BBI-3

13 0 0
                                    

Status

"Oy Pol ikaw naman tatanungin namin sawa na kami kay Joven eh" - sambit ni Patricia (Pat)

"Oh sige walang problema" - tugon ko

May katabaan tong babae na to, kalakihan ,  pero feeling ko magiging vibes kami nito dahil hindi siya maarte tignan parang masaya lang siya

"Eh malayo ba yung Navotas dito" - tanong ni Jenivie (Jen)

"Hindi naman dalawang sakay lang" -  sagot ko

Kulot siya, mahinhin, pero same lang kay Pat na magiging vibes ko to dahil tahimik siya pero may kwela deep inside

"Ako naman" - sabi ni Ashley

Patuloy lang silang nagtatanong sakin hanggang sa naging si Lawrence na yung pinagtatanong nila kaya medyo natahimik na yung buhay ko.

"Lawrence peram nga phone mo" - sabi ko

Napakanipis ng cellphone ni Lawrence apple yung tatak niya pero dahil hindi niya mapasa yung laro sakin sa phone niya ako naglalaro.

"Oy akin na yan baka malowbat" - sabi ni Lawrence

"Peram nalang ako Rubics mo" - sambit ko

Hindi talaga ako nakakabuo ng rubics kahit noong bata pa ako hanggang ngayon kaya para akong timang na iniikot ikot lang yung rubics kahit alam ko naman walang patutunguan hindi ko kasi alam yung gagawin para palipasin ang oras matagal kasing dumating yung professor namin mga 30 mins late mga ganun.

"Andyan na si Sir" - sigaw ng isa sa kaklase ko

Matangkad, Malaki tiyan, Pormahan Fernando Poe, pero mas kamukha niya si Baron Geisler ganyan ko idiscribe yung professor namin, napaka astig niya kasi tignan para sakin. Kaso di siya masyadong nakakapasok dahil ewan busy kung saan.

"Tumayo lahat ng may kasintahan" - sabat ng professor namin.

Nagsimula siya magtanong sa dulong parte ng bangko parang pinagtitripan niya lahat ng mga ito tuwang tuwa pa nga ako nung una kasi lagi niyang nilalagyan ng "SANA?!" kung saan lahat dapat ng magiging sagot ng may kasintahan ay magtatapos sa SANA hanggang sa dumating sa gitna.

"May boyfriend ka?" - tanong ng professor

Hindi ako nakikinig or nakikisali sa mga nangyayari sa loob ng room kasi mabilis akong magsawa at mabilis maboring hindi ko kasi kayang magfocus sa paulit ulit na bagay kaya umiwas na ako ng tingin

Akala ko lang 

"Opo" - sagot niya

Unti-unti ko nang nakikita kung sino yung taong tinatanong ng aming professor, hindi ako maaring magkamali na sa kanyang boses yung narinig ko, may kalayuan man pero matatanaw ko at maririnig ko

"Ilang months na kayo?" - tanong ulit ng professor

Masaya ka ba sa kanya?

Inaalagaan ka ba niya?

Iba't Ibang tanong na ang pumasok sa utak ko hindi ko na alam kung bakit ako nagkakaganito lalo na't sinukuan ko ang lahat para sa kanya 

"Pano ka niya niligawan?" - tanong ng nakakainis na professor

Tama na?

Hanggang Kailan?

Sa bandang dulo ng silid nakatingin lang ako sa kanya at nakangiti habang pinagmamasdan yung bawat ngiti niya, sa bawat sagot niyang may kasama pang kilig sa bawat iwan ng salita

"Okay class sabihin natin sabay sabay SANA?!" - banggit ng professor

Sabi ko na nga wala lang to e!

Okay lang ang lahat ng makita ko siyang masaya, masaya sa IBA wala naman akong feelings para sa kanya isa lang akong taga hanga 

Diba?

Unti unting akong nakakadama ng lungkot habang naririnig ko yung mga salita niya, hindi ko alam kung bakit ganito, bakit kailangan magkaganito?

"Oy Paul tapos na yung klase" - sambit ni Bernadette (Bea)

Pagkatapos ng pagtatanong ng professor namin bigla nalang siyang umalis kailangan niya daw kausap yung taong tinutukoy niya pero babalik din daw siya agad pero hindi na nanyare kaya yumuko nalang ako habang hinihintay siyang bumalik

"Bakit ba parang ang lungkot mo ngayon?" - tanong ni Bea

"Oo nga parang di ikaw" - sambit nilang lahat

Oo nga bakit ba ang lungkot ko? Ano bang dapat ko ikalungkot ngayong araw? Ano bang nanyare? Ano naman kung may boyfriend na si Jessa? eh hindi ko naman talaga siya gusto sa simula palang alam ko na yun

"Nakakaantok kaya" -sagot ko sabay ngiti

Hindi ko na rin alam kung anong isasagot ko sa tanong ng isip ko tama ba o mali? Hanggang kelan ba ako magpapanggap? Hanggang saan ako aabutin? At kung bakit ako naapektuhan ng ganito? HINDI KO GUSTONG MALAMAN!

"Saan nga ulit yung susunod na room? papasok na ba yung professor doon?" -tanong ko

"Hindi rin namin alam kung papasok na ba yung professor doon" - sagot nila

Sobrang bigat ng nararamdaman ko gusto ko na umuwi agad para mag isip isip, magpahinga at ilibang ang sarili sa mga nanyare ngayong araw gusto ko ng makalimutan.

"Ayun sundan nalang natin sila"

Bukas na yung room sa gawing west wing kaya hindi na kailangang maghintay sa labas kaya pumasok na agad as usual agawan ng bangkuan ano pa bang aasahan mo.

"Pabantay ng bag ko ah mag ccr lang ako" - sambit ko

Hindi ko alam kung anong schedule ng paglilinis ng mga cr minsan kasi laging sarado yung mga cr doon at kailangan humanap pa ng iba 

Ayun bukas

Ako lang yung tao dito kaya kung ano ano naiisip ko hanggang sa nag flashback yung mga naganap nung huling subject kaya naghilamos agad kasabay ng mga luha sa mata ko yung daloy ng tubig na nanggagaling sa gripo medyo may katagalan akong nakasubsob hanggang sa mapagtanto ko na sobrang mali pala

Makakalimutan din kita

Halos basang basa na yung damit ko bago pinatay yung gripong di ko namalayan na labis na tumutulo at napagpasyahan bumalik na ng room at pinunasan yung mukha ko

"Makakalimutan din kita J.." -muntik ko ng masigaw pangalan niya

Nakatakip yung mukha ko kaya hindi ko nakikita kung may makakasalubong ba ako o wala pero sumakto naman na pag alis ko ng bimpo sa mukha ko may muntikan na akong mabangga kung hindi lang siya huminto siguro nga narinig niya yung mga sinabi ko 

"Oops" - sambit ng isa

Hindi ko pa rin nakikita kung sino yung muntikan ko ng makabangga hindi ko na rin sana titignan pero kasi hindi siya umalis sa kinakatayuan niya halatang halatang inaabangan yung mukha ko kaya napilitan na rin ako tignan siya 

JESSA?!!!

Bakit ba ikaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon