PNR
Isang uri ng tren na hindi mo mararamdaman na airconditioned, isang uri ng tren kapag pumasok kang fresh lalabas kang mandirigma, at isang tren na pinagsimulan ng lahat.
Parang di nag eexist?
Siguradong yan kaagad ang bubungad na tanong sa mga hindi pa nakakaexperience, ang payo ko lang sa inyo na hindi pa nakakasakay "dont do it!"
"Oy diba Pol nag ppnr ka?" - tanong ni Meng
"Oo bakit?!" - sagot ko
"Mag Pnr ka ngayon?" tanong niya
"Medyo!" sagot ko
"Anong medyo, tara na!" dagdag niya
Kahit ako nagtataka sa mga sinasagot may eng eng nga siguro ko, sa damidami ng pwede kong isagot yung wala pa sa pinagpilian.
"Okay!"
Nakasabay ko kasi si Meinard isang beses sa tren papuntang school, hindi ko naman inaasahan na doon din siya sa bagon namin masasakay, kaya ayon nagkakilala kami, pero unlike him di ako sumasakay ng pnr pauwi.
"Nagppnr din to e" - sambit niya
"Aywe?!" - sagot ni Mika
Nagkatinginan kami sandali sa mata, ganda rin pala neto e kahit na akala mo mananapak, pero umiwas ako bahagya kasi naalala ko bestfriend nga pala siya ni Jessa.
"Dito ka rin pala, Ano?!" - tanong ko
Hindi niya ko tinignan, siguro hindi niya ako narinig nag uusap kasi sila ng masisinan ni Meng e, parang may pinaplano.
"Kao!, diba kao ka?" - tanong ko
"Oo bakit?!" - sagot niya
"Dito rin ba siya?" tanong ko pa
"Hindi, ay ewan ngayon ko lang yan nakita dito"
"Ay may gagawin ata sila" dagdag niya pa
Hindi ganon kahaba ang pila kaya saglit lang nakaakyat na kami ng platform, at ngayon ko lang napansin na parang dalawa yung bag na hawak hawak ni Meng.
"Jessa!, oh asan na si Mika" - tanong ni Meng
"Andyan na may binili lang" - sagot niya
Napalingon ako sa kanila, may weird talagang magaganap ngayong araw siguro nakaplano na to mga isang week mahigit na.
"Oy dito ka rin pala" sambit niya
"Ngayon lang" sambit ko
"Tiga san ka ba?" tanong niya pa
Te?! hindi tayo close ha?! mahalin kita diyan e, sige subukan mo pang ungkatin lahat makikita mo, lahat sakin ma fafall, palaban ako kala mo.
"Sa-"
Napatigil ako sa pagsagot dahil natanaw na namin ang main event si Mikaela!, Charan! feeling ko medyo na shock din siya kasi nandun si Angelo.
"May ticket na ko?" tanong niya kay Meng
"Oo" sagot niya
"Ba't siya nandito?!" tanong niya habang tinuro si Angelo
Lumayo na ako sa kanila pagkatapos non, dumidikit ako lagi kay Kao, di niya tunay na pangalan pero name niya sa fb, para kasing hindi ko na gusto ang mga manyayare.
"Oy Pol dito ka nga!" sambit ni Meng
Please Meng wag niyo ko damay sa kalokohan niyo
BINABASA MO ANG
Bakit ba ikaw?
RomanceThis is my first and eventually my last story , so I will try all I've got . All the characters are still living ,not so sure though, they were close to me . I hope you enjoy and have faith.