Simula
Ito na yata ang pinaka nakakakabang araw na magaganap sa buhay ko ngayon kasi ang araw ng pasukan. Bagong classroom , bagong kaklase, panibagong buhay.
"Tagal mong dumating pol" -Elijah
Typical na araw mainit, walang hanging gusting dumampi sa balat ko , at higit sa lahat mainit ulit. Basta kanina pa ko pinagpapawisan sobra!!! Like ang init boy!
"Tara sabit nalang iba" -sambit ko
Nakakaloko mang isipin na ako any nagyaya pero ako yung nakaupo at silang tatlo yung nakasabit. Pero hindi ganun kasaya kasi yung upo ko eh pang 3 pesos lang halos yung pinaka patusok ng pelvis nalang ata eh, talented na ko kung tawagin nun.
"Ano? Musta upo mo?" Pang aasar nila
Tawang tawa sila sakin kasi ika ika akong bumaba , manhid pa buong katawan ko , ayaw ko na maging talented kung ganyan lang din
"May artista daw"- anonymous
PUP (Polytechnic University of the Philippines) kilala din to bilang " Pila Ulit Pila" aabot kasi hanggang 6th ang pila sa orientation at pipila ulit para sa interview basta aabutin ka ng indulto . Ika nga nila
Patience is a Virtue
Pila ulit bago ka makapasok ng unibersidad, as a freshiee ang gate pass mo ay ang mahiwagang Registration Card.
"Camera pre ! Let's do this " paanyaya ko
Sa pila may nagrereport ng live , kamalasmalasan nung nasa tapat na namin huminto ang roll , magbida bida pa naman kami.
"Yes !" - Christian
Isang pagkakamali na pumasok ng maaga dito lalo na kapag first day , maingay masyado sobra kasing nakapalibot yung mga tao.
ang mamatay ng dahil sayo..
Hindi ko na namalayan na tapos na ang kanta, sumunod dito ang speech ng kung sino man yun basta ako walang narinig , kung meron man hindi ko naintindihan.
North si Elijah, Raymond at Christian , East naman si Earnest , at Ako dito sa West tapat ng ilog pasig Room 418 sa tapat kaya ramdam mo yung hangin kasabay ng mahiwagang amoy.
"Ah excuse me dito kayo magroom?" -tanong ni kuya kay ateng
Unlike sa mga tropang kasama ko dito malamang ako lang ata yung pinaka panget sa kanila or hindi? kung ikukumpara mas matalino din sila sakin kahit hindi ganon kapogian yung iba bawing bawi naman sa talino.
"Hays.... If only" - bulong ko
Pumunta ko sa universidad na ito para mag aral, typical na sagot ng isang estudyante totoo ba? High quality education? Top 5 university? First Polytechnic U? Tiga sunog ng bangko? Marahil dito na nga nakilala ang universidad na ito meron paba? di ko pa alam sa ngayon.
*Room 404*
"Let's see 412...414........418! Gotcha"
"Sa lahat po ng mag roroom sa 418 lipat po kayo sa 404 room po kasi ng organization to salamat po" -sigaw ng di kilalang lalaki
Seryoso ba? kakarating ko lang eh! Ano pa bang magagawa ko kundi sumunod diba?!
"San ka doon banda? Malapit lang samin yun eh!" - usapan ng di kilalang nilalang
Nakakafrustrate kasi ang ingay nila at wala akong magawa kasi naririnig ko usapan nila pero deep inside ang galing nila makipagkaibigan for the 1st day talaga close na kayong lahat?! pwera lang sakin. Im not the type kasi na nakikipag usap lang bigla bigla ayoko kasi na sabihin nila na feeling close ako kaya ayun umupo nalang ako sa gilid tas yumuko nalang.
*someone laughs*
She looks ashamed that time kasi lahat kami nagtinginan sa kanya ikaw ba naman tumawa ng pagkalakas lakas.Tinignan ko siya ng matagal hanggang sa marealize kong maganda pala not typical na makinis yung mukha pero makikita yung ganda niya after all. Wala akong naramdaman that time, hindi ako na curious sa kanya parang hindi ako interesado kaya yumuko nalang ulit ako. Hindi ko talaga alam yung rason pero parang ilag na ako sa mga babae pagtungtong ko sa university.
"Pwede ng pumasok Sir?!" - tanong ng maaring pabidang kaklase
Nagising ako ng narinig ko yun kaya tumayo agad ako, ngayon lang ako nakaranas ng ganito kapag hindi ka nagmadali mawawalan ka ng bangkuan masyadong marami ang estudyante at sobrang init. Palabas labas yung professor namin siguro naiinitan wala na kasing lalabasan yung hangin sa sobrang puno ng room yung iba nga nakatayo na kaya akala namin yun na lahat sana?! pero hindi pala may dumating pang apat na babae pilit pinapasok yung upuan para may maupuan sila.
"Goodmorning Sir" - banggit ng apat
Sobrang dami na talaga namin that time kaya sinasabi ng professor namin na baka may naliligaw or baka may mga naghahatid lang ng mga kaklase nila kaya nagtanong tanong siya at inuna niya yung huling dumating, yung apat.
"Dito ba talaga kayo?!" - tanong ng milagrosong professor
Nagtinginan kami sa kanilang apat particularly sa isang nagsasalita hindi ko sila masyadong tinignan kasi inaantok pa talaga ko SANA?! kaso di na matahimik yung mga lalaki sa likod ko na sinasabi na maganda daw yung dalawang babae sa apat kaya tinignan ko na rin siya wala din naman magawa.
"Opo Sir! eto po yung sa regi namin" - sagot ng isa sa kanila
Naka suot ng gray na damit na may collar na may di ko makitang logo, matangos ilong, magandang pilik mata, chubby, magandang ngiti, maputi. Typically my type of girl na gusto. Napatanong ako sa isip ko na:
May boyfriend na ba siya?
May pag asa ba ako kung sakali?
Nangako ako sa sarili ko na hindi muna ko titingin sa mga babae, I mean maghahanap ng maaring itinadhana para sa akin, kaya hindi ko na siya masyadong inintindi or pinansin tipong pipiliting snob'in
BINABASA MO ANG
Bakit ba ikaw?
RomanceThis is my first and eventually my last story , so I will try all I've got . All the characters are still living ,not so sure though, they were close to me . I hope you enjoy and have faith.