Clad's POV.
I'm happy. Okay na kami ni KC. Alam ko na hindi na talaga maibabalik yung dati kasi alam ko hindi na mangyayari yun. Kung naging kami, siguro lagi kaming away. Baka hindi kami tumagal. Napag isipan ko na rin naman na hindi bumalik sa showbiz. Dito nalang ako.
Nakarating ako dito sa bahay nina Kella at uncle niya ang sumalubong saakin. Wala na kasi yung mga magulang niya-parehang namatay sa plane crash. Uncle na niya ang nag aalaga sa kanya ngayon.
"Hello po, uncle. Si Kella po?" Nagmano ako habang nagsasalita. Tinap niya ang ulo ko kaya ngumiti ako.
"Nasa kwarto niya. Natutulog siya, Clad. Pero puntahan mo kung gusto mo tsaka pakitingin na rin kung kinain niya yung pagkaing binigay sa kanya."
Tumango ako at umakyat na. Pinihit ko ang doorknob ng dahan dahan at nakita ko nga na natutulog siya. Nakita ko ring wala ng laman yung mga plato at tray so it means kumain siya.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya.
"Mahal.." I began. "Thank you for not giving up on me. Thank you kasi hanggang ngayon ako pa rin." Hinalikan ko yung kamay niya. Naalala ko tuloy yung mga panahong iniwan ko siya kasi papasok na ko sa showbiz.
Inalis ko yung hawak at inayos ko yung tray para ibaba na.
"Mahal?" Napahinto ako. Nagising siya at nakita ko siyang ngumiti saakin. Binaba ko yung tray na hawak ko at nilapitan siya.
"Kanina ka pa ba mahal?" She asked me. I shook my head and I kiss her knuckles.
"Kamusta na pakiramdam mo?"
"Medyo okay na. Thank you kasi andito ka,"
I nodded. Tatayo na sana ako nang humigpit yung pagkahawak niya sa kamay ko. Nakita kong medyo malungkot yung mukha niya.
"Love, what's wrong?"
"What happened to your class? Hmm?"
I took a deep breath. "Its fine. Pair kami ni KC sa math quiz kanina and sabay kaming lumabas ng school. We're now okay, love. We now have a closure."
Tumango siya at ngumiti saakin. "Thank you for being honest, mahal. I love you."
"Yep. I love you too." I kiss her forehead before I get the tray. Lumabas ako at dahan-dahan akong bumaba. I promised her na magiging honest ako sa lahat ng gagawin ko. Siya rin. At dahil okay na kami ni KC, kami naman ni Arkinn ang mag aayos. He's still my friend.
Arkinn's POV.
Katatapos lang ng practice namin at dali dali akong nag ayos dahil pupunta pa ko kina Chandria. Di ko alam kung kami na ba pero feeling ko hindi pa. I still need to gain her family's trust—especially Jameson.
"Nice job, Kinn! Galing mo." Ani Ros. Tumawa ako at tinapik ang balikat niya. "Do you have inspiration? Girlfriend? Because you're really great! Mas gumaling ka,"
I smirk. "Girlfriend? Uh, maybe? Pero hindi pa kami nanliligaw pa lang ako. Tsaka chamba lang yung kanina." I laughed.
"Oh? I thought you have no one? Hmm. Who's the lucky girl?"
"Soon bro. You'll know. Una na ko ah!" Nagpaalam na rin siya saakin kaya pumasok na ko sa kotse. Nakangiti ako habang nakahawak sa manibela. Shit! Why am I smiling? Siguro kasi naalala ko yung nangyari saamin. Like, did we really do that? I mean.
Kinuha ko phone ko at si Chandria yung lockscreen ko. She's very beautiful and I hate it! Maraming nagkakagusto sa kanya. Pero okay lang kasi sakin rin naman siya.
YOU ARE READING
HE WILL BE LOVED |FINISHED|
FanfictionWhen the pain is getting stronger and you can't even resist it, then give up. Stop your stupidity. You can find someone that will make you happy but still, guard your heart. God's perfect timing is really the best. All rights reserved © 2017