Twenty-Two

154 6 6
                                    

Kianna's. 



Sinabi saakin ni CJ yung tungkol sa double date daw. Pumayag na rin naman ako kasi syempre nagkasakit din ako ng dalawang araw kaya okay na rin yun para makita ko na rin ng personal si Cyrex. Maraming nakukwento si Clad tungkol dun sa girl and of course kay Arkinn. Sobrang na sad ako nung nalaman ko na wala na yung mga magulang niya.



Syempre kahit papano ay magulang niya pa rin yun.

Buti nalang masaya ako with my family.



"Chandria? Are you still up?" Ano na naman tong kailangan ng kuya ko? Binuksan ko yung pinto at nakita kong umiiyak siya. Hala! Anong nangyari dito? Pumasok siya sa kwarto ko at umupo sa kama.



"Kuya, why are you crying?"



"Si Kit kase,"



Tinabihan ko siya. "Anong meron kay Kit? Nanlalake ba?"



"Chandria, I—I don't know if this is right but I—I don't love Kit. Yes, I have a responsibility to her but I really don't love her. I love someone else,"



Ngayon lang nagkaganito si kuya. Dahil sa babae.

I hug him very tight.



Kung sino man yung mahal ni kuya, napaka swerte niyang babae.



"Alam ko na hindi kayo okay ni Kit, pero sana tanggapin mo man lang yung baby namin. Kahit yun nalang"



I pursed my lips.

Hindi ko alam ang sagot ko. Alam ko naman na isang pagkakamali lang yung nangyari sa kanila pero bakit? Bakit ganito?



Wala akong sinagot kahit ano. Tahimik lang ako.



"Kianna Chandria" there's a warned in his tone. "Please say yes"



"Kuya, you know that I can't. Alam mo yan nung una palang. Ayoko sa kanya mas lalo na dun sa magiging anak niya. Sa kanya pa rin yun galing kaya hindi ko tatanggapin"



"Accept the baby Kianna, for me. Please?"



Ayaw na ayaw kong tanggapin.

HE WILL BE LOVED |FINISHED|Where stories live. Discover now