BBI-Baduy

3 0 0
                                    


Baduy

"Sa babaeng hindi ko lubusang kilala
nais ko sanang handugan ka ng isang musika,
na kahit malabong maging iisa
tanggapin mo sana kahit wala ng pag asa,


Ulit na binabago ang mga letra,
pero di na yata mababago ang tapos na,
paulit ulit kong kinukwento,
pero hinding hindi na yata makukuntento,
sa mga bagay na gusto ko,
pero hindi naman ako gusto,

May iisang lakad,
mga damdaming lantad,
pero ang salitang bungad?!,

Mga salitang hindi nais tanggapin,
kahit patuloy paring maging alipin,
bagay na palaging nasa dalangin,
na sana,

Patuloy ng tangayin ng hangin,
ang nalalabi ko pang damdamin,
na kahit hindi ko man aminin,

Alam ko namang hinding hindi ka magiging akin"

Bakit ba ikaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon