I Love You

650 13 0
                                    

Jhoana

"Ate Bets please di ba talaga pwede? Kahit next week?" Sabi ko sa PT namin. "Jhoana wag makulit di talaga pwede" Ate Bets. "Kahit sa game 2 lang po?" Baka sakaling pagbigyan pa ko ni Ate Bets. "Jho mas mahihirapan tayo niyan sa UAAP pag pinilit mo mag-laro ngayon. Maiintindihan naman ng teammates mo at coaches yan. Tutulungan naman kita pabilisan 'yang pag-galing mo patience lang Jho, tyaga lang." Sabi ni Ate Bets sakin.

Hay, finals na kasi. Di namin inaasahan na tatagal ng ganto bago ako makapaglaro ulit. May tiwala ako sa teammates ko at alam kong kaya nila yun, pero nahihiya ako kasi ang daming last minute adjustments na ginawa ng buong team dahil lang sa injury ko. Sobrang paimportante ko naman kung ganun diba?

"Oh bes baket ganyan itsura mo? Parang pasan mo yung buong mundo sa bigat niyan?" Lumapit si Jia sakin. "Tapos na training?" Tanong ko. "Ah oo tinututukan lang ni coach mga middle kasi alam mo naman ang taas ng reach ni Jaja ang hirap iblock" sagot naman niya.

"Huy ano ba nangyare? Okay ba kayo ni Bea? Okay ka lang ba?" Tapik niya sa balikat ko. "Ha? Oo naman baket?" Sagot ko. "Bes kitang kita ko sa mga mata mo." Sabi ni Jia habang tinititigan ako sa mata. Kinwento ko naman kay Jia yung napagusapan namin ni Ate Bets at kung ano yung nararamdaman ko. At tulad din ng sinabi ni Ate Bets sabi din ni Jia naiintindihan naman nila at mas gugustuhin nilang makapaglaro ako sa UAAP.

"Seryoso ng pinaguusapan niyo ah?" Lumapit si Bea. "Bei ikaw muna bahala dito sa bespren ko at maliligo lang ako" Sabi naman ni Jia.

"Are you okay?" Bea. "Yah, di lang talaga ko pwede iclear ni Ate Bets para maglaro this conference" sabi ko naman. "Beatriz!!! Yung pawis mo!" Bigla ba naman akong hinug? Kakatapos lang ng training at di pa siya nagsh-shower 'no! "I know what you're thinking" umupo naman siya sa tabi ko at tinignan ako ng seryoso.

"Alam ko gusto mo mag-laro. Lalo na finals, pero Jho, parang mas gusto naman ata naming lahat na makapaglaro ka at fully recovered ka sa UAAP diba? Pano natin babawiin yung title niyan kung wala ka? Kaya sundin nalang natin si Ate Bets kasi ayaw lang din naman niya lumala yung injury mo" Oo si Bea nagsabi niyan.

" Hindi 'to UAAP pero syempre pinagpaguran pa din natin yan. Tsaka nakakahiya lang din talaga na ang dami atang adjustments dahil biglang di pala ko makakalaro" Sagot ko naman.

"First, lahat naman tayo di ineexpect na aabot ng ganto katagal yung recovery mo. Next, finals na 'no! Gagawa talaga si coach ng mga bagong play kasi pinagaralan niya na din yung kalaban. Kaya don't think that you're injury became a burden. We're a team nga diba" Bea. Tumawa naman ako bigla. "Excuse me I'm being serious here why are you laughing?" Tanong naman niya sabay inirapan ako.

"Wala hahaha. Di ko lang ineexpect na kaya mo mag-tagalog ng ganun katagal HAHAHAHAHAHAHA" Alam ko napansin niyo din 'yon! HAHAHA

Game 1

Intense kung intense ang laban. Sobrang dikit ng scores sa bawat set. Lalamang sila hahabulin namin, kami naman ang lalamang sila naman ang humahabol. Hindi na nakakagulat na inabot ng 5 sets 'tong game na 'to. 1 point nalang, unfortunately masyado ata kaming napressure sa 5th set. I'm sure kahit naman nga audience basta 5th set na ibang level yung kaba. Well, we're gonna work it out.

Game 2

Intense pa din pero mas okay yung simula namin dito as a team. We got the 1st set kaya naman mas lalong naboost yung confidence namin. Kaya lang medyo nakampante ata kami at nakabawi naman agad ang NU sa 2nd and 3rd set. "Girls girls we got this laban lang tayo" sabi ni Mich bago magsimula ang 4th set. Effective naman dahil nakuha din namin ang very intense 4th set. Pero siguro sa game na 'to Jaja is unstoppable.

Maybe This TimeWhere stories live. Discover now