Arkinn's.
Nakagising ako at ngumiti agad dahil dito na naman kami nakatulog sa mesa. Lagi nalang ba kaming dito makakatulog? Atleast at walang nangyari.
Sobrang saya lang nung celebration ng birthday ko kahapon dahil kasama ko itong si Cyrex.
Teka, hindi pa ba nauwi si Clad? Binuhat ko muna si Cyrex at dinala siya sa kwarto para dun na humiga sa kama. Tss. Crush na siguro ako nitong si Cyrex. I kissed her forehead before going out the room.
"Clad?" I uttered. Andito na ba siya? Bat walang sumasagot? Pumunta ako sa room niya. Kumatok ako at nakita ko siyang nakadapa. Sinarado ko yung pinto at dumako sa sala para linisin ang mga kalat namin.
Natatawa pa rin ako kasi sa mga pinagsasabi ni Cyrex kagabi. Habang nililigpit ko yung mga kalat nakita ko yung phone ni Cyrex sa sahig.
Oo. Kaninong phone pa ba ito diba?
Kinuha ko yon at itatabi na sana nang umilaw ito at may tumatawag.
"D"
Yan yung pangalan nung tumawag. Sino naman kaya ito? Sinagot ko yon at hindi ako nagsalita.
"Hi, Cyrex! It's been 3 months after we broke up but still I'm into you," So ex pala to ni Cyrex? Hanep ah!
"I don't know but I'm really sorry. Sobrang nagsisi ako sa lahat kung bakit kita iniwan. I was wrong. Very wrong. Hindi ko naisip yung mararamdaman mo. Sorry for being a bullshit"
So ito pala yung kinunwento niya saakin nung naglasing kami sa bar? Pero sobrang tagal naman ata non? I mean..
"Hindi ka na rin nagrereply sa mga texts ko. You know? I saw your tweets on twitter. You're happy now. You're happy with someone else. Si Arkinn yon diba? Feeling ko naman na maaalagaan ka niya more than how I cared for you" Shet! So nakita niya? Alam na niya? Pero wala namang kami ni tombalata.
I heard him took a deep breath.
"Why are you not talking? Please speak up. I want to hear your voice. Lovebabe please? Just speak and I swear buo na ang araw ko—no! Ang buong linggo ko"Bat parang sincere pa rin siya? Hindi kay may feelings pa rin si Cyrex dito kay D? Sino ba kasi to? Nagsasalita pa rin itong si D hanggang sa lumabas si Clad sa kwarto niya dahilan para ma off ko yung tawag at muntik ko ng matapon ito.
"Happened? Tss," he started. Umiling lang ako at pinagpatuloy yung pagliligpit. Hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi ng kanyang ex na si D. Oo, kahit lalake ako nafifeel ko na sobrang sincere niya at gusto niyang makipag balikan kay Cyrex.
Nang matapos ako ay tahimik akong pumunta sa kusina at tinititigan ako ni Clad ng masama. Ano na naman problema ng loko na to?
"Why are you looking at me like that? Oh shit! You like me?"
Tumawa ako at nilapitan niya ako saka binatukan. "Gago! Sinisira mo umaga ko, unggoy"
"Pano pa ko? Tss. Sinira mo lang lalo"
Tiningnan niya lang ako. Maya-maya pa ay narinig naman ang tunog ng pinto. Gising na si Cyrex. Pumunta siya dito sa kusina at binati kaming dalawa ni Clad. Oh, naghahanap na naman siya ng toothbrush tapos nag toothbrush na.
We—Clad have extra toothbrushes for the visitors and all. So atleast merong toothbrush tong si Cyrex.
Nang makaluto na ay umupo na kami at hinihintay nalang si Cyrex. Hindi ko alam pero sobrang na curious ako kung sino yun. Wala naman akong pinapahawatig or what gusto ko lang talaga malaman.
YOU ARE READING
HE WILL BE LOVED |FINISHED|
Fiksi PenggemarWhen the pain is getting stronger and you can't even resist it, then give up. Stop your stupidity. You can find someone that will make you happy but still, guard your heart. God's perfect timing is really the best. All rights reserved © 2017