"KC, I'm waiting. Is it a yes or a no?" Do I need to answer his question? Aaminin ko na sobrang hirap sagutin. Kasi kapag nag yes ako, lalayuan niya nga si Kella, lalayuan ko rin si Arkinn.
I took a deep sigh.
"Y-you... Um," Shit! Sumagot ka na, Kianna! Ang dali lang sabihin kung yes or no yan! Ano ba isasagot mo?
I heard him scoffed. "It's hard right?" Pinunasan ko ang luha ko pero tumutulo pa din siya. "KC, alin ba ang mahirap sa tanong ko? Sagutin mo lang naman—"
"Lahat" I uttered. "Lahat mahirap, CJ"
"Ano bang mahirap dun? Yung isasagot mo saakin o yung paglayo mo kay Arkinn?" Both. Sobrang hirap kaya di ko na alam. Lumayo ako ng konti at ngumiti ng mapait.
"Hindi pa kayo break nung Kella diba? Why don't you continue your relationship with her?" I smiled. "Come back to her, Clad" Unti unting humihina ang boses ko. Bat ko sinabi yun? Akala ko ba ipaglalaban ko yung pagmamahal ko sa kanya? Tama ba ginawa ko? Wala bang madali?
Niyakap niya ako bigla dahilan para maiyak pa ako ng sobra. "Why, KC? Why? Please. Just give me one more chance. Ayoko na nakikita kang kasama si Arkinn. Please? Saakin ka na lang,"
"Clad, hindi pa kayo break nung girlfriend mo-"
"I'll break up with her right now. I can do that if you let me,"
I shook my head.
"Clad Jari.."He let go of the hug and pinagdikit ang noo naming dalawa. "Chandria can you tell me? Is this a monster kill or a rampage? Shit. I think this is a rampage" I pursed my lips. Naalala niya pa yung 'rampage' na sinabi ko sa kanya dati.
"You already knew it, Clad. In the past, I didn't even say the word monster kill it was always rampage"
"I don't like this kind of rampage, KC. Maybe, first blood or double kill will do because I can still accept it. But this rampage? No."
Ngumiti na naman ako ng mapait. "Hindi ka gusto ni kuya and ayoko siyang magalit saakin," I hold his cheeks. "Come back to her, Clad"
"No and no and no. One last chance, Kianna. Please! I'm begging you. Tatapusin ko kung anong meron kami ni Kella ngayon"
Sinampal ko siya ng malakas. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi niya.
"Clad ano ba! Hindi nga pwede kasi. Wag!""Paano naman tayo kung wag kong tapusin kung anong meron kami? Paano magkakaroon ng tayo? KC, just tell me and I will do it"
Umiling ako. "Clad, we started as a friends, we will end as a friends also"
"Tangina naman, baby!"
Mabilis ko siyang hinalikan sa labi bago sinabi ang mga katagang "Mahal kita, Clad Jari but I'm sorry," after that unti-unti na akong lumayo sa kanya. Siguro naman ay tama yung desisyon ko. Gusto ko tong desisyon ko kahit masakit. Naririnig ko pa rin na tinatawag niya ako hindi sa pangalan ko kundi sa tinatawag niya saakin na 'baby'.
Sorry Clad.
Maybe we're really not meant for each other.
Come back to your girlfriend, Clad.
Arkinn's POV.
Umalis na ako nung nakita kong hinalikan ni Chandria si Clad. Wow. What a nice view right? So alam ko na kung anong nangyari.
Pinaglaban nga niya.
"Mr. Judson?" Napalingon ako at nakita ko si Sir Afi. Coach siya ng basketball dito sa school na to. Actually parang ngayon niya lang ako kinausap e. Ano kayang kailangan nito sakin?
YOU ARE READING
HE WILL BE LOVED |FINISHED|
FanfictionWhen the pain is getting stronger and you can't even resist it, then give up. Stop your stupidity. You can find someone that will make you happy but still, guard your heart. God's perfect timing is really the best. All rights reserved © 2017