Chapter 1

2.9K 62 0
                                    

Bea's POV:

"Alam mo namang, hindi ko na kaya 'tong lahat. For heaven's sake Riza hindi ako sanay sa hirap. Ayoko ng ganito. Ayoko." Sabi ko kay Riza habang kausap sya sa kabilang linya.

[Bea, eto nanaman ba tayo, you don't need to get drunk. Bakit hindi mo ako sinama? Nakakainis ka naman. Uuwi ka nanamang lasing.] -Riza

"Ssshhh. Ayoko munang umuwi. Pag tinanong ka nila dad kung nasan ako sabihin mo hindi mo alam. Ganun din kay Ernest. Ok? Bye."

[Teka Bea--]

Call ended.

Hindi ko na sya pinatapos at tuluyan nang pinatay ang tawag.

Pesteng buhay 'to. Bakit kasi kailangang malugi yung kumpanya namin. Kasalanan 'to ng mga ka sosyo ni Daddy kaya ngayon nag hihirap kami. Our family is the owner of Angeles Corp. Dahil sa mga traidor na business partner ni Dad, unti unting nalugi yung company namin at worst, nabaon pa kami sa utang. Hindi ako sanay sa hirap--kami ng pamilya ko. It's been 3 months mula nung ipasara ang kompanya at tanging ang mansyon nalang namin ang naiwang pag aari namin. At balak pa nila Dad na ibenta yun at kumuha ng mas maliit na bahay. Fck! Nakakainis na buhay to!

"I don't deserve this! Tangina." Inis na sabi ko sa sarili ko saka uminom ng alak.

Andito ako ngayon sa bar, well para ano pa ba? Kundi maglasing. Ayokong umuwi sa bahay. Puro problema lang lagi. Mahirap na kami. Nawala na yung mga credit cards ko at buti nalang may pera pa ako kahit papano. Aminado akong maluho. Dahil lahat ng gusto ko dati, nakukuha ko. At ngayon? Wala na. Si Daddy and ate nag wowork sila sa ibang company at maliit lang ang salary nila at hindi kami sanay sa ganun.

Tatlo kaming magkakapatid. Si Ate Irish Angeles, 27 years old. Ako, Beatrix Angeles, 21 years old at si Joseph Angeles ang bunso namin na 16 years old. Mula noong mabaon kami sa utang lumipat na ng school si Joseph dahil hindi na kaya nila Daddy yung ganun ka laking tuition sa dating school ni Joseph. Luckily, tapos na kami ni Ate sa college. I took Business ad. At HRDM naman ang kay ate. Nagtatrabaho sila ni Dad ngayon sa ibang company dahil hindi na save yung bumagsak naming kumpanya. Pinag iisipan ko na din na mag work pero hindi sa cheap na trabaho. Nagtapos ako sa isang pristigous university kaya deserve ko ang mataas na sahod para na din sa sarili ko at mga pangangailangan ko.

Si Rizalie Dela Vega ang kaisa isang bestfriend ko at may restaurant sila kaya mayaman din sila. Close namin ang family nila at tinulungan din nila kami before sa company namin kaso wala na talaga. Lahat ng mga peste at peke kong kaibigan dati iniwan ako sa ere dahil hindi na ako mayaman. Well ganun naman talaga. Punyeta.

*ring~ring~*

Speaking of,

(Riza's Calling)

"What?!"

[Bea ano ka ba naman, nasaan ka ba? Hinahanap ka na nila tito sa akin. Please naman umuwi ka na. Nag away nanaman ba kayo ni tito?]

"Tss. Hayaan mo sila. Lagi nalang ako. Kesho matigas daw ulo ko blablabla paulit ulit nalang. Eh anong magagawa ko? Hindi ako sanay sa ganito Riza. You know me. Nakakahiya at fresh pa yung nangyari sa company namin."

[Para ka namang namatayan, Look Bea, kung lagi kang mag gaganyan talagang mas lalong bibigat ang problema nyo. Isa pa, kailangan mong masanay. At alam mo namang hindi ako pinayagan ng daddy mo na bigyan ka ng pera kasi pati yung parents ko kinausap ni tito. Pero sakin wala namang kaso, pero kasi--]

"No, its okay Riza ano ka ba. Nakakahiya saka bahala na. I think i need to work na din."

[Really?]

Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon