BBI - 9

8 0 1
                                    

"Isang binibini na bumaba galing sa langit?

kalokohan? 

Pero sa totoo lang hindi maaaring igiit 

Magsisimula ako sa salitang SIMULA"

Kasinungalinan

Sa tinaggal ng araw na pinag isipan ko yung mga salita na maaaring makatulong sakin para mapaganda yung liham na gusto kong ibigay para sa kanya.

"Pagkatapos ng report pwede niyo ng ibigay yung mga sulat" - sambit ni Sir

"Okay po"

Isang liham na ginawa ko na halos basahin ng kapatid ko na parang ganon ganon na lang? Ewan pero di ko naman sila masisisi dahil ako lang naman walang kasintahan sa aming tatlo.

"Mula sa mga ngiti na nakakamula

hanggang sa tinig na nakakakiliti

patungo sa huling letra

hanggang sa makilala kita"


Sabi nila iba daw talaga kapag nag effort ang isang lalaki, minsan nakakawindang pero minsan kasi feeling ko lumalabis na ang lahat, na kung ano lang yung dapat at kung hanggang saan lang dapat hanggang doon lang ang effort namin.

"Natapos mo na yung sinusulat mo?" - tanong ni Jhe-An kay Alvina

Jhe-An - siya yung tipo ng babae na lalaki?! tipong papalagan ka kapag hinamon mo ng suntukan pero sa guess ko kapag mas lalo mo pa siyang nakilala mo pa siya parang biro niya lang yung being boyish sana tama ako, mas matangkad sakin to, tas maputi rin.

"Hindi pa nga eh" - sagot niya

"Papasa na yan" - dagdag pa ni Jhe-An

Nagtawanan na sila na parang may sarili silang mundo, sa iba't iba kasing tao may iba't ibang meaning ang buhay mo na tanging kayong magkakaibigan lang magkakaintindihan.

"Hiling ko lamang sana

na lumagpas na

na gusto kitang makilala pa

na maging kaibigan ka

na maging kabiruan ka"

"Oy ikaw Pol!, nagawan mo lahat ng sulat?" - tanong ni Bea

"Sa awa naman, nakatapos ako" - sagot ko 

"Hanggang sa muli

binibining Jessa"

From Your Admirer 

Pol

Ps: Sana maging strong pa kayo ng Bf mo :)


"Pwede niyo ng ibigay yung mga sulat niyo" 

Akala ko ganun kadali ang lahat, akala ko kaya kong ibigay yung liham na ginawa ko para sa kanya, akala ko kaya kong tawagin yung pangalan niya ng ganon kadali.

"Pol!"

Halos maubos na yung tao sa classroom pero hindi ko pa rin alam kung saan sa banda sa room, kung nakaalis na ba siya? o kung saang lupalot pa siya ng room nakatago? at kung pano ko maibibigay yung liham na ginawa ko.

"POL!"

JESSA?!

"Eto yung sayo oh!" -dagdag niya pa

"Ah, eto yung sayo" - sagot ko 

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko yung parang tinatawag ng kalikasan pero 3 hrs pa yung klase mo?, sobrang lapit niya sakin, Isang Metro? 

"Thank you!, Di mo ko pinapansin kanina pa ko tumatawag" - sabay ngiti niya

Kalahating Metro?! 

Lalo pang bumilis yung tibok ng puso ko, aatakihin na ba ko? ba't kasi kailangan mo pang ngumiti sa harapan ko ha? Ha Jessa?! Sagot?! wala weak ka pala e di ka nasagot!

"A-h, medyo mahina kasi yung pandinig ko" sabay ngiti ko pabalik

Mabilis akong umalis pagkasagot ko sa kanya sa hindi halatang nagmamadaling kakilusan, pano?! HINDI KO ALAM basta ang alam ko lang baka sumabog na ako ng tuluyan kapag nagpatuloy pa yung pag uusap naming dalawa.

"Diba ikaw yung Pol?, Sensya na hindi ako nagawa ng sayo!" - sambit niya

Nagulat ako ng sa paglabas ng pinto nakita ko siya, si Mikaela yung bestfriend ni Jessa isang maputi, makinis, may pagkapayat, chinita kaya mukhang maldita, akala ko nga nung una boses lalaki siya kaya takot na takot akong dumikit sa kanya.

"Ah okay lang naman po, eto yung sulat ko sayo" - sagot ko 

Sa pagkakatanda ko eto yung babaeng tipo nung escort namin sabi ni Geraldine magkaklase ata sila nung escort nung Highschool kaya magkakilala sila. Wala namang problema Maganda naman si Mikaela at gwapo naman si Angelo kahit may pagkamalabot.

"Pol! eto yung iyo" - sambit ni Maribel

"Thank you!" - sagot ko

"Announcement yung letter na ginawa ko same lang lahat yung may nakasulat lang sa ilalim yung iba, Salamat" - sigaw ni Penny

Nagsimula ng umingay sa loob ng room kaya yung ibang sulat na ginawa ko para sa mga iba ko pang kaklase ay hindi ko na nabigay sa kanya kanya.

"Nabigay mo yung iyo?" - tanong ni Lawrence

"Hindi nga eh" - sagot ko

"Ay we? yung para kay Jessa" - tanong niya pa

"Ay OO nabigay ko yun" - sagot ko 

"Yiiiieeeeee" - pang aasar nila 

Hindi ko alam kung anong irereact ko sa mga pinaggagawa nila pero siguro kailan nasa firm parin yung pag uugali ko tipong parang hindi apektado pero deep inside nag wowondering na talaga ko.

"Parang Ewan naman" -matawa tawang sagot ko 

"Kinikilig ka lang e" - sambit ni Ashley 

Ang hirap pigilin ng tawa ko kasi iisipin nila kilig na kilig ako, hindi ko alam kung paano ko isusurvive to pero naiimagine ko yung pag papalitan namin ng sulat dahil sa kanila.

"Weeee Epal" sambit ko 

Heide?!

"Oy, Pol!", kanina pa kita hinahanap" - sambit ni Heide

Isa siya sa magaganda sa room, may kaliitan (bahala na kayo mag isip kung anong maliit sa kanya) basta may kaliitan siya, maraming nagsasabi kamukha niya daw si Sandara Park (Wow high praise) may resemble naman talaga siya swear.

"Bakit naman?, ay eto pala yung sayo" - habang inaabot ko yung sulat

"Salamat, ibibigay ko kasi to'" - sambit niya habang inaabot din sulat niya 

Parehas kasi kaming nagsisimula yung "A" yung apelyido kaya malamang sa malamang kahit hindi kami kilala e mabibigyan ng sulat kasi nasa bandang unahan kami.

"Salamat"

Hindi ko siya kilala personally hindi kasi ako basta basta nag aapproach ng magaganda e nakakatakot baka kasi kung anong isipin nila sakin kaya ayun.

"Salamat ulit" - ngumiti siya at umalis na

Bakit hindi ko siya crush? hindi ko din alam kung bakit e

Bakit ba ikaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon