Day 3

502 18 0
                                    

Jhoana

Dahil sa pinagusapan namin ni Gizelle kahapon medyo napaisip din ako. May iba ba talaga? Ako kasi tingin ko wala naman talagang nagbago. Tingin ko nga ngayon lang talaga napansin ng mga tao kung gano kami ka-close. At ito naman mga teammates namin aba ewan ko at inaasar na din kami lately siguro dahil pag nag tr-trending? Pero katulad din ng sinabi ko kahapon, masasabi ko lang ay masaya ako.

"I think andito na tayo? Second time ko palang din talaga makakapunta dito" Sabi ni Kim at nandito na nga kami sa The Ruins.

Pagbaba namin ng sasakyan itong kasama ko tahimik lang at amaze na amaze sa nakikita niya. Sinalubong naman kami ng isa sa mga tour guide. Di naman ganun kalaki yung lugar pero yung mga tour guide dito shina-share nila yung history.

"It's sooo nice! Like what people would say about ruins, it's a beautiful disaster" excited na sabi ni Bea after kami i-tour. Isa yan sa mga kahanga-hanga kay Bea, yung appreciation niya sa lahat, as in lahaaat ng bagay.

"Ate Jho Ate Bea! Papicture po idol ko po kayo" may dalawang babaeng lumapit samin. Pumayag naman kami ni Beatriz at nag picture kasama sila. Nakakatuwa lang na kahit hanggang dito sa Bacolod may mga nakakakilala samin at syempre dahil sa volleyball yun.

Yung dalawang unang nag papicture samin nasundan pa ng ilan. "The power of JhoBea talaga" Narinig kong sabi ni Kim kay Bea habang may nagpapapicture sakin.

"Ate Jho idol po kayo nung kaibigan ko pwede po ba mag pa video greeting" tanong nung isa. "Sige sure" pumayag naman ako. "Ate Jho pwede po ilonggo? Tuturuan ko po kayo" Request pa ulit niya. "Ay sige gusto ko yan! Turuan mo ko ha" sagot ko.

Ginawa na namin yung video greet at tinuruan niya talaga ko mag ilonggo. "Ano pa? Yung mga common na phrase naman ganun" tanong ko sa nagtuturo sakin ng ilang mga ilonggo phrases "Ano po uhm... palangga ta ka!" Sagot naman niya. "Ano ibig sabihin nun?" Tanong ko kasi mukang naexcite siya eh hahaha "Parang ano po, mahal kita. I love you ganun" sabi niya sakto naman at palapit nadin sila Bea sakin. May mga nagpapapicture din kasi sakanila, mga volleyball fans "Ahh ganun ba?"

"Palangga ta ka" sabi ko. "Oh did you say you love mo? Oh no" Sabi ni Bea "pakyo!" At nagtawanan naman yun mga tao nakapaligid samin. "Napakahangin beh! Tinuturuan nila ko mag ilonggo" sabi ko at tinawanan lang ako nitong dalawang kasama ko.

Syempre nag ba-bakasyon lang din kami dito kaya nakisuyo din kami kung pwede nila kaming picture-an tatlo na magkakasama. Buti nalang din at mabait yung mga tao dito sa Bacolod.

"Jhow Bei picture kayo dali send natin kay Gi" Ngiting ngiti sabi ni Kim. Pumayag nalang din kami ni Bei kasi magpapapicture din naman talaga kami HAHAHA One of the best memories 'to no. Sobrang biglaan ng trip na 'to at thanks to Kim and Gizelle nag-enjoy naman kami sobra.

After visiting The Ruins nag-lunch kami sa suggested place ni Kim. Late lunch na din to actually kasi medyo late kami nagising tatlo today kaya late na din nagsimula araw namin hehe.

Yung kakainan namin kilala sa masasarap na Chicken Inasal pero may mga sinserve din silang ibang food. Syempre kami ni Bea Chicken Inasal na inorder namin dahil iba padin talaga pag dito ka talaga sa Bacolod nakatikim ng inasal.

"Kim where can we buy the snack that we tried nung 1st day, the one I loved, what do you call that again?" tanong ni Bea after namin kumain.

"Piaya. Sige may malapit naman na pasalubong shops dito" Sagot ni Kim. "Teka ilang pack din yung binili ni Jho para sayo ah? Ubos mo na agad?!" Dagdag pa niya. At di kayo nagkakamali ng iniisip oo naubos agad ni Beatriz.

"Nagulat ka pa dun Kim? Jusko same day ubos na ni Beatriz lahat yun!" Sabi ko. "Excuse me it's so good lang din kaya! And you ate din naman some" pagde-defend nitong isa sa sarili niyo. "Some" pag-gaya ko sakanya at inirapan nalang ako.

Bumili na din ako ng madami dahil nasa Manila daw sila Mama at kasama din nila si Auds. Bakasyon naman kasi at wala din sila masyadong ginagawa. Di naman ako masyado makauwi samin dahil sa thesis at training.

"You guys keep on telling me I'm matakaw, look at Jho nga oh. Don't tell me that's for me nanaman, nako Jho ito naman nahiya ka pa thank you ha—" Nangasar nanaman 'tong matangkad na 'to!!

"Aba namimihasa? Para kela Mama at Auds 'to no!" Sagot ko sakanya "Auds, as in your cousin? She's with them pala? Wow tell her meet kami, catch up!" Excited na sabi nitong si Bea.

"Wow Bea ha? Close na close agad?!" Kung maka-catch up naman 'to! Ilang oras lang naman sila nagkasama noon.

"Ah yun pala yung kwento ni Jay na may pa-meet the family na ganap" Kim. "Jhowjhow bat ka nakasimangot diyan? Selos agad? Don't worry JhoBea padin ako" Dagdag niya na may kasamang pang-aasar. Hay kaloka! Di ko nalang sila pinansin at binayaran na yung mga bibilhin ko.

Dahil nga late na din at wala na din naman kaming pupuntahan bumalik na kami sa hotel at tinabi na din yung mga binili namin na pasalubong. Naisip namin na mag early dinner na din dito dahil 8 yung flight namin at kelangan hours before nasa airport na kami.

"Thank you Kimmy and sa fam mo! See you soon" Paalam namin kay Kim. "Thank you JhoBea! Ingat kayo ha more ganaps pa uupdate ko pa si Gi hahah" at umalis na din siya.

Gabi na pero medyo madami pading tao, siguro dahil bakasyon at weekend. Nag check in na kami agad ng mga gamit namin at pumasok na sa immigration. Sakto lang din naman kasi nga medyo mahabi din yung pila.

"Attention, passengers of flight 5J 150, we apologize but there will be a 30 minute delay in your flight. Again, passengers of flight 5J 150, we apologize but there will be a 30 minute delay in your flight. Thank you"

"Mukang di ko na din sila maaabutan ng gising sa condo" pag-react ko sa narinig kong announcement. Excited kasi ako makita sila syempre namiss ko sila.

"Hey smile! It's okay at least you can rest din muna from byahe" pag cheer up sakin ni Bea at hinug ko. Ramdam niya talaga pag malungkot ako at alam na alam niya din talaga kung pano ako icheer up.

Maybe This TimeWhere stories live. Discover now