Arkinn's POV.
Lah? Mahal? Love yun diba? Akala ko ba walang babae itong si Clad? E, sino naman tong babaeng to na bigla nalang nasulpot?
"Mahal! Omg! Namiss kita ng sobra! Akala ko ba mag aartista ka tapos pupuntang SoKor? E bat andito ka? Mag-aaral ka na ba mahal? Magkakasama na ba tayo ulit?"
Sino siya? Tiningnan ko si Chandria at titig na titig lang siya kina Clad. Sino ba yan?
"Ay, wait mahal who are they? Your friends? Pakilala mo naman ako"
Hindi nakapagsalita si Clad at tumingin kay Chandria na lumuha na. This is not good! Really. Pero bakit wala siyang nakukwento saakin or di kaya kay Chandria?
"KC....." then he looked at me. "Kinn..."
Hindi nakapagsalita si Clad dahil biglang tumayo si Chandria at umalis. Napamura ako at sinundan siya. Sinamaan ko muna ng tingin si Clad bago ako sumunod. What the hell Clad Jari? Akala ko ba matino kang tao?
"Chandria wait up!" Hindi pa rin siya tumigil sa pagtakbo hanggang sa nadapa siya. Shit! Dali-dali ko siyang pinuntahan at niyakap ng mahigpit. She's really crying. Yung iyak na sobrang nasaktan. "Sshh. You're with me, it's fine. I won't leave you"
"Bakit ganun? Kung kelan sasagutin ko na siya saka naman nagkaroon ng ganun! Akala ko ba ako lang? Akala ko lang pala yun" I caressed her hair and kissed the side of her head. Napapikit ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Clad. Nagpaubaya ako sa kanya pero ano? Anong ginawa niya?
I let go of the hug and I wiped her tears.
"I know the pain. Don't worry, babasagin ko bungo nung Villanueva na yun"Hindi siya sumagot at niyakap lang ako.
Humanda ka saakin, Clad Jari! Magtago ka na ogag ka!
Clad's POV.
"B-bat umalis sila, mahal?" I gritted my teeth. Tumayo ako at tiningnan siya ng masama. Bakit bumalik ka pa? "M-Mahal..."
"Why are you here?" Matigas kong tanong. "Bat andito ka?!" Sumigaw na ako. Lahat ng mga estudyante ay napatingin saamin. I'm okay now with KC but fuck!
Nagulat siya kaya napa atras siya ng isang hakbang. "W-why... Ayaw mo ba na andito ako?"
Hinila ko siya palabas ng canteen at dinala ko siya dito sa isang room. I locked the door and tinulak ko siya.
"Why are you here?! Why are you here, Kella?! I don't want you here!"
"Bakit ba ayaw mo?! Hindi pa tayo naghiwalay, Clad Jari! Hindi! Pero bakit parang wala na tayo?! You just told me na mag aartista ka lang and you also told me na pupunta kang SoKor for 2 months! So ano?! Gosh! You lied to me! For God's sake!"
I bit my lip. Kella is my ex–no. She's my girlfriend. Oo hindi pa kami naghihiwalay. Pero para saakin wala na kami. Sobrang tagal na kasi nung huli kaming nag-usap. Tumingin ako sa kanya at umiiyak na siya. Hindi ko sinabi kay KC na may girlfriend ako hindi ko rin alam bakit e.
Alam kong nasaktan ko siya kasi talagang napaniwala ko siya. I love her and that's true! Walang joke dun! Mahal ko siya. Mahal na yung tipong makikipag patayan ako kay Arkinn para lang kay Kianna.
Hindi ko lang talaga maintindihan bakit kailangan na may bumalik pa? Okay na ako kung anong meron ngayon.
"Clad why? I love you. Nagtiis ako na wala tayong communication na hindi tayo nag-uusap. Clad, lahat ng mga gustong manligaw saakin nirereject ko kasi I have you. Wala akong sinagot sa kanila kahit ni isa! Kinaaway ko pa yung kaibigan ko kasi sabi niya na may babae ka na pero di ako naniwala kasi ako lang yung babae mo. You promised me na ako lang yung magiging babae mo. Pero bakit ngayon? Feeling ko meron ka ng ibang babae? Meron ba, Clad?"
YOU ARE READING
HE WILL BE LOVED |FINISHED|
FanfictionWhen the pain is getting stronger and you can't even resist it, then give up. Stop your stupidity. You can find someone that will make you happy but still, guard your heart. God's perfect timing is really the best. All rights reserved © 2017