BBI - 11

6 0 0
                                    

Ikalawang Semester

"Namiss ko dito" - sambit ng bida bidang studyante

Hindi ko alam kong miss ko ba yung PUP o hindi pero iba pa rin kasi yung feeling kapag nandito ka e, iba yung hangin parang nagsasalita ng "EDUKASYON!"

*PNR sound*

"Oh gumagana pala yan no?" -sambit ko

Pinagtinginan ako ng mga tao siguro mga kapwa ko studyante para kasi akong others na hindi belong sa kanila ngayon.

"Oo, butaw ka talaga" sambit ni Eli

"Totoo? hindi ko alam e" matatawang sagot ko

Naghiwalay na kami ni Eli pagkatapos ng mga ilang kwento, siguro mga 5 mins. ang bilis kasi namin maglakad e kala mo late kaya ayun.

"HAHAHAHAHA"

Nasa tapat ako ng silid ngayon at kitang kita ko ang mala gerang Classroom na papasukan ko, parang mga amazonang sumisigaw ng "Aho! Aho!" sobrang ingay.

"Oy pol musta?" - sambit ni zhime

"Oks lang naman, ikaw?" - sagot ko sabay ngiti

Nagtanungan pa kami ng kaunti at tsaka na siya umalis, medyo maingay nga kaya nga hindi rin kami gaanong nagkaintindihan.

Miss na miss lang?

Ako lang ata ang walang namiss sa classroom puro kasi sila maiingay at may ilang mga mapanglait at mga bully, gagandang lalaki at babae kasi nila e wala katulad.

"Pol! naglalaro ka ng DOTA?" - tanong ni meng

"Medyo lang" - sagot ko

"Tara sama ka samin mamaya laro tayo nila Jack" - dagdag niya pa

Madalas akong naglalaro ng computer kahit noong highschool days pa, matagal ko na ring gustong sumali sa kanila dahil wala rin akong makalaro kila Joven iba kasi hilig nila.

"Sigi lang!" - sagot ko

At tsaka wala pa namang nakatag na professor sa mga subject na madadaanan so samalang samalang e wala pang napipiling magtuturo sa amin.

"Ah ngayon na ba?" tanong ni Meng kay Ryan

Dito kasi sa PUP maraming conflict na sched ng professor kaya meron pa kaming tinatawag na adjustment period kung saan nandoon ang pag aadjust ng professor at ang mga studyanteng hindi nakaenroll dahil nagkaproblema.

"Oo tara" - sambit ni Ryan

Si Ryan o siguro sa iba mas kilala siya bilang Amazing Ryan, hindi ko alam kung tanda niyo pa pero siya yung one time big time sumikat sa isang idlap, magiging tropa ko na siya, sana.

"Tara na!" - sambit niya

Pagkadating namin sa shop maraming bakante kakabukas bukas lang neto e pero sa may pangalawang floor muna kami pinapwesto ewan ko ba sa bantay kung anong trip.

"Bobo! anoooooo?!"

Typical na trashtalkan ng mga studyante sa loob ng computer shop natural sobrang ingay, kada may mamamatay na character magsisigawan kami, and ano pa nga ilang beses kaming sinaway ng bantay.

"Hoy ano ba?! papalabasin ko kayong lahat jan" - sambit ng bantay.

Syempre tumahimik lang kami sandali at nag ingay ulit kami, wala akong ka close doon kahit isa kaya hindi ako makatrashtalk tsaka di naman ako ganun kagaling mag dota.

"San tayo kakain?" - sambit ni Angelo

"Gutom na ko bilisan niyo" - sambit ni Ivan

"Tara sisig house nalang" - sabi ni Ryan

May dalawa kaming Angelo sa section yung isa escort pero nominated din naman to' may katabaan pero marunong naman makisama, at si Ivan hindi ko alam kong bakit "bap" tawag nila pero makikitawag na rin ako, matangkad at maputi.

"San yun?" - tanong ko

Natawa silang sandali kasi akala nila nagbibiro ako pero hindi ako natawa e, hindi naman ako nag suplado pero mean lang yun na serious ako.

"Sa may tabi lang neto" - sambit nila

"Bakit? hindi ka pa nakakain doon?"

"Hindi pa e" sabay ngiti ko

Ilang araw at linggo naming ginawa ang paglalaro parang ginawang hobby tuwing break time, hindi na rin ako nasasama kila Lawrence pero tumatabi pa rin naman ako sa kanila sa bangkuan.

"Ano Pol sama ka?" tanong nila

"Pass muna" sagot ko

Tumatanggi na ako sa kanila simula noong pumasok yung professor namin sa PolGov siya yung tipo na nakikipagkita kapag trip niya lang, nagagalingan ako pero nakukulangan kasi lagi absent e.

"Uy upuan ni Jessa di niyo nareserve" - pag aalala ni Mika

Papalapit na siya sa harap ko no sort of feelings pero kumabog dibdib ko e pero slight lang, e ano pa nga ba ginawa ko? edi nag pa cool kid ako bida bida e.

"Oy pol san ka pupunta?" - tanong ni meng

Hindi ako nagsalita boy! tumayo nalang ako bigla and then lumipat sa ibang bangkuan, shocks hindi ko kasi talaga kayang magsalita sa harap niya 'Oh dito ka na' o 'Iyo na tong bangko'

"Jessa! wala kang bangkuan, sorry!" - sambit ni Mika

"Okay lang" sabay ngiti ni Jessa

Sana magets niyo!

"Oh ayan binigyan kana pala ni Pol e!" - Sambit ni Mika

Thank you Mika! galing mo

"Salamat!"

"Oy nagreview ka na?"

Patuloy lang silang nagtatanungan, at ako naman nagbukas ng cp dahil rereviewhin ko ulit yung mga article article, hindi ko pa masyadong kabisado e hirap na hirap kami maghanap ng source neto.

"Pol ba ka naman umalis sa bangkuan alam mo naman di ako nagreview, kung gusto mo ako jan ikaw na tumabi kay Jessa" - sambit ni meng

Yung offer ni Meng ang ganda e parang ayoko na magreview, pero study first kasi ako e, medyo stricts kasi ang parents ko pero ang cute ni Jessa kapag nagkakabisado 😍

"Dito na nga lang din ako" dagdag niya pa

Natawa ko sa sinabi niya pero nawala bigla dahil, ewan ko ba pero bakit ganito tong' professor na ito kapag may quiz pumapasok at matindi siya ah hindi naituro karamihan ng tinanong niya.

"Isa pang tanong"

Suway niya habang nakatingin sa malayo, napaka higpit niya pagdating sa quiz namin at sana ganun din diya kahigpit da pagpasok niya.

"Ano ba?! di ba talaga kayo titigil?, maghiwalay nga kayo!!" - galit na pagkakasabi niya

Pinatayo niya yung dalawang studyanteng nasa likod namin ni Meng, tapos kinuha niya yung papel at minarkahan niya ng 5 parehas, at tsaka pinapasa na rin yung amin, hindi na siya nagdagdag pa ng katanungan dahil sa galit.

"Sa susunod pa inulit niyo pa yung ginagawa niyo"

Naawa si sir sa dalawa kong kaklase kaya base sa pag uusap nila pinalitan niya yung grado nung dalawa siguro imbis na 5, e minus points nalang.

"Hindi naman tayo nag uusap diba?, ewan ko ba dun!"

Umalis na si sir pagkatapos noon at mukhang hindi nanaman siya papasok sa mga susunod na meetings namin, ewan ko ba doon once in a blue moon pumasok.

Bakit ba ikaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon