Eleven

184 8 4
                                    

Kianna's.

"Welcome home ma! Pa! We miss you!" Sinalubong ko sila ng isang mahigpit na yakap. Sobra nilang tagal na bumalik dito. Lagi nalang kasi silang na eextend.

Kinuha ko yung mga dala nila at nilagay ko muna sa tabi.

"Ria, how are you? You good? How's your big bro?" Dad asked me. Medyo okay na rin kami ni kuya. Hindi ko naman kasi kaya na hindi siya kausapin e, magkasama lang kami dito sa bahay. Tska sabi ko, last na niya yun.

I nodded. "We're now good,"

"Pabebe lang talaga yan si Chandria, dad. Akalain mo yun? Antagal niya kong pinatawad. Akala mo naman kung ang laki ng kasalanan ko" sinamaan ko siya ng tingin at tumawa lang siya. Ewan ko ba dito sa panget kong kuya. Parang minsan gusto ko nalang umalis at hindi na bumalik. Hindi ko alam bat naging ganyan na siya.

"JD naman," salita ni mama. "Matanda ka pa rin. Hay nako, hindi ko talaga gusto yung sinabi mo sa kapatid mo ha!" She added.

"Tska Jameson, pwede ba? Dahan-dahan naman sa mga salita na gagamitin mo. Hindi naman siya ganung babae ah?"

I heard him scoffed. "Yeah yeah. Whatever"

"Jameson Dane!" Galit na sigaw si daddy. "Hindi kita pinalaki ng ganyan ha! Anong nangyari sayo?!"

Hindi siya sumagot but instead ay pumanik siya sa kanyang kwarto. Humiwalay ako kay daddy dahil galit na siya. Lumapit ako kay mommy para naman mag kiss sa kanya. Ewan ko ba dyan kay kuya. Naging ganyan na matapos nung gustong makipag usap sa labas ni Clad.

Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ko yung phone ko sa table at tinext si Clad.

CJ;

Hey, CJ! R u busy? Usap naman tayo oh? Badtrip si kuya e. Okay lang? :))

I waited for his reply pero it took 20 minutes before I received it.

CJ;

Hi, KC! Oh? Really? Shit. I'm sorry. I'm busy right now. I'm preparing for tomorrow. We're heading to SoKor para dun sa movie. :( But if you really want to talk about it, then I suggest that si Arkinn nalang muna yung kausapin mo kahit na ayoko. Gusto ko lang na mawala yang problema mo. Hays. Sorry KC. Sorry talaga. But don't worry, the day after tomorrow, I'm going to leave the showbiz. A'yt? Anws, I miss you! :*

I took a deep sigh. Nakalimutan ko, artista nga pala tong si CJ. I smiled and replied.

CJ;

It's fine! :) Good luck for tomorrow and congrats to ur movie, CJ! I'm proud of u. I miss you too. :) Sorry for disturbing u. Take care :)

Maya-maya lang ay nagreply siya.

CJ;

I'm really sorry. Bawi nalang ako sayo, KC ha? Promise. :)

Nagreply ako ng 'okay' nalang ako at nag buntong hininga nalang. Ano pang magagawa ko diba? Pero sabi niya naman na pwede ko raw kausapin si Arkinn. Ewan ko pero parang ayoko nang kausapin yung isang yun.

Pero pwede naman na last try na diba? Wala naman problema sa last.

Pumunta ako sa contacts ko at nakita ko agad yung pangalan ni Arkinn. Hindi naman siya mahirap hanapin kasi nasa letter A naman siya. Unang una sa alphabet.

Tatawagan ko ba?

I took a deep sigh and I dialed his number. Naging kabayo ang puso ko nung nagsimula nang mag ring yung tawag. Shit! Bakit ba ako kinakabahan?

HE WILL BE LOVED |FINISHED|Where stories live. Discover now