Kianna's.
Nakita kong naglakad na talaga siya palayo. Hindi ba siya babalik sa loob? Hinabol ko siya at hinawakan ko yung braso niya. Tiningnan niya ako at parang naririnig ko na yung tibok ng puso ko. Bat sobrang lakas? Ayaw kong bumitaw sa titigan naming dalawa.
"May kailangan ka?" He asked.
I took a deep sigh.
"Di ka ba papasok sa loob? Di ka babalik?"
"Kailangan ko pa bang bumalik sa loob? Ayoko ng bumalik. Wala na kong babalikan dun," he chuckled and then dahan-dahan niyang inalis yung kamay kong nakahawak sa braso niya. "Ikaw yung bumalik dun sa loob" he added and then naglakad na siya ulit.
Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha. Pinunasan ko yon at bumalik sa loob. Pagbalik ko ay nagtatawanan silang lahat. Ngumiti ako ng konti at umupo na.
"Oh? Nasan na si Arkinn?" Tanong ni papa saakin.
I bit my lip. "Umalis na"
"Walang modo talaga yung lalakeng yon. Iniwan kami dito! Oh siya, mauuna na kami ha? Nauna na yung anak namin" Sumang-ayon kami at tumayo na sila. Kitang-kita ko yung galit sa mukha nung tatay niya.
Hinawakan ko yung kamay nina mama at papa. "Ma, pa, may pupuntahan lang po ako ha? Sa ospital nalang po tayo magkita" I kissed them both and umalis na. Kailangan kong pumunta kina Arkinn. Baka kung ano ang gawin ng tatay niya.
Hindi pa sila lubusang nakaka alis kaya dahan-dahan akong naglakad. Nakita kong pumasok na sila sa kotse at pinaandar ito. Humanap agad ako ng taxi at sinabi kong sundan ang kotseng pula.
Medyo malayo akong pumara. Nilakad ko nalang papunta sa bahay nila. Pagtingin ko ay parang hinahanap nila si Arkinn pero parang wala pa yata. Asan na kaya yon? Wag muna sana siyang umuwi. I dialed his number pero shit! Naubusan na ko ng load at 3% na lang yung battery percentage ng phone ko! Gosh!
Nilibot ko yung tingin ko para makahanap ng tindahan pero wala. Jusko! Ano ba naman ito.
"Nasan na ba yung lalakeng yon?! Nakakainit talaga siya ng ulo!" Dinig na dinig yung sigaw ng tatay niya. Ganun ba talaga sila kagalit kay Arkinn? Pumunta muna ako dito sa may gilid at umupo. Bat ko ba sinundan tong mga magulang ni Arkinn?
Ah alam ko na!
Inayos ko yung sarili ko at nag doorbell. Narinig kong nagmura yung tatay ni Arkinn at binuksan ang pinto. Gulat na gulat siya na makita ako. Ngumiti ako sa kanila at kumaway nang masigla.
"Hello po! Magandang araw!" I uttered.
"What are you doing here?" Masungit na sabi ng tatay ni Arkinn.
"Hmm. Si Arkinn po? Andyan na?"
Nagkatinginan sila ng asawa niya. "Arkinn's not yet here" Makikita mo talaga na ibang iba sila kapag kaharap nila yung ibang tao. Pero kung titingnan mo ngayon ay parang hindi nila ako kilala.
"Ah okay po. Pwede pong pumasok? Hihintayin ko nalang po siya"
Mukhang ayaw pa nila ako papasukin kaya naghintay nalang ako na um-oo sila. Hindi nagtagal ay sumang-ayon din sila. Tahimik akong pumasok at umupo sa sofa. Sobrang linis naman pala ng bahay nila.
Iniwan nila ako dito. Ay wow! Hinndi man lang sila nag offer ng makakain ko o maiinom. Tch.
Naghintay pa ko hanggang sa dumating na 5 pm pero wala pa ring Arkinn na dumating. Asan na kaya yon? Lumabas yung mama ni Arkinn at magulo ang buhok. Ay alam ko na yan may ginawa silang kababalaghan.
YOU ARE READING
HE WILL BE LOVED |FINISHED|
FanfictionWhen the pain is getting stronger and you can't even resist it, then give up. Stop your stupidity. You can find someone that will make you happy but still, guard your heart. God's perfect timing is really the best. All rights reserved © 2017