakikita ng personal yung gawa ko, napapangitan nga ako e.
"Anong plano mo dito?!, ibibigay mo sa kanya ?" tanong ni mika
"Ang ganda e" dagdag niya
Hindi ko rin alam kung anong plano ko sa dinrawing ko kaseeeee hindi talaga ako nagagandahan e, I mean maganda yung gawa ko pero parang mas kailangan pa iimprove kasi sa kanya yun ibibigay.
"Ibigay mo baliw sayang naman!"
Tho dala ko naman talaga yung drawing na ginawa ko pero wala akkng lakas ng loob para ipakita sa kanila yun, wala kasi talaga akong tiwala sa gawa ko.
"Ibigay mo yan!, kahit ipakita mo lang"
Hanggang sa pag uwi pinag iisipan ko pa rin kung sapat na ba yung gawa ko o hindi, kaya ayun gumawa ulit ako ng bago, halos inabot na ako ng umaga para lang matapos at buti naman nag improve siya kahit kokonti lang.
"Oy Pol ang ganda daw ng drawing mo ah" biro ni Diane sabay ngiti niya
"Huh?"
Pagdating na pagdating ko pinag uusapan na nila yung dinrawing ko medyo nakakahiya dahil nandoon si Jessa at pilit niyang gustong makita kahit sa picture lang.
"Patingin ako!" sambit ni Jessa
"Ano Pol?! ipapakita ko ba kay Jessa?" sambit ni Mika
May magagawa pa ba ako? alam na ng halos lahat ng nasa room na dinrawing ko siya at halos lahat nakita na nila kung anong itsura nung dinrawing ko.
"Sige lang" sagot ko
Ito yung araw na gustong gusto kong pumasok yung professor namin para naman maiba yung topic nila diba?! kaso gaya nga ng sabi ko "once in a blue moon" pumasok yun kaya ano pa nga ba inaasahan? edi WALA?!
"Anu yang dala mong folder Pol?!" tanong ni Meng
"Ah?! Papel na blangko" sagot ko
"Ay Pol pwede mo ba ko tulungan kay Louis?" dagdag niya pa
Sa pagkakaalala ko nagpost si Louis ng about sa President which is si Meng na, parang nagbigay ng motibo parang ganun kaya siguro eto si Meng.
"Sige lang brad basta may maitutulong" sagot ko
"Sige chat chat nalang"
Dumiretso na ako sa PNR unlike nung nakaraan ako lang mag isa wala yung iba, si Meng kasi may tungkulin pa at di ko alam yung iba, di ko pa sila nakikita e.
*Pnr Sound*
Pagpasok ko ng tren napaka uncomportablee kasi sobrang luwag niya as in kaya napatingin ako sa iba pang bagon kung maluwag din kaso iba yung nakita ko.
"Oy!" sigaw ni An sabay turo
"Yow!" bulong ko
Nagtago na ako noon pagkatapos, pero hindi pa rin sila natigil kinalabit ni An si Jessa kaya tinignan niya tuloy ako, medyo nakatago ako kaya medyo binababa niya ulo niya para makita ko, kaya ayun nagkita rin kami.
Sa pagitan ng kamay at ng tiyan ni kuya may medyo kaliitan na butas sa pagitan noon at doon kami nagkita ni Jessa, medyo para kaming ewan kasi naglaro pa kami after namin magkita tipong habulan ng tingin, kaya napakaway ako, pero di ko alam kung bakit.
"San ka?" tumatawa siya habang nagtatanong (kinikilig ata)
"Diyan lang" bulong ko sabay ngiti sa kanya
Hindi ko na sila nilapitan kasi may karamihan sila magiging awkward lang sila o ma oop lang ako kasi hindi naman talaga ako belong sa kanila.
"Tutuban Station End of the Line!"
Nagmadali na akong maglakad palabas ng tren hangga't maari sana, ayoko silang makasabay palabas ng station na yun, I hate conversations e. pero...
"Oy Pol ano uuwi ka na niyan?" tanong ni Angelo
"Oo, di ko mahanap ticket ko.. ayun!"
sagot koNauna sila sakin na makapunta doon sa pila pero hindi sila pumila, hindi ko alam kung hinihintay ata nila ako kaya nag stay pa sila, pag alis ko alis din sila e, Ewan lang.
"Pol malayo ka pa dito?!" tanong ni Carlo
"Medyo konting lakad lang, pero isang sakay na lang" sagot ko
Minamabilis ko na yung paglalakad pero wala e, may isa pa palang pila papasok sa tutuban mall kaya nagpapang abot pa rin kaming lahat, edi binagalan ko na rin.
"Gusto mo Pol?!" alok ni Angelo
"Hindi, Pass" sagot ko
Kaya dumiretso na ako sa loob at minabuting doon ko nalang sila hintayin para naman hindi ako masyadong masama sa paningin nila.
"May Arcade pala dito e" sambit ni Angelo
"Minsan naglalaro ako dyan kapag sobrang aga ng uwian natin" singit ko
Hindi naman sila gaanong nagtanong about sa loob ng tutuban, tho wala naman akong maiisagot, medyo kalat kalat kami may hinahanap ata sila kaya ganun.
"Oy ayun tignan natin doon baka meron" sambit ni Mika
Hindi ko alam kung sa paanong paraan mag umpisa ang lahat, anong oras? hindi ko na namalayan na, kaming dalawa nalang ang naiwan sa pwesto na yun.
"Uuwi ka na?" tanong ni Jessa
"Oo e" sagot ko
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, sa anong dahilan? Hindi ko alam basta ang alam ko nagtitigan kami mga ilang minuto bago lumabas sa bibig ko ang salitang...
BINABASA MO ANG
Bakit ba ikaw?
RomanceThis is my first and eventually my last story , so I will try all I've got . All the characters are still living ,not so sure though, they were close to me . I hope you enjoy and have faith.