Twenty-one

127 8 4
                                    

Kianna's. 

Magaling na ko at malakas na rin. Syempre hindi muna ako pinayagang lumabas kasi nga kagagaling ko lang sa sakit. Kasama ko ngayon dito sa kwarto ko si kuya. Actually naglalaro siya sa phone ko. Hindi ko alam bakit.


"Kuya, bakit ka ba andito?"


"Bakit? Bawal? Nga pala, may sasabihin ako"


Inayos niya yung position niya at umupo ng maayos.

"I told Clad," My forehead creased. "I told him that I don't like him as him and as your boyfriend"


"WHAT?!"


He shrug and naglaro na ulit.

Why did he said that?

Ano na naman bang ginawa ni Clad?


Bakit ba siya ganyan? Kasi gusto na niya si Arkinn for me.

Pero hindi naman tama na sabihin niya yun ng harap harapan kay Clad.


Sumama ang tingin ko at hinablot ko nalang bigla ang phone ko.


"Get out of my room, Jameson Dane!"


"Ano? Galit ka kasi ayaw ko si Clad para sayo? Chandria, noon palang ayaw ko na may lalaking umaaligid sayo! Ayaw pa kita na magkaroon ng boyfriend! Gets mo? Ayoko!"


"Wow! Kung makapagsalita ka saakin ah! Nasa tamang edad na ko! I'm 18 and I'm legal!"


"AYOKONG MASAKTAN KA LANG! Ayokong maranasan mo yung naranasan ko noon. Chandria, alam mong ayaw kitang nakikitang umiiyak. Nung umiyak ka because of Arkinn, halos mabaliw ako kasi hindi ka naman ganyan! Kaya nag-iingat lang ako na umiyak ka na naman ng dahil kay Clad!"


"Kung pinaiyak ako ni Arkinn dati, bakit gusto mo siya ngayon para saakin?! Kasi narinig mo yung kwento niya? Wow! Yun na ba yung basehan ngayon?! Mga kwento?! Then fuck that!"


"CHANDRIA!"


Hindi ko siya sinagot.

Ako na mismo yung lumabas ng kwarto.


Myghad! Hindi ko na kaya. Bakit lahat ng tao ganito saakin?!


Pumunta ako sa kwarto ni Jameson at nilock yung pinto.

Oh diba? Siya sa kwarto ko, ako sa kwarto niya.


Bakit ba ayaw niya si Clad?

Sobrang bait ni Clad.


Umupo ako sa kama at may napansin agad ako.

Ano to?

HE WILL BE LOVED |FINISHED|Where stories live. Discover now