Kianna's.
Minulat ko ang mata ko ng paunti-unti at biglang napatayo dahil hindi ito yung kwarto ko! Napahawak naman ako agad sa ulo ko dahil masakit ito. Gosh! Anong nangyari? Ah! Ang sakit talaga ng ulo ko. Wait-- Am I drunk last night?! Shet! No! Magagalit sina mama lalo na si kuya pag nalaman nilang uminom ako! Wala talaga akong maalala sa nangyari. Uminom lang ako tapos nalasing and then tinawagan ko na si Clad. Is that all?
Napabalikwas ako nung biglang bumukas ang pinto. Niluwa nito si Clad. Wait! Talaga bang si Clad talaga yung natawagan ko? E, diba busy siya?
"You're now awake. How are you?" He asked me.
Bat parang ang cool niya? Bat parang wala siyang pinoproblema? Nakangiti siya saakin ngayon na para bang wala siyang pupuntahan. Shit! Pupunta nga pala siyang SoKor ngayon!
"Clad? Why are you here?! Diba pupunta kang SoKor?! Shet!"
Nataranta ako. Kasalanan ko kung bakit hindi siya makakapunta ng SoKor pag nagkataon. It's a very big opportunity for him. Pero andito siya.
He laughed. "Chill. Okay? Relax, KC. Yeah. I'm going to SoKor pero sabi ko na susunod nalang ako--"
"No! Nagpabook ka ba ulit?! Please no! Just go, Clad Jari!"
He held my hand and kissed it.
"I said, calm down. Nagpabook ulit ako then bukas na yung alis ko. Gabi pa naman ipapalabas e. Kaya makakahabol pa ko. Don't worry. Kasi alam mo bang halos mabaliw ako nung tumawag ka saakin dahil lasing ka? My God! Don't do it again! You're making me insane!"Halos manuyo ang lalamunan ko sa narinig. Seryoso talaga? Dahil talaga saakin? Napayuko ako at napatakip ako ng mukha ko. Sobrang kahihiyan yung pinakita ko. Bakit ba kasi ako naglasing? Wala na talaga akong maalala.
"Hey," he uttered. Inalis niya yung kamay ko at iniangat niya yung mukha ko. Ngayon nagtititigan na kaming dalawa. "Why? C'mon. Tell me"
"I'm sorry, CJ. Hindi ko talaga alam na dahil pala sakin kaya hindi ka nakasabay dun sa flight ng team mo ngayon. I'm really sorry. Wala na kasi talaga akong matawagan na iba e. Ikaw lang talaga yung alam ko na pag tinawagan ko ay pupuntahan agad ako"
He smiled and kissed my forehead.
"Of course. Uulitin ko ulit ha, for the record na to. I will make time for you. Kahit ano pa yan"Napatingin ako sa kanya. "Why are you doing this? Yes, I know because you like me--"
"Love. I love you,"
Halos matameme ako sa sinabi niya. Mahal na niya ako? E, paano? Una palang nun sinabi niya saakin na gusto niya ako. Masyadong mabilis yun, pero ngayon? Hindi naman ako masyadong nagulat. My forehead creased and then he chuckled.
"Say something," He uttered.
I bit my lip.
"I-I'm speechless" I smiled. "It's like you never failed me to smile" I added.Hinila niya ko ng konti at niyakap. I hug him back. Masyado niya kong napasaya. Masyado na siyang maraming ginawa para saakin. Katulad na lamang nung kagabi. Lahat ginawa niya para mapuntahan lang ako. Hindi siya sumabay sa mga ka team niya for SoKor dahil saakin. He wants to make sure that I'm already okay bago siya umalis.
"For you. So, I'm now allowed to say that?" We let go of the hug and I laughed. Hinilamos ko yung kamay ko sa mukha niya.
Oo. Kinikilig ako. Ewan ko. Siguro the way na bigkasin niya yun ay nakakakilig.
"Hmm. Not all the time. Remember, we're not yet in a relationship"
"Sige, liligawan na kita"
YOU ARE READING
HE WILL BE LOVED |FINISHED|
Fiksi PenggemarWhen the pain is getting stronger and you can't even resist it, then give up. Stop your stupidity. You can find someone that will make you happy but still, guard your heart. God's perfect timing is really the best. All rights reserved © 2017