Jhoana
Today is Bea's birthday and our team's 1st game for the PVL. Sayang hindi ako makakalaro today but I'm doing my best naman para gumaling agad with the help of our PT, Ate Bets, and Bea. Grabe super thankful ako sa help and tyaga ni Bea sakin ngayon injured ako. Mas lalo ko siya na-aappreciate at mga beh, mas lalo ata ako naf-fall? AY ANG RUPOK!
Anyway, kausap ko ngayon sila Tita Det inuupdate nila ko para sa mini surprise get together namin kay Bea for her birthday. Well since injured ako simpleng surprise lang yung pinlano namin nila Tita. Ininvite lang namin lahat ng mga malalapit na tao sa buhay ni Bea lalo na yung mga bihira niya nalang makasama dahil sa busy schedule namin as a student-athlete.
"Ja, Auds, itetext ko kayo pag papunta na si mama ha wag kayo mabagal kumilos please lang" Bilin ko sa dalawa. "Oo ate kahit magpaunahan pa tayo tumakbo eh gusto mo?" Pang-aasar ni Jaja sabay tumalon talon. "Hoy Ja alam kong pilay ako pero kaya kita sabunutan!" Sagot ko naman. "Oh tama na yan tara na Jhoana at baka malate pa tayo" Saway ni mama samin.
Kasama ko si mama ngayon, ihahatid niya na daw ako sa arena kahit daw pilay ako manonood padin siya at susuportahan yung team. I know right super supportive huhu habang nasa biyahe sinisigurado ko padin na all set na yung surprise namin later, lahaaat ng favorite foods ni Bea pinrepare at hinanap namin ni Tita Det.
Pag-dating namin sa arena buti nalang may mga kuya na inalalayan ako mag lakad, kahit mas kaya ko naman na dahil sa walking boots, tapos si mama umupo na sa audience area malapit sa bench namin. "Hay nako you should've texted me that you're here already para sinundo kita" Salubong ni Bea nung makita niya ko sa may dug out. "Thank you po kuya, ako na po" sabi niya pa sa mga bouncer na umalalay sakin.
"Ano ka ba nakakalakad na nga ko promise!" sabi ko. "Isa pa bawal mastress, happy birthday!" I smiled and hugged her. "Thank you and wow can we stay like this forever?" Bea pertaining to our hug, natawa nalang ako.
"Ay! Gizelle nakaistorbo pa ata tayo pasok na tayo ulet" Kim "What? No! Number 1 JhoBea fan nga tayo diba! Love this view!" Gizelle. "Hoy kayo pumasok na kayo dito sa loob, at kayong dalawa" turo ni Mich samin ni Bea "talagang sa labas pa kayo naglandian? Trending nanaman kayo mamaya niyan ganon? Pasok na hanap na tayo ni coach nilalanggam na yung arena oh" Mich said habang tinutulak kami papasok ng dug out.
Andito lang ako sa sideline cheering for the team. I'm happy that they're doing good as in lahat sila inside the court, kahit di ako nakakapaglaro ramdam ko na unti unti nagp-pay off yung pinaghihirapan namin sa training.
Kaya naman we won the game at syempre sino pa bang player of the game? Yung birthday girl natin na mukhang sobrang inspired today. Hinintay ko matapos yung interview niya bago pumasok sa dug out.
"Wow nice game from the birthday girl ah" bati ko sakanya. "Well inspired from the hug eh" sagot niya naman. ANG LAKAS TALAGA MAGPAKILIG HAY NAKO. "Ewan ko sayo hahah. Kain tayo?" sabi ko naman, eto na medyo kinakabahan na ko kasi sisimulan ko na yung plano namin na surprise.
"Sure shower lang ako. How about Tita Lovel?" Bea. "Ah sige sige" Sabi ko naman. "Si Tita Lovel?" She asked. "A-ah nauna na di niya daw kasi mapagkatiwalaan sila Jaja lang maiwan sa condo hehe" sabi ko naman. "Oh okay sige i'll shower na wait for me" Bea.
Tinext ko agad si Jia at Mich na unahan nila si Bea maligo para hindi naman sila super mahuli sa handa ni Bea. "Where do you wanna eat?" Tanong niya sakin habang naghihintay na may matapos mag shower. "Ay oo nga no hanap muna ko" sabi ko. Shocks oo nga ano sasabihin ko!!!
Sakto naman at nakita kong tapos na maligo si Jia kaya tinext ko agad to call for help.
To: Julia Melissa
BES HELP!! SAAN DAW KAMI KAKAIN ANO SASABIHIN KO?
Nagmamadali kong text kay Jia.
From: Julia Melissa
Ewan ko surprise mo yan eh HAHAHAHA
Ay sabihin mo kunyare sa bahay nalang nila paglulutuan mo nalang siya
To: Julia Melissa
Sure ka?? Maniniwala ba sakin yun?
"Oo maniniwala yun! Nilulutuan mo naman talaga minsan yun diba" Bulong ni Jia sa tabi ko. "Jusko bes ginulat mo ko. Wag ka maingay. Asan na ba si Bea?" Tanong ko. Huling pagkakatanda ko kasi katabi ko si Bea? "Ha? Nag-shower na bes. Wag kang lutang diyan mahahalata ka niyan" binatukan pa nga ko ni Morado. Muka lang mahinhin 'to pero mapanakit din 'tong babaeng 'to sinasabi ko sainyo!
Hinhintay ko nalang si Bea matapos habang yung ibang teammates namin nag aayos na ng mga gamit sa coaster. Invited naman lahat pati sila coach kaya alam na din nila na kay Bea ako sasabay. "Let's go na?" Bea. "Yah sige sinabihan ko na din si Mich and coach na sayo na ko sasabay, tara"
Di naman ako aware mga bes na medyo malayo layo pala 'tong parking kung nasan yung sasakyan ni Beatriz nakakaloka. Medyo natagalan tuloy kami dahil sa paa ko at buti na din yun para mauna na yung team sa bahay nila.
"So ano san tayo?" Tanong ni Bea pag sakay namin sa kotse niya. "Hmm sainyo nalang kaya? Magluluto nalang ako!" Sabi ko naman. "Huh? Are you sure? Wag na let's eat somewhere nalang" Kontra niya naman. Jusko po please lang pumayag ka nalang. "Hindi na nasa mood ako magluto eh. Tsaka di naman ako naglaro 'no di ako pagod. Sainyo nalang para makapagpahinga ka na din agad" Paliwanag ko naman. Masyado bang defensive? Bahala na um-oo nadin naman siya.
"Oh there's a car outside, kanino kaya yan?" Sabi ni Bea pag-dating namin sakanila. Shet di ko naisip 'to ah buti nalang at isa lang yung nakapark sa labas nila at hindi niya makilala kung kaninong sasakyan 'yon. Tinext ko na din agad si Tita Det kanina nung nasa gate na kami ng village nila Bea para iinform sila na malapit na kami.
"Beh sama ka pala tomorrow. Lunch at Tagaytay with my family lang for my mini celeb. It was supposed to be tonight kaya lang some of them are not available daw" Bea. "Ha? S-sige?" Sakto naman na papasok na kami sakanila nung sumagot ako.
"Surprise! Happy Birthday!"
"What? How are you guys all here?" Gulat na sabi ni Bea sabay tumingin sakin at nginitian ko nalang siya. "Happy birthday apo! Another successful surprise" Lola Ysabela greeted her. "I know, I really thought that you guys are busy today" sagot ni Bea. "Oh sige na everybody let's eat na muna, girls eat na kayo congratulations on your win!" Announce ni Tita Det.
Si Bea naligo daw muna siya ako naman pinuntahan ko muna sila Mama na nasa table ng mga mommies, nila Tita Det 😅 "Grabe cous sobrang nakaka-starstruck naman na kaharap ko lang yung buong ALE" bulong ni Auds sakin. "Ano ba yan Auds kumain ka nga muna ipapakilala nalang kita mamaya" sagot ko naman sakanya. Bago pa man ako makapasok sa Ateneo sabay talaga kami mag fangirl neto ni Auds sa mga former ALE kaya naiintindihan kong super nagffangirl na 'to ngayon.
"Hey, mom told me you organized all of this. Thank you. You know how much these people mean to me" Bea said when she sat beside me. "Wala 'yun. Kumain ka na kanina ka pa hinihintay ng lahat ayun sila Cel at Maki oh" I smiled at her. "How did you convince those two with their busy schedules? hahaha I super appreciate it Jho" Bea.

YOU ARE READING
Maybe This Time
RomanceIf we found the right person at the wrong time does it mean that we aren't meant to be already? Nah, I don't think so. Maybe this time is the right time. Disclaimer: i am not a good writer but i really miss jhobea sooo here ✨