Third person's POV:
"Hilary, what do you think you're doing?! You need to eat!" Galit na galit na sigaw ni Ate Martina.
Nanatili lang na nakatitig sa labas ng bintana si Hilary. Malaki na ang eyebags nya, hindi na sya pumapasok ng opisina at bihira nalang siyang kumain nitong mga nakaraang araw.
"Hilary?! Ano ba!" halos lumabas ang litid ni Martina dahil sa inis sa kanyang pinsan.
Lumingon ng walang gana si Hilary. "Ayokong kumain."
Napairap sa kawalan si Martina. "Alam mo para kag bata! 'Yan lang iiyak iyak ka?!"
Natawa ng mapakla si Hilary. "Wala kang alam ate."
Martina raise her right hand. "Fine. Bahala ka jan!" saka sya umalis ng kwarto.
Gustong gusto ni Hilary na pumunta sa bahay nila Bea ngunit pinigilan sya ng Ate nitong si Irish. Sobra sobra ang pagsisisi niya. Bagama't hindi naman sadya ang nangyari ay sinisisi niya ang kanyang sarili. Nagmukha siyang teenager na nabigo sa first love. Halos di na siya kumain at puro alak lang ang iniinom.
Tinawagan niya muli ang number ni Bea.
The person cannot connect at the moment please leave a voice message.
"M-Miss na miss na kita. Mahal na mahal kita Bea."
Muli nanamang umagos ang luha niya sa mata. Humikbi siyang muli.
Biglang nag ring ang cellphone niya. May tumatawag roon na Unregistered Number.
Sa halip na sagutin ay pinatay niya ito. Kung may tao mang gusto niyang makausap ngayon ay si Bea.
Tumawag muli ang Unregistered Number.
Sa pagkakataong ito ay sinagot na niya.
"..."
[Hello, Hilary?]
"Sino 'to?"
[Si Irish ito.]
-
Nanghina ang tuhod ni Bea nang madinig niya ang ibinalita ng Mommy niya.
"H-Hindi kinaya ng Tita Susan ninyo na makaabot sa ospital. D-Dead on arrival siya." Yumakap sa sa asawa niya saka humikbi matapos niya itong sabihin.
Gulat na gulat si Bea at napaupo sa sahig. Umagos ang luha ni Bea pati na rin si Irish at Joseph.
Ang Tita Susan nila ang naka close nilang magkakapatid buhat nang lumaki. Parang ina na ito sa kanila lalo na kay Bea. Ngunit, napagpasyahan nitong umuwi sa probinsya at doon na manirahan. Nasagasaan ang tita susan nila at hindi na kinaya pang umabot sa Ospital.
Agad silang nagpabook ng flight papuntang Iloilo noong araw na iyon mismo. Nag leave ng trabaho ang ate at daddy niya para makapunta sa burol ng Tita Susan nila.
Dumagdag sa bigat ng dibdib ni Bea dahil sa nangyari.
Nakarating na sila sa Iloilo at naroon ang iba pa nilang kamag anak. Nanginginig na lumapit si Bea sa kabaong ng kaniyang Tita Susan. Bumuhos muli ang luha niya.
"T-Tita. Sorry kung h-hindi manlang kita dinadalaw dito. Tita sorry." Aniya habang nakadungaw sa kaniyang Tita na wala nang buhay.
Naramdaman niya ang paghagod ng kamay ng Mommy niya sa kaniyang braso na kapwa ring umiiyak.
Nasa labas lang si Bea ng bahay malapit sa kabaong ng kaniyang tita buong araw. Hanggang sa sumapit ang hapon ay kaunti lang ang kina kain niya.
"Mula bata pa, Si Susan ang tumayong ina sa kanilag tatlo. Lalo na kay Bea." Kausap ng kaniyang ina ang kapitana na kaibigan ng kaniyang Tita Susan.
"Kawawa naman pala itong si Bea. Dati dinadala yan dito ni Susan, batang bata pa. Ngayon dalagang dalaga na." Ani Kapitana.
"Oo, kaya malaki ang utang na loob ko kay Susan."
Mula sa malayo'y naroon si Hilary na naglalakad papuntang bahay nila Tita Susan. Binalitaan siya ni Irish sa nangyari. Pumunta siya agad upang damayan si Bea at makapag ayos na rin sila.
"Magandang hapon po Mam." bati ni Bea sa mommy ni Bea.
Nagulat si Cristina sa biglang pagsulpot ni Hilary.
"M-Magandang hapon rin."
"Sinabi po sakin ni Ate Irish yung nangyari. Condolence po." aniya.
"Salamat. Naroon si Bea." tinuro ni Cristina ang si Bea na nakaupo malapit sa kabaong.
Tumango si Hilary at agad na pinuntahan si Bea.
"B-Bea." tawag ni Hilary.
Halos manigas sa kinauupuan si Bea nang marinig niya ang boses ni Hilary.
Naupo sa tabi ni Bea si Hilary. Kitang kita niya ang paghikbi nito at hawak hawak ang litrato nila ng kaniyang Tita Susan.
Napa akap si Bea sa kaniya at saka humagulhol.
"Shh. Andito lang ako." Napapikit ng mariin si Hilary. "Sorry, Mahal ko." Bulong niya rito.
Dumating ang gabi. Nagpunta ng likod bahay sina Hilary at Bea.
"S-Sorry." Pagbabasag ng katahimikan ni Hilary.
Bumuntong hininga si Bea saka tumingin sa kalangitan. "Nangyari na eh. Wala na akong magagawa doon."
"H-Hindi ko sinasadya. Bigla nalang niya akong hinalikan. Sabi niya mag uusap lang kami."
Tumingin sa kaniya si Bea. "Naniniwala ako sayo."
"Salamat." Niyakap ni Hilary ng mahigpit si Bea saka hinalikan sa noo.
"Mahal na mahal kita." dinampian niya ng halik ang labi ni Bea.
"Mahal na mahal din kita." Bea kissed he hungrily.
Ilang araw rin ang nakalipas at sobrang sabik sila sa isa't isa.
"Umuwi ka na. Miss na miss na kita." ani Hilary saglit saka muli niyang hinalikan si Bea.
---
LadyMaria
BINABASA MO ANG
Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)
RomanceAng pagmamahalan ay mayroong tamis at pait. #LoveWins (c) to the owner of the photo