So I decided na mag focus nalang sa isang story sa pag a update. Tutal wala kasi masyadong reads yung other stories ko. HAHAHAHA. Yung 'In A Relationship With My Best Friend' and 'Wrong Turn' 😂 so probably mag ba bye muna ako kay Ivan, Patchot, AJ, Melody, Fiona, at Aldridge. Tatapusin ko muna itong story na to. :)
Ps: Nakakapagod rin kasi 😂😪
- - -
Jameson's.
Nag- usap kami ni Kit about sa pagtira ko sa kanila. Binigyan lang nila ako ng panahon na manirahan dito sa tunay kong tahanan. Tinawagan niya ako kagabi para pag-usapan ang paglipat ko. Oo, baligtad na. Gusto ng pinsan niya yun kaya for peace e, pumayag ako.
Ngayon na ako lilipat pero hindi ko pa nasasabi sa kanila. Alam kong magagalit sila mama lalo na si Chandria kasi ayaw na ayaw niyang maging asawa ko si Kit.
"Kaya mo yan, Jameson Dane!" I told myself while looking at the mirror. Nakapag impake na ako. Kahit ayaw kong umalis, gagawin ko nalang.
Lumabas ako ng kwarto ko pero hindi ko pa dala yung mga gamit ko. Nasa sala sila nagsisitawanan. Lumapit ako niyakap sila. Naiiyak ako. Ano ba yan! Syempre iiwan ko sila.
"Kuya? Ano na naman yan ha? May kailangan ka na naman no? Hahahaha ikaw talaga"
Sinamaan ko siya ng tingin at tinulak ko yung noo niya. "Hmm. Matapos kitang makita kagabi na kasama si Arkinn ha? Maga pa yung mata mo," I smirk and she suddenly pursed her lips.
Ewan ko nga bat magkasama sila ni Arkinn kagabi. Oo, nakita ko rin na maga yung mata niya. Umiiyak na naman siya dahil na naman kay Arkinn. Matanong ko nga tong babaeng to.
"Sabihin mo nga saakin Chandria, sa harap namin nina mama. Bat lagi mong iniiyakan si Arkinn?"
Yumuko siya at umiling. Alam ko naman bakit e. Ngumuso lang ako at tiningnan sina mama na nagpipigil ng tawa.
"Iniyakan mo na ba si Clad? O si Arkinn lang talaga iniiyakan mo? Hindi pa kitang nakita na umiyak because of Clad,"
Tumingin siya saakin at slight na umiling. Ano ba namang nangyayari dito kay Chandria? Si Clad ang malapit nang maging boyfriend pero iniiyakan pa rin si Arkinn.
Hindi nalang ako sumagot.
"Okay. Nag segway lang talaga ako. Ma, Pa, Chandria..." Huminga ako ng malalim. "Um, dun na po ako titira kina Kit-"
"No way!" Siya agad yung unang nag react. Inaasahan ko na talaga na siya at siya yung unang mag rereact. Lumapit siya saakin at sobrang galit na galit yung mukha niya. "Who told you? Ayoko! Ayoko!"
Yumuko ako.
"Pupunta dito si Kit tska yung pinsan niya para kunin ako. Ma, Pa, Chandria, sorry hindi ko agad sinabi sa inyo. Pinayagan nila akong tumira dito for a few weeks and then ito na yung araw na kukunin nila ako. Ayoko mang gawin pero kailangan,"
"Kuya, alam mo na ayaw ko kay Kit diba? Ayaw ko siya maging asawa mo pero nang dahil sayo pumayag ako na magpakasal kayo kasi sabi mo yun yung favor mo saakin na minsan ka lang mag favor ng seryoso kaya pumayag ako! Pero itong lilipat ka sa kanila? Hindi! Hindi ako papayag!"
YOU ARE READING
HE WILL BE LOVED |FINISHED|
FanficWhen the pain is getting stronger and you can't even resist it, then give up. Stop your stupidity. You can find someone that will make you happy but still, guard your heart. God's perfect timing is really the best. All rights reserved © 2017