Thirty

110 6 4
                                    

Arkinn's POV.

Sino ba? Nagulat ako nung tumunog ang phone ko at si Chandria yun. Sasagutin ko ba? I gritted my teeth before throwing my phone at the back seat. Go, call your boyfriend not me.

Pinaandar ko yung kotse ko at ihahatid ko pa tong si Cyrex sa kanila. Baka mamaya malalagot ako sa nanay nitong si rex.

"I love you..." Napatingin ako kay Cyrex. Para sakin ba yun? Baka nananaginip lang. "D-Darius. I love you," naihinto ko yung sasakyan at nakita ko siyang umiiyak.

Lumapit ako sa kanya at pinunasan yung luha niya. I'm

"D-Darius, please. I—I.." Then bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Darius? Hindi kaya siya yung D? Yung tumawag?

"Cyrex," I mumbled.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Darius, maging tayo na ulit." Sinasabi niya yun kahit hindi niya binubuksan yung mga mata niya.

She's drunk, Arkinn. Drunk. So maybe nananaginip lang siya. Lumayo na ako sa kanya at pinagpatuloy yung pagdadrive hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Nag doorbell ako at lumabas yung yaya nila.

"Sir Arkinn! Ikaw po pala yan. Ano pong sadya natin?"

Kinuha ko si Cyrex mula sa loob ng kotse. Binuhat ko siya ng pa bridal style. "Your ma'am Cyrex is drunk,"

"Ay jusko po! Sige po pasok po kayo. Sa itaas po ang kanyang kwarto. Sasamahan ko nalang po kayo." Hindi ako nagsalita at dinala si Cyrex sa room niya. Hiniga ko siya dun at tinanggal yung sapatos niya. Lumapit ako sa may bandang uluhan niya at inayos ang kanyang buhok na nakaharang sa mukha niya.

"Sir, labas po muna ako. Tumawag nalang po kayo kung may kailangan po."

Tumango ako habang hindi inaalis yung tingin ko kay Cyrex. Hiniwalayan ka na niya pero gusto mo maging kayo ulit? Tinitigan ko yung mukha niya at nag replay kung anong nangyari sa club kanina. The kiss. Our first kiss.

Cyrex, why?

Kianna's POV.

Where are you, Arkinn? I really need you now. Sobrang down ako at nasasaktan. Naglalakad ako ngayon nang umiiyak. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta.

Nag away kasi sila mama tsaka papa. Ang pinag-aawayan nila ay yung paglipat namin sa ibang lugar. Probably sa Lanao. Hindi pa kasi natatapos yung business matters nila dun e so kailangan sila dun kaya napag desisyunan nila na lumipat pero ayaw ko ayaw ni mama.

Narinig ko ang mga sigawan nila mama dahil nasa kwarto ako. Parang first time nilang magsigawan ng ganyan. Kaya bumaba ako nang dahan dahan at tumago dun sa gilid.

"Kailangan nating lumipat dun, Telisha! Paano yung business natin dun? Hahayaan nalang natin!? Hindi pwede! Nakakapagod kasi yung uuwi tayo dito tapos aalis na naman! Mas mabuti nang dun na tayo tumira!"

"Hindi nga pwede! Pag natapos yung business transactions natin dun, ano? Babalik pa rin tayo dito! Tsaka yung pag-aaral ng anak mo! Paano si Ria?! Ramon naman! Pwede namang alternate tayo sa pag uwi e! Pero ang lumipat? Wag na! Sino nalang ang magbabantay dito sa bahay?! Sino ang maninirahan dito?! Wala!"

Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Bakit ganun? Ano ba kasing problema? Mas tumagal yung transactions sa Lanao. Hindi kaya bumaba na yung business namin dun?

HE WILL BE LOVED |FINISHED|Where stories live. Discover now