Thirteen

156 8 22
                                    

Nanlaki ang mata ko. "Si Kit talaga?"

"Oo. Diba pinost mo pa nga yung picture niya sa fb mo e. Lagot ka kay Jameson"

Hindi ako makasalita. Bumalik ba siya sa club?! Paanong nangyaring nabuntis siya? E, wala naman siyang sinasabi saakin? Naging masama ang tingin ko kay Clad.

"Sure ka ba na si Jameson talaga? E, malay mo hindi siya?" 

Binatukan niya ako. "Lul! Ginawa mo pa kong sinungaling ah? Talandi mo kasi masyado, Judson" 

Nabuntis siya? Akala ko ba umalis na siya sa bar?
"Do you know where she lives? Samahan mo ko, kakausapin natin—"

"No. Ako na yung kakausap sa kanya. Baka hindi ka niya kausapin dahil.."

Tinaas niya ang dalawang kilay niya.
"Bakit?"

I took a deep sigh. "Kasi ang pangit mo. Labas na, pupunta ko pa siya"

"Gago! Mas pangit ka sakin"

Tumawa ako at tinulak tulak siya palabas ng kotse. I waved my hands at him and pumasok na siya sa loob ng ospital. Ako naman tong nakatunganga pa rin. I can't believe--- well, hindi rin naman nakakapagtaka yon. 

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko siya. 

"Hello? Arkinn? What do you need?" 

I cleared my throat. "C-Can we talk?" 

She scoffed.

"After what you did? Pinahiya mo ko sa Casa ng gabing yun tapos ngayon sasabihin mo yan na parang walang nangyari?! Oh c'mon" 

I clenched my jaw. "Sorry--" 

"You love her that's why" 

Kinalma ko muna ang sarili ko at kumuha ng lakas ng loob.

"Mag-usap tayo please. Gusto ko ngayon na. Sa Casa-- Sa Monte Carlos nalang. Be there okay? Please" I heard her cussed before saying okay. Pinaandar ko na ang kotse. Sobrang higpit ng hawak ko sa manibela. 

Really? 

Kuya pa talaga ni Chandria. 

Nang makarating ako dito ay nakita ko na agad siya. Binaba niya yung cellphone niya at tiningnan ako ng diretcho. Bago na yung itsura niya. Naka shorts siya tapos naka sando lang. Mapula na ulit yung labi niya. 

"So..." She started. 

I nodded. "Tell me the truth, umalis ka na ba sa bar o hindi pa?" 

"I told you before. Umalis na ako" 

I scoffed. "Umalis? Niloloko mo ba ako? Yang suot mo ngayon. Bakit ganyan? Kung umalis ka na talaga dapat hindi na ganyan mga sinusuot mo" 

Her forehead creased and she smirk. "What the hell? Of course, I'm used to it. Duh, Arkinn? 1 year and half akong nagtrabaho dun kaya syempre nasanay na ko na magsuot ng ganito" 

Hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit.
"Please. Maging totoo ka lang," 

She shrug her shoulders. "Okay. Di talaga ako umalis..." then hinawi niya yung buhok niya. I clenched my fist. Tama ba na hinangaan kita? 

Di lang ako nagsalita. Tiningnan ko lang siya. 

"Why? You know it's hard. I mean, pag umalis ako dun? Ano nalang yung kakain ko? Kakainin namin ng nanay at lola ko? Malaki yung kinikita ko dun sa bar! Hindi nangalahati yung kinikita ko sa Casa! Napilitan lang naman akong kumanta sa Casa dahil sayo. Pero dahil dun sa ginawa mo sakin? Nag dalawang isip ako. Naging tanga ako ng mga ilang linggo sayo, Arkinn" 

HE WILL BE LOVED |FINISHED|Where stories live. Discover now