Day 2

535 25 0
                                    

Kim

Hello friends!! Anyway andito kami ngayon sa mga nagaalok ng water activities. We have decided na 2 jet skis nalang ire-rent namin. Dahil isa palang yung available and 10 mins nalang naman daw yung isa pa. Nauna na sila Jho at syempre sino pa bang kasama, si Bea.

"Look at our friends Gi. Who would've thought nung kelan lang wasak yang dalawang yan pero ngayon they look....happy, so happy" sabi ko kay Gizelle. Nakita ko naman siyang nakatingin din sa dalawa.

"I know right and tignan mo kung pano nila tignan yung isa't isa. Not saying this because they're always trending ha pero kung ako nga din naman yung ibang tao, they look like a happy couple to me, at least" Gizelle said. I laughed at first kasi lagi lang namin inaasar sila Bea pero we know naman na clingy nga lang talaga sila as a person.

"Your imaginations talaga Gi" I said. "Hindi swear! I'm not kidding! Look at them dali. At sabi mo nga diba wasak yang dalawa nung kelan but with each other's company muka naman silang masaya na ngayon" Sagot ulit ni Gi. Well totoo naman. Muka naman they make each other happy. Hmm chikahin ko nga yang dalawa mamaya.

Nung nakasakay na kami sa jet ski pumunta kami malapit kela Bea. "JhoBea! Smile!" I said at pinicture-an sila.

Bumalik naman sa pagkukulitan yung dalawa after. "Pag yan nahulog Beatriz" saway pa ni Jho kay Bea. Si Bea kasi picture ata ng picture gamit phone niya, na ni hindi naka dikit sa kamay niya ha? Basta hawak niya lang, habang umaandar sila ni Jho. "Beatriz! Ang likot"

"I guess you're right Gi. So silent shipper na ba tayo ng JhoBea?" Tanong ko kay Gizelle. "What?! Anong silent silent? Shipper lang tayo walang silent! HAHAHA" sagot naman ni Gizelle.

After namin mag jet ski bumalik kami sa cabana namin para mag merienda na din.

"Ang bilis ng 3 days no? Babalik na din tayo bukas" Sabi ni Jho. Wala naman atang bakasyon na hindi nakakabitin 'no? This is my hometown pero syempre hindi din naman ako lagi pumupunta sa mga tourist spots.

"Ay oo nga pala. Guys baka pala di ako makasama sainyo tomorrow. Pupunta daw kasi yung relatives namin" Gizelle. Sayang naman but syempre kelangan din mag make time for her family. Minsan nalang siya dito kaya sinusulit lang din niya yung oras niya.

"So ibig sabihin ba niyan solo ko ang JhoBea ganaps tomorrow?" Sabi ko ng may halong pang-aasar ang tingin sa kanilang tatlo. "Oo nga! Update mo ko sa mga ganap natin Kim ha alam mo naman pwede na tayo president ng JhoBea HAHAHA hashtag Team Real!" Sinakyan naman ni Gizelle ang pangaasar ko.

"Alam niyo kayo mag-sama kayo nila Deanna" sagot ni Jho. Kasi naman eh di din nila dinedeny edi mukhang totoo talagang team real. "Wag niyo asarin si Jho baka umitim lalo...sa kilig" Sabi ni Bea at hinampas naman siya ni Jho. "Ay ang hangin beh!"

Itong si Bea kung asarin si Jho kala mo naman hindi meaningful kung tignan si Jho. Tama nga si Gi, halos matunaw si Jho kung titigan 'to ni Bea.

Jhoana

Kami lang ni Gi dito ngayon sa cabana kasi nagpasama si Kim kay Bea. May bibilhin daw sila somewhere na gustong gusto ipatikim nitong si Kim at Gizelle samin dalawa.

"Grabe Gi, last year mo na no. Sa batch natin tayong dalawa nalang naglaro talaga. At ikaw, yung pinaka consistent satin. Ewan ko beh kung gagamitin ko pa yung eligibility year ko. Pero ang gusto ko lang talaga sabihin is, I'm proud of you" Sabi ko kay Gizelle na batch mate ko. Sabay kaming pumasok ng ateneo di nga lang kami sabay na-line up sa UAAP.

Maybe This TimeWhere stories live. Discover now