"My gosh! Hilary! Nababaliw ka na talaga! Hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka o kung saang lugar ka man pupunta!" Ate Martina said over the phone.
Napakamot ako ng ulo. "Sorry ate, ngayon lang ako nakatawag. Something's happen here."
"What? Where are you?"
"I'm here in Ilo-Ilo."
"What the fuck are you doing there?!"
Medyo nasasanay na ako sa pag iba ng ugali ni Ate Martha. "Andito ako kila Bea, Her Tita Susan was dead. Don't worry babalik rin ako ng Manila."
Narinig kong napabuntong hininga s'ya. "Siguraduhin mo lang."
"Yup, Ate. Bye."
I end the call.
Ito ang araw ng pagbuburol sa Tita Susan nila. Naghahanda na ang lahat. Naroon na rin ang ibang kamag-anak nila. Katabi ko si Bea habang nagsasalita ang pari sa harap. Lahat ay nakaputi at nag-iiyakan. Pinapatahan ko si Bea dahil mula noong gumising s'ya ay humahagulhol na.
Nagbigay ng mensahe ang bawat isa sa harapan pagtapos ay naghulog ng rosas.
"Habang lumalaki ako, si Tita Susan na ang nagsilbi kong ina. Mom and Dad is too busy with their work. Lagi n'ya akong dinadala dito sa Ilo-ilo. She's mu bestfriend, mother, tita and fairy godmother..." Lumuluhang sabi niya. "I love you Tita. Sorry kung lumaki akong spoiled. Sorry kung hindi kita naalagaan. Sorry, Tita. Promise, i'll make you proud. Mahal na mahal kita." Aniya pa at humagulhol.
Sumilip ang luha sa mga mata ko. Alam ko kung gaano kahirap mawalan ng mahal sa buhay. Naalala ko ang Yaya Alma ko. She's my mom, My everything. She's my family.
Niyakap ko si Bea matapos niyang makabalik. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman n'ya. Iyakan lamang ang maririnig mo sa buong narito habang binababa ang kabaong ni Tita Susan.
Matapos magdasal ay nagusap usap na ang iba pa. Naroon pa rin ang iyakan ng lahat.
Nakatulala lang si Bea na nakaupo habang nakatingin sa malayo.
"Love..." Bulong na sabi ko sa kanya.
Lumingon s'ya sa gawi ko. Bakas na bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan.
"Everything will be okay." Sabi ko pagtapos ay niyakap s'ya.
Naririnig ko nanaman ang mahinang paghikbi niya.
Nang medyo kumalma na siya ay pinainom ko s'ya ng tubig at naroon na kami sa van.
"Ate!" Lumapit sa amin 'yong kapatid niya na si Joseph.
"Oh? Bakit?" Ani Bea.
"Nandyan si Kuya Ernest."
Third Person's POV:
Halos pagsakluban muli ng langit at lupa si Bea dahil sa narinig. Hindi niya inaasahan ang muling pag-uwi ni Ernest. Halos magtatalong linggo nang hindi niya nakakausap ito.
"Mahal." Nakangiting bungad ni Ernest nang makalapit ito sa bukas na van na kinauupuan nila Bea at Hilary. Kitang kita ang kalakihan na katawan ng lalaki at magandang tindih nito.
"E-Ernest." Gulat na sabi ni Bea. "H-Hindi mo naman sinabi na u-uuwi ka." Kabadong aniya saka bumaba sa kinauupuan.
"Surprise! Hindi ka ba natutuwang nakabalik ako?" Sabi ni Ernest pagtapos ay niyakap ang dalaga.
Nakatingin lamang si Hilary at walang emosyon ang mukha. Hindi mo mababasa sa kanya kung ano ang nararamdaman.
"K-Kailan ka pa umuwi?" Ani Bea.
"A-Ah, Kahapon lang." Nag-iwas ng tingin si Ernest.
"A-Ah."
"Condolence nga pala." Anito.
Tumango si Bea pagtapos ay napakagat ng ibabang labi.
"Nagkita na kami nila Tito, sorry kung late ako. Pagkauwi na pagkauwi ko kahapon lumipad agad ako papunta dito. I miss you mahal ko." Sabi nito saka ninakawan ng halik si Bea sa labi.
Napakuyom ng kamay nalang si Bea. Halo halo ang emosyon na nararamdaman niya.
Nilingon niya si Hilary na nakamasid lamang sa kanila.
"Mahal?"
Bumalik siya sa ulirat. "I-I miss you too." Paiwas tingin na sabi ni Bea.
"Payakap nga ulit sa mahal ko. Miss na miss talaga kita." Niyakap pa ng mahigpit ni Ernest si Bea.
Napatingin si Ernest kay Hilary na nakatingin sa kanila.
"Oh, Bellanca?" Gulat na sabi ni Ernest.
Kitang kita ang mabigat na paghinga ni Hilary. "Ako nga."
"You're friends with my wife?" Tanong pa nito.
"Yup."
"Oh, That's great. Nice to meet you." Sabi niya at naglahad ng kamay.
Tinignan lamang nito ang kamay ng lalaki. "Same."
Napahiyang ibinalik ni Ernest ang kamay niya.
"Excuse me." Sabi ni Hilary. Bumaba siya sa sasakyan at pinagmasdan si Bea bago umalis.
Walang magawa si Bea kung hindi ay manatili sa mga bisig ni Ernest. Nais nya mang sundan si Hilary ngunit hindi pwede.
Dagdag bigat sa kalooban ni Bea ang biglaang pagdating ni Ernest.
--
LadyMaria
BINABASA MO ANG
Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)
RomanceAng pagmamahalan ay mayroong tamis at pait. #LoveWins (c) to the owner of the photo