Fourteen

147 6 5
                                    

"You like me?" 

"Yes, I like you but I can't.." He said. 

Parang nanuyo yung lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Walang lumalabas sa bibig ko. Parang may kirot akong naramdaman. 

"I can't like you even if I like you. Hindi pwede, Chandria" 

Tiningnan ko yung sunset. Bakit parang naiiyak ako? 

"Hahaha, landi mo kasi" 

Hindi ko alam saan nanggaling yang mga salitang yan. Gusto ko na kasing maiyak. Hindi ko alam bakit. Alam ko na sobrang mali pero anong magagawa ko diba? 

"No. I'm serious. Hindi pwede kasi may Clad ka na. Nakakainggit nga si Clad e, yung gusto ko, gusto niya rin. Pero the difference there is yung gusto ko, gusto rin si Clad. Hindi naman siya unfair e. I mean, mas bagay naman kayo ni Clad. Hindi na ko mag eexpect pa na ako yung piliin mo"

Pinunasan ko agad yung luha ko na pumatak na talaga. I sobbed and tinakpan ko agad yung bibig ko. Dapat hindi niya yun narinig. Nakakahiya! Baka isipin niya pa na niloloko ko lang si Clad e, hindi naman. 

"Right," I uttered. "I'll be honest too..." Hinawakan niya yung baba ko para maiharap sa kanya yung mukha ko. Agad niyang pinunasan yung luha ko na kanina pa hindi tumitigil. 

"Hush.." 

"I've liked you. Yeah, past tense. Really. Indeed. Legit. Pero nawala kasi alam ko naman na ako? Never mong magugustuhan. Siguro trip mo lang ako pero hindi yung trip na gusto. Gusto kita noon. Pero kasi andaming nangyari e and Clad was there" 

Hindi siya nagsalita. Tiningnan niya lang ako at hinalikan yung noo ko. 

"Gusto ko yung ikaw naman yung andun. Yung ikaw naman yung dadamay saakin. Yung mag c-comfort saakin. Pero wala talaga e" 

He smiled a little bit.
"Pabida kasi yung unggoy na yon e. Akala mo naman kung gwapo e ang pangit naman" tas ngumuso siya. Tumawa ako at inihiga ko yung ulo ko sa may dibdib niya. 

He massaged my back. "Chandria, pwede bang sabihin mo saakin na maghintay ako? Sabihin mo saakin na may pag-asa ako. Sabihin mo lang Chandria at gagawin ko," 

"Arkinn, don't hurt yourself" 

He chuckled and caressed my hair. "So do you think na hindi pa ko nasasaktan ngayon? Just so you know, nasasaktan na ako" 

"I'm sorry. You don't deserve this, Arkinn"


Arkinn's.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko, sa mga sinasabi niya. Oo, nasaktan ako dati sa ex ko kasi minahal ko siya ng sobra. Pero hindi ko na naman alam na pati ngayon e, masasaktan pa ako.

Itong si Chandria, sobrang bait na babae pero minsan amazona. Pero gusto ko siya. Matagal ko nang tinatago kasi alam ko naming walang patutunguhan to.

Si Clad, yon! Nakuha na si Chandria—I mean hindi pa pero malapit na. Sobra akong selfish para sabihan ko si Chandria na wag na niya sagutin si Clad. Ewan ko. Siguro wala na talagang magmamahal saakin.

Inalis niya yung pagkakahiga niya sa dibdib ko at tumingin na sa malayo. I took a deep sigh and tumayo ako at pinagpag yung pwetan ko. Nagulat ako nung hinawakan niya bigla yung pulsuhan ko at tumayo na rin siya.

I smiled. "Gabi na, Chandria. Bumalik ka na dun sa ospital—" Lumakit bigla yung mata ko nung hinalikan niya ako. Akala ko ba hindi to nagpapahalik?

Teka, bat parang may basa? Umiiyak siya men! Lumayo siya at tinakpan niya yung mukha niya gamit ng kanyang mga palad.

"I'm sorry, Arkinn. Ilang sorry ba yung sasabihin ko para patawarin mo ko?"

Inalis ko yung kamay niya at tinitigan ko siya.
"Chandria, you don't need to say sorry. It's not your fault okay? Ang isipin mo ngayon is yung kuya mo at si Clad. Ako na ang bahala kay Kit at dun sa pinsan niya"

She shook her head. "Papagulpi ka rin sa pinsan niya? Hilo ka ba?"

I chuckled.
"Syempre hindi! Basta nga, ako na yung bahala dun. Hatid na kita sa ospital,"

"Ako lang? Hindi ka ba mag s-stay dun?"

I shook my head. "No need. Clad's there and ayoko makita yung pangit na yon. Tska okay na yon kasi alam ko na safe ka dun. Tara na?"

Hindi na ko hinintay yung sagot niya at hinila ko na siya papunta dun sa sasakyan. Medyo malayo nga talaga to. Pero buti nalang at nakita ko agad na andito siya. Pumunta siya kung saan dinala ko siya dati. Yung sinabi ko yung mga problema ko sa kanya.

"Bat ka nga pala dito pumunta?"

She shrug. "Dito lang yung alam ko e. Buti nalang at dinala mo ko dito noon"

"Naks naman!"

Ngumiti siya at naging tahimik na kami. Nakarating kami dito sa ospital nang hindi kami nag-uusap man lang. Syempre na feel ko rin yung awkwardness. Mag aminan ba naman kayong dalawa diba?

"Oh, hindi na ko bababa dito ha? Andyan na yung unggoy oh. Baba ka na,"

Tahimik lang siya.
"Ayaw mo bang bumaba? Anong gusto mo? Ako bababa?"

"Arkinn naman,"

I chuckled.
"Pinapatawa lang kita. Bakit nga ayaw mong bumaba?"

"Bababa naman ako. Hindi ba pwedeng wait lang? Kasi baka hindi na ulit maulit to"

Natahimik ako. Tiningnan ko si Clad at nakakunot na yung noo niya. Pangit talaga nitong mokong na to. Maya-maya lang ay inalis na niya yung kanyang seatbelt. Before she can open the car's door ay hinawakan ko ulit yung kamay niya.

"Wag mong isipin yung mga sinabi ko ha? Ayokong makagulo sa inyo ni Clad. Sagutin mo siya kung gusto mo siyang sagutin. Okay lang saakin. Ingat! Kumain ka na" She smiled and nodded bago siya bumaba.

I roll down the car's window and I waved my hands at the monkey.

"Oy, pangit! Nagsasalubong na yang kilay mo"

"Pangit ka rin oy! Anong ginawa mo dito kay Chandria? Bat ganito itsura nito?"

Napatingin ako dun sa itsura niya.
"Itsurang nakakita ng pangit. Hahahaha!"

"Gago ka ah! Upakan kita dyan e!" Palapit siya sa kotse kaya naman pinaandar ko na agad ito. Nilabas ko yung kamay ko at nag thumbs up. Nakakatuwa talagang asarin yon.

Nung medyo nakalayo na ako kay inihinto ko yung sasakyan at inihiga ko yung ulo ko.I just rest it.

What the hell did you just do, Arkinn?

Ganun nga siguro talaga pag gusto mo yung tao.

Pero wala talaga akong magawa e. Tinalo na ko agad nung unggoy na yon. Bakit pa ko lalaban diba? Gusto ni Chandria si Clad at alam yon ng lahat.

Bakit ganun?

HINDI NAMAN KAMI PERO NAGKIKISS KAMI, NAGYAYAKAPAN KAMI. Bat naman ganun? Sabihin niyo nang bading ako pero ayokong lumaban. Bakit ako lalaban? Meron ba akong ilalaban?

Nagustuhan niya ako dati.

Pero di ko alam yon. Ah! Ang gulo!

*Vibrates*

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at tiningnan kung sino yung nagtext.

Chandria;

Thank you, Arkinn! :)

Napangiti ako.

Hindi na ko makakapag reply kasi wala na kong load. Badtrip!

HE WILL BE LOVED |FINISHED|Where stories live. Discover now