Thirty-one

141 8 4
                                    

Arkinn's POV. 

Nagising ako at nakita ko na may pagkain na sa gilid ko. Teka, ang pagkaka alam ko si Cyrex yung nalasing hindi ako. Bakit may pagkain na ko dito? Umupo ako sa kama at tamang tama biglang pumasok si Cyrex sa kwarto. 

"Gising ka na pala. Kanina pa ba?" 

I shook my head. "Bago lang. Teka, are you now alright? Ikaw yung lasing kagabi hindi ako. Bakit may mga pagkain dito?"

Ngumiti siya at umupo dun sa may paahan ko.
"Yep. Maaga rin kasi akong nagising e. You know. Tsaka okay na rin kasi ako," Tumahimik lang ako at tiningnan siya. Naaalala pa kaya niya yung nangyari kagabi? Sino ba yung Darius na yun? Sobrang curious na ko. 

"Ayaw mo bang kumain? Ayaw mo ba niyan? Papalitan ko nalang--" 

"No. It's fine. Kakainin ko rin yan."

She nodded. "Anyways, I called Kianna a while ago." 

Tila ba ay nagising ang diwa ko na kanina ay parang tulog na tulog. Ano kayang nangyari kay Kianna? Bakit kaya? Kinuha ko agad yung phone ko at tiningnan ko yung calls, hindi matagal yung naging usapan nila. 

"Why did you do that? Bakit mo siya tinawagan?" 

"Hmm. Kakamustahin ko lang sana, kaso busy daw siya e. Do you want to call her? Go. Labas lang muna ako," Tumango siya at lumabas na. Tatawagan ko kaya siya? Pero busy daw e. Baka naman kasi nakakaistorbo ako. Tinitigan ko yung pangalan niya sa calls. Tatawagan ko ba? Pero baka magalit--E, busy naman siguro sa boyfriend niya pero bahala na! 

I dialed her number and it took 2 rings before she answer it. 

"Hello?" She begun. Yung puso ko. 

I cleared my throat. "Ah, yes. Um, are you..uh.. Are you okay?" 

"Yep. Okay na ko. Bakit mo naman natanong?" 

"Ah wala. Nasaan ka? Pwede bang lumabas tayo? Um, I--I already miss--"

"Nasa hospital ako." 

"WHAT!?" Bigla akong napatayo at inayos yung sarili ko. Bat nasa ospital siya?! Anong nangyari sa kanya? Kaya ba siya tumawag kagabi kasi kailangan niya ako?!

Hindi siya sumagot. "Fuck! Chandria! Just answer me! What happened?! Why are you there?! Saan yang hospital na yan?! Sinong kasama mo?! Answer me now!"

Hindi pa rin siya sumasagot.

"At the count of three!"

Hindi pa rin siya sumasagot. Bakit hindi siya sumasagot? Galit ba siya saakin? "One!" I started.

"Arkinn..."

"Two! Answer me please! I'm fucking worried!"

I heard her scoffed. "Worried? Wow. After you ignored my calls last night? You will tell me now that you're worried? Weh?"

I gritted my teeth. Oo! Sobrang nag-aalala ako! "I-I'm busy—"

"Busy with? With Cyrex. Right."

Kinalma ko ang sarili ko. "Kianna Chandria Agape," Iba na yung tono ko sa pagbanggit ng kanyang buong pangalan. "Tell me." Matigas kong sabi.

"Bakit ko sasabihin sayo? Give me a valid reason."

"Fuck reasons! I told you, I'm worried!"

"Lahat ng tao nagiging worried. Bahala ka—"

"I miss you." Diretcho kong sabi. "I fucking miss you! I miss you like there's no tomorrow. I miss you! I miss you, Chandria! Now satisfied? Tell me where and I will go,"

HE WILL BE LOVED |FINISHED|Where stories live. Discover now