Mali ba
Napaka unusual pala ng pakiramdam kapag nakakahawak ka ng kamay habang nagdadasal ka, tipong dapat ang mga sinasabi dapat puro pasasalamat pero sakin may kasama eh like
Salamat..... SANA siya na talaga
"Hoy Pol bakit kanina ka pa nakangiti diyan!" - tanong ni Lawrence
"Ha? eh maganda gising ko tsaka spread good vibes no ka ba?" - sagot ko
Nung isang araw, oo matagal na yun pa ko goodvibes pero hanggang ngayon natangay ko yung goodvibes eh pero bakit? hindi ko rin alam hindi naman siguro nakakakilig yun diba? naghawak lang naman kami ni Jessa, maliit na bagay
"Ang creepy mo talaga ngayon!" - sambit ni Lawrence
"Ako? hindi ah!" - sambit ko
Parang hindi naman ako ganon kasaya e kinakausap ko lahat ng hindi ko kakilala ngayon kasi nga we should be friendly diba? tas panay ako kwento sa kanila syempre para di boring ewan kahapon pa ko ganito e
"Bukas na yung room" - sambit nila
As usual nagkaroon ng kaguluhan, hindi naman talaga gulo, nag agawan ng bangko at ang ending? hanap ng bangkuan yung mga nawalan
"May nakaupo ba dito?" - tanong ng isa
"Ah, hindi naman po" - sagot ko
Hindi ko alam kung kanino ba talaga yung bangko na yun pero tuwing uupo kami doon laging may nakareserve na bangkuan na malapit samin pero walang gustong umupo or kumuha noon, ngayon lang may nagtanong
"Dayarn(Diane) may bangko ka na?" - tanong ni Jorie
"OO! Joreng" - sagot niya
Maganda, maputi, masayahing bata pero hindi bibo may pagkamahinhin pa datingan niya, nakakatuwa nga siya kapag PE e kapag sobrang hinhin niya tumakbo, maraming nagsasabi girlfriend material daw to' I agree
"Pol, Musta?" -tanong ni Renzhime
Ang layo palang niya alam na alam kong siya yun may pagkamaingay kasi talaga siya tsaka isa siya sa nakahiwalay samin kasi sa ROTC siya nag NSTP sobrang cool niya talaga
"Okay lang naman, ikaw?" - sagot ko sa kanya
Nagkwentuhan lang kami tipong hindi kami nag usap mga isang linggo yung tema, mas hahaba pa sana kaso dumating na yung professor at kailangan niya ng kumuha ng bangkuan.
"Sino na yung magrereport?" - tanong ng professor
"Kami po!" - sagot ng ilan
Yung professor na to' sagana siya sa balbas tsaka iba yung atake niya sa mga studyante kung baga parang nilulugar niya yung sarili niya na parang isa rin siyang studyante kaya vibes na vibes siya ng section
"H'wag na muna kayo kumuha ng projector mag kwentuhan muna tayo" - sambit niya
Laking tuwa ng marami at syempre isa ako doon dahil hindi ko alam kung pano ko matutulog ng hindi nahahalata ni Sir kaya nakaligtas ako sa pag iisip kaya pasensya na sa mga reporter na tinulugan ko.
"Magkakaroon ng outing yung mga students ko if you want to join, palista nalang yung pangalan niyo, sino ba yung..." - discuss niya
Patuloy lang siyang nag didiscuss ng mga bagay about sa magiging camping nila, yas! camping nila wala akong balak sumama sa mga ganyan bukod sa napaka layo ng lugar wala rin naman akong pera at ka close na sasama.
"Mas maraming sasama mas maganda" - dagdag niya pa
Mas marami sanang sasama kung kakayaning mag ipon ng pera kaso sa sobrang dami ng gastusin sa school works malabong makakaipon ka lalo't nakakagutom pag bumaba ka sa east amoy na amoy e
"Pol, ano sasama ka?" - tanong ni Lawrence
"Hindi" - sagot ko
Ano pa nga ba isasagot ko? pero nagdadalawang isip din ako dahil minsan lang yun gusto ko rin maka experience ng ganong mga kaganapan sa buhay pero wala e parang pera ko wala
"At tsaka magkakaroon tayo ng message sa bawat isa dito sa room, gagawa kayo ng letter dapat iba iba kada isang tao" - sambit ng professor
Pwedeng gawin kahit ano sa liham yun kaagad ang napasok sa isipan ko pwede kang maglabas ng sama ng loob magbigay aliw, at gumawa ng istorya na hindi nila magegets yun ang gagawin ko nung una.
"Pwede din kayo umamin ng mga nararamdaman niyo" - dagdag niya pa
Amin? para saan? para kanino? tapos na ang laban bago pa man magsimula ang lahat pero bakit ganun? feeling uneasy ako na kapag hindi ako nagpaka totoo mawawala lahat ng dapat sa akin.
"Lahat naman siguro nakukuha diba?, tama ba?" - tanong niya habang nakatingin sakin
"Aaah eeetooo!, Yes po!" -sagot ko
Nakakaba palang sumagot sa isang professor lalo't lahat ng nasa klase e nakatitig lahat sa direction mo, napaka unusual pero ganon ata talaga sa kolehiyo.
"Kanino ka aamin, Pol?" - tukso ni Pat
Ewan
Gumalaw ako na umaayon sa sign na nagpapahiwatig na "Hindi ko rin alam" yan ang sinasabi ng isip ko na paulit ulit namang pinapaintindi na marahil taliwas sa nararamdaman ko
"Si Jessa hindi mo susulatan?" - dagdag niya pa
Ang awkward lang ng tanong niya dahil hindi ko alam kung nakakahalata na ba sila sakin pero mas awkward kasi tumingin samin si Mikaela yung bestie ni Jessa
"Para saan naman?" - nagmamagwapong sagot ko
Hindi ko alam para kasi kong naglalaro na kapag umakto ako ng hindi naayon sa sinasabi ng isip ko na alam naman ng lahat na dapat dun lang kukunin ang salitang tama e mukhang matatalo pa ko
"Diba kasi maraming nagkacrush kay Jessa kasi maganda naman talaga siya?" - tanong niya pa
"Aaaah, hindi ko alam" - sagot ko
Buti nalang natapos na yung pagtatanong nila sakin, hindi ko na rin kasi alam kung hanggang kelan ko ba makakaya na tumindig ng ganito, maangmangan sa mga kaganapan
"I have something with Jessa" - nasalita ko habang nasa freedom park
Nakakatuwa na nakakahiya dahil napailag yung kasabay kong naglalakad, napaka creepy ko siguro kapag hindi ako kilala tas biglang nagsasalita
#Mali ba
*Tulala sa bawat minutong lumilipas
sa patak ng mga luha na tumutukoy sa wakas
Hanggang kailan kayang ipagpatuloy ang pagbigkas
Sa nararamdaman na sinusulat ng patagong pinapalikas
Hanggang kelan kaya kayang itago
Damdamin na hindi na dapat pinapanatili sa puso
na sa bawat araw na nasasayang ng buhay ko
Andiyan siya para magbigay saya sa bawat segundo ng buhay mo
Alam ko sa sarili ko na tanggap ko pero
Mali ba na magmahal ng taong hindi kailanman sasayaw
sa mga musikang ginawa ko na wala sa tono*
BINABASA MO ANG
Bakit ba ikaw?
RomanceThis is my first and eventually my last story , so I will try all I've got . All the characters are still living ,not so sure though, they were close to me . I hope you enjoy and have faith.