BBI - 4

10 0 0
                                    

Panata

Hindi ko alam kung bakit ganto ang pakiramdam ko? Mabigat? Nakakainis! para akong babaeng may regla ewan di naman ako babae at wala akong plano. PANIGURADO

"San ka pupunta? di naman jan papuntang room ah?" -tanong ni bea

"Totoo ba?" natatawang sagot ko

"Kanina ka pa lutang ah, Simula n--" sambit nila

"Hmmmm, atin-atin lang ah kanina pa kasi ako nadudumi eh hihi" - interupt ko

Marahil unti unti na silang nakakatunog na nagkakaganito ko dahil sa nalaman ko tungkol kay Jessa o baka alam na nila?

"Papahangin lang muna ko ah" - sambit ko

Masarap? HINDI! pero mabaho amoy na amoy mo yung sangsang ng ilog pasig dito pero sakabila ng lahat ng yoon di hamak na mahangin dito sa West

"Ano nga ulit pangalan mo?" - tanong niya

Hindi ko agad pinansin hindi ko naman kasi alam na ako yung tinatanong niya, nasa loob naman kasi lahat ng tropa ko kaya masisisi mo ba ko?

"Oy ano?" - tanong niya ulit

"Ako ba?" - sagot ko

"OO!" - sagot niya

Typical na babae hindi man siya ganon kaganda pero nasa kanya yung confidence na wala yung iba tsaka sa observation ko isa siya sa matatalino, tho may pag foul yung bibig niya pero oks lang mukha naman siyang mabait at hindi harmful

"Pol, kung hindi ako nagkakamali ikaw si Renzhime" - sambit ko

Kung hindi rin ako nagkakamali sila yung laging maingay sa likod ni Meynard silang dalawa as likod lang namin nakakainis minsan pero okay lang part yun eh

"Oum, tiga novaliches ka diba mahirap sumakay doon?" - tanong niya

"Navotas po" ngumiti ako pagkatapos ko sumagot

Nakipagkwentuhan ako sa kanya habang hinihintay yung professor kung dadating ba? Walang nakakaalam syempre pero grabe ang lakas tumawa nito ni Renzhime (zhime)

"Oh bat ka napatigil?" -tanong ko sa kanya

Huminto siya kakatawa niya at humarap sa koridor kung saan may naglalakad way papunta samin may nakita yata

"Ang ganda niya no?" - tanong niya

"Nino?" - tanong ko

Para siyang boyish na kinikilig kilig pa habang papalapit yung babae, maganda nga siguro sa mukha ni zhime mukha naman siyang mapili

"Siya yung nanalo ng muse diba, Je... Jes.. ano nga ulit yun" -sambit niya habang hinahampas niya ko

"Jessa!" - sagot ko

"Ayun! diba ang gand-" - sambit niya

"Ah siya ba?!" - interrupt ko

Dirediretso na kong pumasok sa loob ng room kung baga hangga't maari gusto ko sanang iwasan muna siya, si Jessa hindi ko alam pero tuwing nakikita ko siya lalo ko lang naalala yung dapat kinakalimutan na

"Wala pa daw tayong prof pwede na umuwi" - sigaw ng president namin

Ang pangalan ng president namin? Penelope taliwas man sa name niya may kalakihan kasi siya pero okay lang magaling siya makisama kaso di ko talaga magets yung mga lalaking binubully siya, bakit hindi ko inaawat? hindi kasi ako superhero

Bakit ba ikaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon