Jhoana
From: Marci🙊
Hey! Goodmorning! 🤗 Are you busy today? Can we go out? I miss you eh you'll be very busy na soon pag nagstart na yung season😕
Good morning naman! Oo nga namimiss ko na din si marci. Wala naman akong plans today. Schoolworks? hmm mamaya na medj nakokonsensya nadin ako kay marci di ko sya rinereplyan ng maayos lately. Tsaka tama sya magiging busy ako once na nagstart na yung season.
To: Marci🙊
Hi monkey goodmorning!! Nope not busy today. Hmm lunch tayo? San mo gusto? 😊
From: Marci🙊
Sure! I'll pick you up at 11. See you I love you magayos ka na hahaha i know matatagalan ka 🤗Grabe naman to sakin! Baket anong oras na ba? "10:00 AM NA?! 1 HOUR?!" Napasigaw talaga ko!! Ano ba iniisip nito ni marci!! 1 hour for real?! Well wala na kong magagawa kaya nagmadali na din ako maligo at magayos.
"Jhowwww sundo mo" sigaw ni ate ly galing sa baba. Saktong sakto kakatapos ko lang din magayos kaya bumaba na din ako. Pansin ko parang wala masyadong tao ngayon sa dorm? Baka nakipagdate din yung iba. "Ate ly san sila?" I asked. "Si Jia may date alam mo na. Si Mae, Giselle, and Jamie naman i dont know lalabas daw gagala. Ikaw saan ka naman pupunta ha? Wag magpagabi maaga pa training bukas Jho." Oh diba 'tong bespren ko din talaga kahit ang ingay ng bunganga nyan? Swerte ng bongga yan sa love life nya. "Labas lang kami ni Marci ate. Habang di pa busy you know hehe. Una na ko ate ly bye!"
Me and Marci are on the way to have some lunch and somewhere daw after. Tinanong ko siya kung saan pero ayaw niya sabihin. Grabe no? Ako yung kelangan bumawi sakanya kasi di ko siya nabibigyan ng time lately and magiging busy na nga ako soon pero siya padin yung may mga pa-gantong surprises.
"Nako monkey sabihin mo na kasi sakin san tayo pupunta pleaseee. Magpapaalam lang ako kay ate ly!! Sabi niya wag daw ako magpagabi kasi maaga pa training bukas." I said. Kinukulit ko lang malay mo diba sabihin na sakin kung saan kami after lunch hahaha.
"Yes babe i know tsaka alam ni ate ly kung san tayo pupunta i told her awhile ago. Kaya just wait okay hahah lunch muna tayo" Marci. Aba at alam pala ni ate ly tinanong tanong pa ko kanina. Bahala na nga maghihintay nalang ako.
Nasa eastwood kami ngayon sabi ni Marci ako na daw mamili ng kakainan namin. So nag Pepper Lunch nalang kami since cincrave ko din naman yun nung kelan. While eating kinukulit ko padin siya na sabihin sakin saan kami pupunta "Monkey please tell me na. Alam mo naman ayoko ng mga ganto yung mga di ko alam mas nacucurious ako lalo. Dali na monkey." i said habang nagpapacute baka bumigay hahaha.
"Hahaha babe sige let's eat lang and then pagsakay natin sa car i'll tell you where." Marci answered. Jusko ang hirap talaga kulitin mga bes!! At ayun na nga after namin maglunch bumalik na kami sa kotse. Di niya na siguro hinintay na kulitin ko pa ulit siya at sinabi niya na din agad hahahaha ang galing ko talaga!
"Oh eto na i'll tell you where we're going na. I'm gonna bring you to, Tagaytay!" Marci said excitingly.
"Really?! Hala! Andun din si bea and kianna ngayon. Maybe we could meet them tapos double date ganon! Excited na ko!" Sakto wala pang paramdam si beatriz baka busy sa date nila hahaha pero finally! lagi ko inaaya si bea na mag double date kami nila marci pero hindi lagi natutuloy. Ewan ko ba? Pero eto na nga perfect timing! Pag di talaga planado dun pa mas natutuloy no?
To: Beatriz 🌻
Beh!! Otw din kami ni Marci sa tagaytay. Meet tayo!! Ayan na makakapagdouble date na tayo hahaha asan kayo? Enjoy kayo ni kianna!! ☺️
I texted beatriz dahil sobrang excited ko nga na finally matutuloy na yung double date namin.
Andito na kami sa tagaytay ni Marci. 3PM na din pero di padin nagrereply si bea kung nasaan sila ni kianna. Hayaan mo na nga baka talagang busy lang din siya sa date nila ganon. Excited pa naman ako kasi akala ko makakapagbonding na kaming apat. Anyway, nasa skyranch kami ngayon. Sabi ko kasi gusto mag skyranch at dito nalang kami mag stay. Pwede din naman kasi mag picnic dito, may mga kabayo din na pwede for horse back riding, may rides pa kaya sulit din naman yung entrance fee.
"Teka beh pagod na ko hahaha kain na din kaya tayo? Mag 6 na baka matraffic tayo mamaya bad shot ka kay ate ly nyan nako hahaha" i said. After 2 hours ng pagsakay ng rides at horse back riding nakaramdam na ko ng gutom kaya inaya ko na si Marci mag dinner. Dito nalang dapat kami mag didinner pero san ba kilala ang tagaytay? Sa bulalo diba. Nag tagaytay pa kami kung di din naman kami kakain ng bulalo hahaha.
While otw sa resto nagcheck ako ng phone at nakita kong nagreply na pala si bea.
From: Beatriz 🌻
Slr jho i jwu. uhm di kami natuloy ni kianna. She broke up with me this morning. Ingat kayo ni Marci.
"HA?!" Napasigaw ako. Omg malamang sobrang lungkot neto ngayon kaya kakagising lang niya. Shet she needs me. Knowing beatriz hindi yan magsasabi o hihingi ng tulong kasi feeling niya nakakaabala siya kahit hindi.
"Oh bakit? What happened? Is everything okay?" Tanong ni Marci. "Beh nakipagbreak daw si kianna kay bea kaninang umaga." I answered. Sakto rin naman na nakarating na kami sa kakainan namin.
While eating, idk medyo nagiba ata mood ko? Di kasi ako mapakali. My best friend is not okay. Alam kong kailangan niya ko. Walang pinagsasabihan 'yon, at walang ibang makakapilit dun kundi ako or minsan naman si Tita Det din syempre.
"Babe food's here na. Don't worry about Bea na. Kilala naman natin yang best friend mo she's strong diba. She'll be okay." Marci said with a smile. Hay kahit pa no. Hindi madali ang dumaan sa isang break up. "uhm sabagay? pero hay di talaga ko mapakali kilala ko kasi yun si bea. Iipunin niya sa sarili niya yan lahat." Sagot ko naman at kumain nadin. Habang kumakain kami onting chikahan tawanan about sa mga itsura namin sa rides kanina hahahaha. Eto kasing si marci takot sa rides! Eh syempre wala syang magagawa kundi samahan ako no? Kaya ayon HAHAHA
Pauwi na kami ngayon and di padin mawala sa isip ko kung kamusta na kaya si beatriz. "uhm monkey, pwede ba kela beatriz mo nalang ako ihatid ngayon? ako na magsasabi kela ate ly malamang kasi di pa nila alam. She really needs me right now." Sabi ko. "Sure babe, ikamusta mo nalang din ako kay bea ha?" Marci said. Sobrang understanding niya talaga pagdating sa friendship namin ni bea. Mabuti na rin yon at di niya pinagseselosan para di ako nasestress diba. Tinext ko na rin si ate ly.
To: the ALYSSA VALDEZ 👩✈️
Ate ly pauwi na po ako pero kela bea muna ko magpapahatid. May problema kasi yun ngayon eh. Pupunta kami sa training bukas promise. Thank u labyu hehehe😬😘🤗

YOU ARE READING
Maybe This Time
RomanceIf we found the right person at the wrong time does it mean that we aren't meant to be already? Nah, I don't think so. Maybe this time is the right time. Disclaimer: i am not a good writer but i really miss jhobea sooo here ✨