Thirty-two

148 11 3
                                    

Arkinn's POV.

Tawang tawa ako sa mukha ni Chandria kanina. Hindi ko alam kung talagang inosente lang ba siya o hindi. Alam kong alam na niya yun dahil dati nung nasa hospital ako. Pero seryoso ako, nainis ako. Sobrang nainis ako. Bakit hindi niya sinabi saakin agad? Bakit kailangan na sa iba ko pa malaman? Kung alam ko lang edi sana hindi na ko umiwas sa kanya, edi sana napuntahan ko siya nung gabing yun para hindi na siya ma hospital.

Pero paano naman si Cyrex if pinuntahan ko si Chandria? Kaibigan ko rin si Cyrex. Hindi na ako naghahangad pa ng iba dun. Yes. We kissed. Past tense. Tapos na. Okay na kami. Gusto ko lang malaman kung sino yung Darius na yun?

It's 9:43 in the evening and susunduin ko na si Chandria. Like what I've said, gagawin ko ang sinabi ko. He told me that I'm a fuckboy. I will let her see what a fuckboy really looks like. Lumabas na ko sa bahay para pumasok sa kotse tapos nakita ko si Cyrex na nasa labas. Anong ginagawa niya dito? Ngumiti siya saakin. May usapan ba kami? Wala naman.

Lumabas ako at nilapitan siya.

"Hey." I began. "What are you doing here?"

She shrug. "Can we talk? Kailangan ko talaga ng kausap ngayon e," hindi pa ko nakakapagsalita ay tinapik niya ang balikat ko. "Please? Arkinn? Let's talk. I need you right now. Um, I—I'm broke. Yeah."

Hindi ako nagsalita. Bakit ngayon pa?

You need to learn how to say no sometimes.

I smiled. "Rex, sorry. May pupuntahan kasi ako ngayon e. Importante yun,"

Yumuko siya at nilalaro niya yung mga kamay niya. Ngayon lang yata akong nag 'no' kay Cyrex. Hindi naman sa gusto ko talaga yung 'thing' na yun with Chandria pero kasi mag-uusap rin kami. Kailangan rin na malinaw ko yun. Tsaka sobrang tagal kong hinintay yung pagkakataon na yun.

"Cyrex.." I mumbled. "Can you still forgive me? Ngayon lang akong humindi sayo. Importante kasi to e. Pwede naman nating pag-usapan to sa susunod." I added while reaching her pero lumayo siya agad. Naiwan sa ere ang kamay ko. Tiningnan niya yun at tinapik para maibaba. Teary eyed siya. Ngayon ko lang siyang nakitang umiyak—dahil na naman saakin. Oo, nakita ko siyang umiyak pero nung gabing lasing siya.

Iba ngayon. Umiiyak siya dahil saakin. Kasi hindi ako um-oo.

Nilapitan ko pa siya at hinawakan ng mahigpit yung pulsuhan niya. Hindi siya nakapalag at niyakap ko na siya ng tuluyan. Iyak lang siya ng iyak. Hindi ko alam bakit.

Bakit kailangan niyong umiyak? Hindi ko deserve 'yan.

"Arkinn. Ngayon ka lang tumanggi saakin," hindi ako sumagot. Gusto ko lang siya pakinggan. Chandria, hintayin mo ko. Aayusin ko lang to.

"Hindi ka nagpaalam saakin nung umalis ka sa bahay. Arkinn, is this because of Kianna?" Hindi pa rin ako sumagot. Ayokong sumagot. Kasi alam kong alam niya na agad kung bakit. Matagal ko nang sinasabi sa kanya yung totoong nararamdaman ko kay Chandria.

Sinuntok niya ako sa dibdib.

Sobrang lakas talaga nun. Sa lahat ng babae, sa kanya palang ako nakatikim ng suntok.

"Arkinn, hindi naman kita aagawin sa kanya. Gusto ko lang naman na mag-usap tayo. Lumabas, uminom, at magpakasaya. Gusto ko lang naman na tulungan mo ko. Konting oras lang naman hinihingi ko,"

"Cyrex—"

*BZZT BZZT*

I let go of the hug and tiningnan yung tumawag.

HE WILL BE LOVED |FINISHED|Where stories live. Discover now