Ella
Sa wakas weekend na at day off ko. Super pagod sa work gusto ko nalang bumalik ng college! Yung pwede basta basta mag absent kaloka. Dahil nga gusto ko lang ng pahinga, yung day off ko ay considered as "sa kama lang buong araw" day.
Nanonood lang ako ng IG stories ng mga friends ko, palipas oras ganun, nang makita kong magkasama si Jho at Bea at ang haharot ng mga bata! Di ko sana bibigyan ng malisya kaya lang umamin sakin si Jhoana diba? Di ko na kaya 'to kelangan ko ng mapagkw-kwentuhan!
To: Besh Denisse
Hi Besh!!!!! May chika ko dali!
From: Besh Denisse
Omg ako din besh!! Go spill HAHAHAH
To: Besh Denisse
Besh mukang may susunod sa yapak niyo ni Ly...
From: Besh Denisse
Whatever besh! Pero omg feeling ko same chika?
To: Besh Denisse
Alam mo di ko na matiis 'to facetime na besh sure na din ako pareho tayo ng chika!
From: Besh Denisse
Patawa ka besh nasa iisang building lang naman condo natin pupuntahan nalang kita may dala kong pagkain
To: Besh Denisse
Yan ang gusto ko sayo besh alam ko naman mas mahal mo ko kay Ly #EllaDen
Dahil nga bababa lang naman ng ilang floors yun si Den nakadating din siya agad sa unit ko at talagang madami siyang dalang pagkain! Sabi sainyo eh ako talaga mahal neto hindi si Alyssa char HAHAHA
"Besh kain ka ng kain! Ang tagal ng chika! Dahan dahan naman pag nabilaukan ka tatawanan pa kita" Suway ni Den sakin. Balak ko kasi kalahatiin muna 'tong mga pagkain bago simulan ang chika HAHAHA
"Ano nga ulet paguusapan natin besh?" Tanong ko. Medyo nadala ko dito sa mga pagkain na dala ni Den. Well delivery lang naman ng Northpoint pero namiss ko kasi at favorite ko 'tong mga 'to.
"Jho at Bea besh" Sagot ni Den. Oo nga pala yung mga batang kay harot!! Kaloka. "Nakita mo na yung story nung dalawa sa IG?" Tanong niya pa.
"Ah oo yun nga yung nakita ko kaya ko naalala na ichika sayo. Ano sa tingin mo susunod ba sainyo ni Ly?" Tanong ko sakanya, at syempre habang kumakain pa din ako.
"Grabe naman wag naman sana sila sumunod samin ni Ly. Sana happy ending naman yung sa dalawang bata" Sagot niya. Alam ko yung mga bata pinaguusapan pero teka, lilihis muna ko saglit.
"Besh kung di lang kayo pabebe pareho, kung inamin niyo agad sa mga sarili niyo at sa isa't isa yang nararamdaman niyo happy ending din sana kayo no" Sa sobrang seryoso ko habang sinasabi yan hininto ko muna pag-kain ko. "At isa pa, naniniwala akong hindi pa huli ang lahat besh. Kaya niyo pa ni Ly, ipaglaban niyo lang yan" Sabi ko bago bumalik ulit sa pagkain.
"Hay nako hayaan mo na yung isa besh masaya na daw siya diba" sagot niya. "DAW besh, DAW. Kilala mo naman yun kayang magtiis kahit hindi naman talaga siya masaya" Sagot ko ulit sakanya nagpapaka-martyr nanaman 'tong iron eagle natin eh.

YOU ARE READING
Maybe This Time
RomanceIf we found the right person at the wrong time does it mean that we aren't meant to be already? Nah, I don't think so. Maybe this time is the right time. Disclaimer: i am not a good writer but i really miss jhobea sooo here ✨