Lumpo
"Sino gagawan mo ng sulat?" - tanong ni Bea
"Si Jessa" - sagot ko
Nagtataka ako kung bakit parang wala man lang nagulat sa kanila nung sinabi ko yung pangalan niya at the same time lahat sila nakangisi at nakatingin sakin ang awkward lang
"May ginagawa ka na ba?" - tanong nila
"Meron na nga e, kaso hindi ako nagagandahan e" -sagot ko
Ginawa ko yung liham na yaon ng may halong takot at pagdurusa. Tama ba na umamin? o Kalimutan ang nangyari ng hindi niya nalalaman?
"Patingin" -Sambit ni Ash
Inabot ko yung liham na plano kong baguhin pa at pagandahin napaka masyadong impormal ng mga salitang ginamit ko doon
"Maganda naman siya" -sambit niya
Maganda sana siya kung gagawin mo ang liham sa taong sinisinta mo pero hindi ata maganda kung may ibang sinisinta ang sinta mo, tama ba?
"Eto na yung ibibigay mo?" - sambit ulit niya
"Biliiii bigay na natin" - dagdag niya pa
#Malagim
*Binibining pumukaw sa damdamin
ako'y nagmamatiyag ng palihim
na kahit sinasakop na ng dilim
hindi pa rin nawawalan ng pag asa
at lubos na nanalangin
na balang araw ika'y mapapasakin*
"Hindi" -sagot ko
Unti-unti ng hindi nagkakasundo ang mga salitang ginagamit ko sa paggawa ng tula, para bang nagpapahiwatig na hindi ko na dapat gawin.
"Bukas na daw yung room?" - sambit ni lawrence
"May assignment ba dito?" matawatawang tanong ni Joven
"Oo nga no?" - sambit ko
Alam kong wala kaming assignment nung mga panahong yun pero eto pa rin ako nakikisabay sa kanila, basta mayroon talagang times na parang bangag yung isip mo tas bigla kang mapapatanong kung meron nga ba?
"Wala, wag kayo mag alala" - sambit ni alvina sabay ngiti
Di ko agad siya napansin dahil may kaliitan siya tas hindi naman ganon kalakas yung boses niya so siguro narinig ko lang siya dahil biglang tumahimik bago pumasok ng room, ang weird nga na tumahimik e
"Yow!, Alvina nanjan ka pala" - matawa-tawa kong sambit
"Ay Grabe siya sakin!" - natatawang sambit niya
Mukha naman siyang hindi naiinis sa biro tho medyo totoo na hindi ko siya napansin medyo wala din naman ako sa sarili habang nakikipagkwentuhan kila Joven
"Bilisan mo" - sambit nito
Si Jhe Ann hindi niya tunay na pangalan, joke, wala man sa pangangatawan pero babae siya brusko ang datingan neto pero mabait naman wag mo lang pag tripan.
"Aray!, tulak pa!" - inis na sambit niya
Si Diana siya yung tipo ng babae na tatawa tawa lang yan pero nawawala mata niyan thingy, may pagkamanipis, pero base sa obserbasyon ko mabait din to.
BINABASA MO ANG
Bakit ba ikaw?
RomanceThis is my first and eventually my last story , so I will try all I've got . All the characters are still living ,not so sure though, they were close to me . I hope you enjoy and have faith.