Jhoana
Yung kasama ko walang ibang ginawa kundi dumaldal buong biyahe. For sure pag-dating namin don si Beatriz pa ang una nilang lalapitan at hindi ako. Well we all know kung gaano kadami ang humahanga sa babaeng 'to. Ewan ko ba, eh ang daldal naman nito. Jusko kung alam lang nila kung gaano ka-isip bata 'tong si Beatriz.
"Gosh I'm so excited. How are fiestas like ba? I mean is it like a big party or something?" Isa sa mga tanong niya sakin habang otw kami. "Grabe Beatriz di halatang excited ka di ka mapakali diyan. Mag-focus ka nga sa pag-drive dyan!" Saway ko sakanya. Ang likot kasi kala mo wala kami sa hi-way. Syempre ang bibilis ng mga sasakyan dito no. "Tell me na nga kasi. What usually happens ba during fiesta?" Tuloy padin sa pangungulit si Bea. "Hintayin mo nalang mamaya. Inaantok ako beh matutulog muna ko" sagot ko naman. "Hey Jho that's your house and it's my first time going there kaya pag tayo naligaw bahala ka" Oo nga naman ang tanga ko sa part na 'yon. "Pero oo nga pala wala ka sa mood hmm sleep ka nalang muna beh. I'll wake you up pag exit natin ng SLEX" sabi niya naman at hinayaan na kong matulog.
Siguro mga 10 minutes away nalang kami sa bahay. Medyo mas okay na din mood ko ngayon unlike kanina. Sana nalang talaga wala muna mag-banggit ng pangalan ni Marci kahit sino sa mga kamaganak ko utang na loob. "Nako beh mag ready ka na malamang pagkakaguluhan ka dun samin. Mga pinsan ko palang fan mo na pano pa kaya yung mga kapitbahay." Pangaasar ko sakanya. Mahiyain kasi 'to. Minsan pag madami na nagpapapicture sakanya lalo na pag sa unusual place, yung hindi sa arena at walang games ganun, nahihiya siya. "Grabe naman sa pagkakaguluhan beh. I'm just a normal person naman" Sabi nito at habang nagbl-blush. Odiba? Ayan nahihiya na yan hahaha. Tinext ko na rin si mama na nasa loob na kami ng subdivision. Sasalubungin niya daw kami sa labas dahil medyo madaming bisita ang bawat bahay.
"Ma" tawag ko kay mama at niyakap siya. "Hello po tita!😊" at niyakap din siya ni Beatriz. "Saktong sakto kayo at malapit na din ang dinner time. Tara na at pumasok na tayo bago pa pagkaguluhan ng mga kapitbahay 'to si Bea." Sabi ni mama. "Tita Lovel talaga" Nahiya nanaman si Beatriz. "Beh di bagay sayo nahihiya" pang-aasar ko naman sakanya.
"AHHHH TITA LOVEL! BAKIT HINDI MO NAMAN SINABING INVITED ANG ONE AND ONLY BEA DE LEON!" Rinig kong sigaw ni Audrei, pinsan ko. Una kasing pumasok si Mama ng pinto, sumunod naman si Bea at ako. "Grabe talaga parang di ako namiss. Hindi muna ko hinanap bago nagsisigaw" sabi ko naman habang papasok at tumayo sa harap ni Bea bago pa nila sugurin 'to. Lumapit naman sakin si Auds at niyakap ako. "Ikaw naman kasi di ka nagsabi magdadala ka ng bisita sana medyo nag-ayos pa ko onti no! Hello Bea de Leon yan?!" Walang prenong sabi ni Auds. "Bea pwede papicture mamaya? Damihan natin ah!" Dagdag pa niya. Si Beatriz naman sa likod ko tumatawa lang pero kita mo na nahihiya nanaman 'to. "Oh baka naman pwedeng kumain muna kami bago kayo mag-picture 'no?" Sabi ko naman sakanila.
Andito na kami ngayon sa dining table at kung kanina sa biyahe napakadaldal ni Beatriz ngayon naman ang tahimik. "Tahimik mo diyan? Sabi sayo magready ka eh hahaha" sabi ko naman sakanya. "Wala lang I'm shy kaya. First of all I didn't know that your whole, as in WHOLE, family will be here. Plus wala lang, you know that I'm always overwhelmed by the recognition right." Sagot naman niya. Odiba for a nahihiya hindi siya matipid sumagot. "Beh fiesta nga eh talagang nandito buong angkan ko HAHAHA anyway mabait yang mga yan. Starstruck palang sayo yang mga yan pero mamaya chikahn natin masaya sila kasama." Sabi ko naman sakanya, sakto din pinuntahan kami ni Jaja dito sa dining area. "Ate! Ate Bei. Kakadating niyo lang?" bati samin ni Jaja at niyakap kaming dalawa. "Medyo. San ka galing?" Tanong ko sakanya. "Ah sinundo ko lang yung friends ko at sakto Ate Bei idol na idol ka ng mga yun lagi ka tinatanong sakin" Sagot ni Jaja. "Ano ba yan Ja I'm shy" sabi naman ni Bea.
After namin kumain lumapit kami kela Auds sa may sala. Syempre 'tong pinsan ko ayan picture na ng picture kasama si Beatriz. Hinayaan ko lang sila kasi magaling makisama 'to si Audrei. Siya pinakamakapal muka saming magpipinsan. Pag may mga nakakasama kaming mahiyain siya talaga nangunguna makipagusap don at saglit palang nagiging kaclose na niya.
Habang dinadaldal siya ni Audrei tungkol sa volleyball binati naman ako ng tita ko na kausap ni mama ngayon. "Jho, iha, bakit hindi mo sinama ang boyfriend mo? Sayang naman at hindi pa din namin siya nakikita?" Tanong nito sakin. Lord sabi ko kahit tonight lang walang magtatanong about kay Marci eh :(
Narinig ata ni Bea yung tanong sakin kaya hinawakan yung kamay ko bigla. Ewan ko din pero pampakalma namin 'to sa isa't isa. Sabi sainyo eh super same kami ng ugali pag may pinagdadaanan. "Ah busy po eh. Hell week po kasi namin ngayon eh" palusot ko naman at hindi na ko sa chika nila sumali. Sa mga pinsan ko na nga lang ako makikipagkwentuhan!
"You good?" Tanong ni Bea sakin. Tumango nalang ako ngumiti. "Beh your cousins wants to watch our games live naman pala bakit di mo sila pinapanood?" Tanong niya sakin. Natatawa ko kasi tintry niya mag tagalog ng straight lalo na sa harap ng mga pinsan ko at hindi ako sanay HAHAHA. "Alam ko naman na hindi ako gusto panoodin ng mga yan 'no! Ikaw lang gusto panoodin ng mga 'yan tsaka si Ate Ly. Mapagpanggap kayo Auds!" Sabi ko naman at nagtawanan kami.
"Uy Jho bakit pala wala na kong balita sa jowabells mo? Dalawang beses ko lang nakasama yun ah? Nung binisita kita" Auds. Lord strike 2 mo na sakin 'to 😭 tinignan ako ni Bea at hinawakan ulit ang kamay ko. "Ah he's busy kasi with his requirements. Right Jho?" Si Bea na sumagot para sakin. "Ah oo at speaking of requirements, hoy Beatriz may papers ka pang due tomorrow baka gusto mo nang simulan no?" Sagot ko naman para tuluyan na mabago topic namin. "Oh yeah I'm having so much fun kasi I forgot about those hahaha" Nilabas lang niya yung laptop niya at tuluyan pa din nakipagchikahan samin habang gumagawa ng paper niya. Kung kanina makikita mo sa muka ni Beatriz na nahihiya siya, ngayon naman ngiting ngiti siya at mukang mambu-bully na ulit anytime.
"Beh where's your cr?" Bea. "Ah yung dun nalang sa kwarto ko, tara" sabi ko sakanya. Umakyat naman kami at nakasalubong namin si Mama sa may hagdan. "Bea, anak, dito ka na magpalipas ng gabi ha. Anong oras na at delikado na kung bi-biyahe pa kayo mamaya." Sabi ni Mama nung makita niya kami. "Okay lang po tita kaya ko naman😊" sagot ni Bea. Oo nga delikado na at malayo ang Quezon City from Batangas ha? "Wag na beh dito ka na mag-stay. Gabi na baka makatulog ka pa habang nagdr-drive" Sabi ko naman. Wala nang nagawa si Beatriz at pumayag nalang din siya.
After umuwi ng mga bisita namin nag linis lang kami konti at umakyat na din sa kwarto ko para magpahinga. "So that's what happens during fiesta. It's fun pala hahaha it's like a birthday party but walang may birthday?" Sabi netong kasama ko na mukhang enjoy na enjoy. "Yah. Ang saya 'no? Puro pagkain lang hahaha" sabi ko naman. "Yes! And the foods are sooo good. Especially the lomi! I've heard of it from Ate Ly also but I never get to try one. Well now I know why it's famous." I know right, muka kaming pagkain pareho.
Habang nagpapahinga hindi ko maiwasan isipin yung mga nangyare kanina. Kamusta na kaya si Marci ngayon? I mean sana hindi maapektuhan yung career niya ngayon sa photography dahil sakin. "Hey you good?" Tanong ni Bea. Nginitian ko lang siya. "When are you planning to tell your family ba? Kahit kela Tita lang muna? Ilang beses ka din nila tinanong kanina" Nung tinanong kasi ako ng tita at pinsan ko kanina pati si Mama at Jaja abang na abang sa sagot ko. "I dont know yet. Kelangan ba sabihin ko agad sakanila?" Seryosong tanong ko naman. "Hmm I think tell them when you're ready to talk about it na. I'm sure they will ask some questions about it. But you can also tell them as soon as you want. I'm also sure that they will help you move on. It's still up to you." Bea. May point naman. Baka bukas? Ramdam ko din kasing ramdam naman nila mama na hindi kami okay ni Marci. "Beh wag mo isipin masyado. Yung eyebags mo pang buong katawan na, umiitim ka lalo eh" Beatriz is not Beatriz kung hindi siya mangaasar.
YOU ARE READING
Maybe This Time
Roman d'amourIf we found the right person at the wrong time does it mean that we aren't meant to be already? Nah, I don't think so. Maybe this time is the right time. Disclaimer: i am not a good writer but i really miss jhobea sooo here ✨
