Nandito na kami kela Beatriz ngayon actually medyo kanina pa pero di pa din kami nagsisimula. Kanina pa 'to sa kotse tahimik hindi naman ganto 'to. Usually bully yan or pag gantong nagpapaturo ako sasabihan nya "Hey Jho let's start na don't waste time para makapag rest ka later." Pero ngayon ang tahimik na tulala pa. I know my best friend ganyan lang yan pag may iniisip siya or may problema.
"Beatriz." Aba parang walang narinig. May problema talaga 'to. "Beatriz!" I called her for the second time pero medyo mas malakas, tulala eh. At sa wakas nilingon nya na ko. Pero di parin nagsasalita. Oh diba? May mali talaga.
"What's wrong?" I asked. Pero sure ako idedeny nya yan. "Huh? Nothing." See? Sabi sainyo eh pero dahil makulit ako mamaya na tong homework ko pipilitin ko nalang muna syang sabihin kung anong problema nya.
"Beatriz, I know you. Di ka tatahimik ng ganyan kung wala kang iniisip. Tell me, no secrets, right?" Jusko sana naman sabihin niya na.
"Uhm, ano, uhm, si ano kasi, si Kianna.." I knew it. Tinaasan ko lang sya ng kilay signaling her to continue.
"She asked me to have dinner kasi tonight kaya lang i said no because training plus i'll help you with your homework pa and the usual she's mad again." Nakonsensya naman ako kasalanan ko pa nagaway sila. Hay nako Beatriz! Pero okay lang ako naman kasama eh.
"Hala beh dapat sinabi mo. Okay lang naman eh andun naman si Maddie sa dorm pwede ako magpatulong sakanya. Nagaway pa tuloy kayo."
"No no it's alright. I can help you naman plus the training was really tiring awhile ago i won't be able to enjoy lang if we pushed through. Anyway let's start na." At ayun na nga si Beatriz. Nagsimula na kami pero halata mo sakanya na may iba siyang iniisip. Hayaan mo na, yayain ko nalang 'to mag ice cream mamaya para mabawasan yung iniisip nya.
Naintindihan ko naman agad yung tinuro nya. Onting sample problem tapos sinagutan ko na din yung homeworks ko mismo. Syempre magaling tong tutor ko eh. Tapos na ko sa mga sinasagutan ko nung napansin kong tulog na tong tutor ko. Malamang napagod talaga sa training to. Ang cute cute talaga nya pag natutulog kaya nagsnapchat ako sa phone nya at pinost na din sa twitter.
"Hi wag ka na mastress. Itulog mo nalang yan. 😘😘 - 🌻" I tweeted with the picture. Alam nyo kasi si Bea pag may problema yan magsasabi sya pero hindi lahat. Isa yan sa mga hinahangaan ko kay Bea, strong syang tao, super. Kahit sobrang bigat ng problema nya hanggat kaya nya hindi sya hihingi ng tulong sa iba. At kahit may sarili syang problema nagagawa nya parin tulungan at pasayahin yung ibang tao, kaya nga kami naging close eh.
Niligpit ko na yung gamit ko at inayos ko na din yung pwesto ni Bea. Ang bigat pa naman neto jusko. Sayang naman hindi na kami nakapagice cream ni Bea. Dahil di pa ko inaantok nagphone muna ko. Nagulat ako sa dami ng text ni Marci sakin. Bakit kaya? Alam naman nya na dito ako matutulog kela Bea ngayon at madami akong gagawin.
From: Marci 🙊
Babe! Did you eat your dinner na? Text me when you're done tawagan kita love u 😘Baaaabbbee i miss you already :( bat di ka nagrreply?
Galit ka ba sakin? :( im sorry kung ano man nagawa ko.
Tulog ka na ba? Okay lang i know you're tired pero sana kumain ka. I miss you babe 😊
Sige matutulog nadin ako. Goodnight babe😘 wag mo kalimutan mag breakfast tom before training okay? I love you see you! 🌻😘
To: Marci🙊
Sorry!! Ang haba kasi ng homework ko hindi ko napansin mga text mo :( Anyway, goodnight monkey! See you 😊
Anuna mga beh? Sinusumpong nanaman si Marci ng sobrang kaclingy-han niya hahah. Malambing talaga si Marci actually parang siya pa nga yung babae samin minsan eh hahah. Pagtapos ko replyan sa Marci nakita kong may text din pala si Jia sakin.
From: Julia Melissa
Hoy Louisse! Hindi ka daw nagrereply sa boypren mo? Ano ba to at ako ang kinukulit?Wala nga daw palang training bukas ng umaga may meeting daw sila coach kaya take your time sa pagharutan este pagsasagot sa economics mo! HAHAHA goodnight mwa!
Itong babaeng 'to talaga kung ano ano pinagsasabi hahaha Hay salamat naman at walang training bukas jusko sobrang sakit ng katawan ko mga bes! Hindi ko na nireplyan si Jia dahil nakaramdam na ko ng antok at malamang kausap pa nun si Miguel ngayon kaya natulog nalang ako.

YOU ARE READING
Maybe This Time
RomanceIf we found the right person at the wrong time does it mean that we aren't meant to be already? Nah, I don't think so. Maybe this time is the right time. Disclaimer: i am not a good writer but i really miss jhobea sooo here ✨