"Sir, ma'am gising na po" minulat ko yung mata ko at nakita ko si kuyang waiter na nakatayo sa harap ko. Inayos ko yung sarili at napatingin dito sa babae. Nakatulog kaming dalawa dito sa mesa. Buti nalang at walang nangyari.
Tumango ako. "Sige po. Gigisingin ko lang tong kasama ko"
Niyugyog ko sino ba to? Teka nakalimutan ko na pangalan--Ah! Oo yung tombalata girl. Hahaha! Si Cyrex. Bat naman kasi yon yung pangalang naisip.
"Huy, Cyrex! Gising na!"
Gumalaw siya ng konti tapos natulog ulit. Niyugyog ko siya ulit at agad siyang napamulat. Ang sama ng tingin niya saakin.
"Kita mo na ngang natutulog ako e! Isturbo ka"
"Hoy! Umaga na! Tska nasa bar pa tayong dalawa oh. Mag lilinis na sina kuya. Kailangan na nating umuwi"
Tumango siya at inayos yung sarili niya. Tumayo siya at tinawag yung waiter.
"Kuya, san yung banyo niyo? May extra toothbrush ba kayo dyan? O may pabili? I need to brush my teeth"
Ay bongga din tong tombalata na to.
"Sorry ma'am pero wala po e,"
Hinila ko na siya palabas ng bar at nagrereklamo siya kasi hindi siya nakapag toothbrush. Tawang tawang ako sa kanya.
"Sa bahay ka na niyo mag toothbrush"
Inamoy niya yung hininga niya. "Eeeehh!! Ayoko! Ayoko yung amoy ng hininga ko!"
Sobrang natawa ako sa kanya. Jusko! Nagulat ako nung lumapit siya saakin at tiningnan niya ako. I was about to say a word nang amuyin niya yung hininga ko. Fuck what?!
"Unfair! Bat ang bango pa rin ng hininga mo?! Gosh! Bili tayong toothbrush please? I really need to brush my teeth!"
Ang abnormal talaga nitong tombalata na to. Sinabi ko sa kanya na mag hintay siya sa kotse kasi bibili ako ng toothbrush tska toothpaste sa tindahan. Sobrang conservative niya talaga when it comes to herself. Gusto niya palaging malinis. Nang makabili ako ay bumalik na ko sa kotse at binigay ito sa kanya.
"Oh ayan na,"
Nakangiti siyang binuksan yung cellophane pero nawala agad yung ngiting yon.
"Arkinn naman! Bakit dora yung binili mong toothbrush?! Alam mo bang may scandal yon?! My gosh!"
"Hahahahahahahahahaha!!!"
Hindi ko na kaya. Umagang umaga tawang tawa na agad ako. Nakakainis. Ginulo ko yung buhok niya.
"Ngayong umaga mo lang naman yan gagamitin diba? So wag ka ng maarte dyan!"
YOU ARE READING
HE WILL BE LOVED |FINISHED|
FanfictionWhen the pain is getting stronger and you can't even resist it, then give up. Stop your stupidity. You can find someone that will make you happy but still, guard your heart. God's perfect timing is really the best. All rights reserved © 2017