Jhoana
Kakagising ko lang at Friday na ngayon. Sa dorm na ulit ako nagst-stay since nung Wednesday umuwi na din sila mama. Uuwi ako ng Batangas mamaya para sa fiesta.
Pero bago yan magkikita muna kami ni Marci. Yes, today is the day. Ang tanga ko 'no? Sabi ko gagawin ko bago umuwi samin para pag tapos hindi ko muna agad maisip pero ngayon naman hindi ko pa nga ginagawa wala na kong gana umuwi samin.
Nag-ayos na ko dahil dalawang oras nalang at susunduin na ko Marci. Grabe yung tibok ng puso ko habang nag-aayos ako. Sabi ko kasi talaga wag niya na ko sunduin at dun nalang kami mag-kita pero alam naman natin, mapilit siya at baka mapano pa daw ako kaya hindi na din ako tumanggi.
After ko magayos dumating nadin naman agad si Marci. Hindi ko alam kung nag o-overthink lang ako pero bakit feeling ko nakakaramdam na siya? Recently din di na niya ko masyado pinipilit kapag may-aya siya sakin na tinanggihan ko. Dati naman susubukan pa niya na pilitin ako. Kanina din pag dating niya dito binati niya lang ako ng usual naman, hinug niya ko at inalalayan sumakay sa kotse, pero ngayon na nandito kami sa loob tahimik lang din siya. ugh bat ko ba iniisip 'to diba dapat nga mas okay sakin 'to dahil kung nararamdaman man niya edi mas bawas yung sakit niya? EWAN KO NAAA baket ba walang advice na binibigay para sa mga makikipagbreak pero dahil naman sa maayos na dahilan? Swear, cross my heart, walang ibang dahilan bukod sa ayokong maging selfish sa kanya. Ako yung problema dito at aayusin ko muna ang sarili ko.
"Ay bakla!" Sigaw ko bigla kasi akong ginulat nito ni Marci. Sumigaw ba naman sabay tapik sa balikat ko. "Tulala ka. Sabi ko where do you want to eat?" Tanong ni Marci, tignan niyo na nakangiti padin siya?! Lord gusto ko na magpalamon sa lupa. "Ay sorry sorry. Hmm ikaw nalang bahala kahit saan😊 wala akong cincrave ngayon eh" sagot ko naman.
Nandito na kami sa isang restaurant ngayon, pumipili ng oorder-in. "Uhm Jho can we talk later later nalang? Can we eat first nalang muna? Please" Marci. Kung pwede lang sumabog yung puso ko sa lakas ng tibok niya, sumabog na ko. "Sige sige kain muna tayo😊"
Tapos na kami kumain. Habang kumakain mas okay naman kesa nung nasa sasakyan kami. Mas nag-uusap kami unlike nung otw dito tumambay na ata yung anghel sa gitna namin. Kinamusta niya ko at yung team dahil nga hindi kami nag-champion. Kinamusta ko din naman siya at sabi niya he's doing great naman daw. Nag focus din siya sa studies niya and photography kasi passion niya yun ever since.
"Marci" tawag ko sakanya nasa sasakyan na kami ngayon, nasa parking padin, pero ewan ko bigla ako nagkaroon ng lakas ng loob simulan ang dapat kong gawin. "Yes? oo nga pala sabi mo may sasabihin ka" sagot ni Marci. Hindi ko alam kung bakit, umiyak muna ko bago nag-salita🤦♀️ "Hey don't cry. It's okay Jho. I know and tanggap ko na" Sabi naman niya at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Promise Marci sobrang bait mong tao. Never ka pumalya na pasayahin ko at iparamdam sakin kung gano mo ko kamahal. Sorry kung di ko kaya ibalik sayo yung mga effort na ginawa mo sakin. Pero swear naging totoo ako sayo at sa buong time na naging tayo. Minahal kita Marci. Actually hindi, mahal pa din kita pero siguro mas mahal mo lang ako. At hindi kaya ng konsensya ko yung ganun. Ayaw ko na mag-muka kang tanga dahil sakin. Sobrang swerte ng mga tao sa buhay mo dahil meron silang katulad mo na understanding at hindi agad sumusuko. Ang tanga at selfish ko sa sasabihin ko ngayon, pero please, I would love it if magiging friends pa tayo. You mean so much to me and ayoko maging selfish sayo." Paliwanag ko habang umiiyak. At ngayon pag tingin ko sakanya may tumulo nang luha sa mata niya. Pero tignan niyo, sobrang strong niya pa din dahil di niya pinapakita sakin gaano siya ka nasasaktan. "Tahan na Jho. It's okay alam ko okay at naiintindihan ko. Ayoko din naman ipagpilitan sarili ko sayo. Thank you dahil pinasaya mo ko. Thank you because you still chose to spend this day with me, okay na ko dun. And of course, we can still be friends😊 walang magbabago Jho, andito padin ako lagi para sayo. Pwede ba ako naman humingi ng favor? Hayaan mo lang ako na ihatid kita sa dorm mo ngayon and please let me hold your hand for the last time habang on the way tayo? Last 'na promise." Hiling ni Marci. Tumango naman na ko at hindi na tumanggi. "Teka sabi mo kanina you know, pano mo nalaman eh wala pa kong sinasabi non?" Tanong ko kay Marci pero nginitian niya lang ako.
Pag dating namin sa dorm inalalayan niya padin ako pababa ng kotse. Hinug ko din siya at hinug niya ko, for the last time. "It's all in the eyes Jho. Thank you and I love you." He said bago kumalas sa yakap naming dalawa. "Thank you Marci. Friends?" "Friends.😊" At saka umalis na siya. Hinintay ko na muna tuluyan makaalis yung sasakyan niya bago ko pumasok sa dorm.
Pag pasok ko ng dorm nakita ko sa may sala area si Gizelle, Jia, Maddie, Trey, at Bea na nakatutok sa mga laptop nila. Naghahabol siguro ng requirements 'tong mga 'to. "Busyng busy kayo dyan ah" Bati ko sakanila bago dumiretso si kitchen para uminom ng tubig. Para akong nadehydrate sa iniyak ko kanina. "I thought you're gonna go home this weekend?" Bea. Nagulat naman ako kasi sinundan pala ko dito sa kitchen. "Ah oo maya maya magpapahinga lang ako saglit" sabi ko. "I did it. Tinapos ko na Bea." Dagdag ko at bigla naman siyang napalingon sakin. "Omg are you okay? Do you want to go somewhere? Treat ko" sagot ni Bea habang nagpa-panic. "Wag na beh kumain naman muna kami at tsaka madaming handa sa bahay mamaya" sabi ko at pumunta na room ko, Beatriz being her, sinundan niya ko sa room ko. "Alam ko na! Can I come? Hatid kita sa inyo!" Sabi niya well okay lang naman kasi alam ko hindi pa nakakaexperience ng fiesta 'tong babaeng 'to. "Akala ko ba may papers kang due tomorrow?" Tanong ko. "Well yah but patapos na ko. Also I can do that naman later! Dali na beh I wanna try fiestas din" pangungulit ni Bea. "Oo na oo na! Pero tapusin mo yang paper mo ha! Hay nako pasalamat ka di kita matiis at talagang kelangan ko ng kasama ngayon" Sabi ko. Tuwang tuwa naman siyang kinuha yung laptop niya sa baba. Magte-text na din daw siya kela Tita Det na sasamahan niya daw ako sa amin dahil nga fiesta. Tinext ko na rin si mama na papunta na ko at kasama ko si Beatriz.
To: Mama💝
Ma papunta na po ako kasama ko din po pala si Beatriz gusto daw makaranas ng fiesta hahaha
From: Mama💝
Sige anak. Magiingat kayo ha? Nako matutuwa ang mga pinsan mo niyan. Alam mo namang idol na idol nila yan. Mag-text ka pag malapit na kayo

YOU ARE READING
Maybe This Time
RomanceIf we found the right person at the wrong time does it mean that we aren't meant to be already? Nah, I don't think so. Maybe this time is the right time. Disclaimer: i am not a good writer but i really miss jhobea sooo here ✨