Sign

547 21 4
                                    

Jhoana

Alas tres na ata ng madaling araw hindi padin ako makatulog. Anong klaseng pag o-overthink ba to sobrang mixed emotions as in mixed. Masaya ko na at the same time natatakot ako.

Gets ko yung point ni Ate Ella na aminin ko kay Bea 'tong nararamdaman ko dahil pag hindi baka maging awkward lang kami at mas lalo masira friendship namin. Pero sobrang laking risk nito as in make or break levels ganun.

Nag twitter nalang ako pampalipas oras at baka sakaling antukin ako. Retweet lang ako ng retweet at favorite ng favorite ng mga relatable na nababasa ko nang biglang magvibrate yung phone ko. Nagulat pa ko.

From: Beatriz 🌻

Why are u still up? It's late na ah

Lord ano 'to ang pa-fall. Char. Okay self di porket inamin mo na self mo inamin mo nadin sakanya kaya wag kang umasa diyan mag-isa.

To: Beatriz 🌻

Di ako makatulog eh idk y din. Ikaw? Bat gising ka pa? Himala ah anong oras na

From: Beatriz 🌻

Can't sleep din eh

What's with the retweets and faves beh

Hala baka kaya di makatulog 'to kasi kanina ko pa siya iniisip. Sorry na agad.

To: Beatriz 🌻

Ah wala yun alam mo naman pag mga gantong oras kung ano ano din nasa timeline

From: Beatriz 🌻

sure? I know there's more to that beh

Huy ano ba 'to! Alam ko sabi ni Ate Ells soon pero wala pa kong balak na ngayon mismo 'no. Di pa ko ready Beatriz pls kalmahan mo di ko alam anong irereply ko.

From: Beatriz🌻

Hey are u sleeping already?

Ayan tama 'yan! Sige susubukan ko nalang din matulog at eto na nga nagmumuka na kong tanga kasi di ko na alam mga isasagot ko sakanya.

From: Beatriz 🌻

I think u fell asleep. Goodnight beh! ☺️

Nagising ako ng mas magaan yung pakiramdam ko. Parang yung nga inooverthink ko kagabi biglang nawala. Hindi ko napanaginipan yung sagot pero parang bigla ko lang naramdaman na bakit nga ba ko maiilang? Hihintayin ko nalang sa sarili ko na ready na ko. At dahil diyan magpapasama ko sakanya ngayon syempre galaw galaw din bes kung crush mo yung tao diba.

To: Beatriz 🌻

Good morning beh! sorry nakatulog ako kagabi HAHAHA may lakad ka today?

From: Beatriz 🌻

I know right. Wala naman why? You miss me already? Magkasama lang tayo kahapon hahaha

To: Beatriz 🌻

Oo baket? Samahan mo ko sa school please may aayusin lang ako see you puntahan na kita dyan!! Hahahah

Maybe This TimeWhere stories live. Discover now