Chapter 11

1.4K 42 4
                                    

Hilary's POV:

Pag uwi ko kahapon, agad akong nakaramdam muli ng lungkot. Madaming dahilan ang pumapasok sa isip ko dahik sa kalungkutan.

Pinili kong matulog nalang dahil ayokong malugmok sa kalungkutan nang mga oras na yun.

Nagising nalang ako ng alas dos ng madaling araw at pumunta sa kusina para kumain.

Mabuti nalang at merong pagkain pang natira.

Napangiti nanaman ako.

Dala dala yung ladyrainicorn ko na stuffed toy, pumunta ako sa kwarto ni Bea para silipin sya. Pagpunta ko doon, ay mahimbing syang natutulog.

Lumapit ako at umupo sa tabi nya habang pinagmamasdan ang mukha nya.

Ramdam ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Tsk. Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Napakasaya ko. Bakit kapag nakikita kita para akong nagakkasakit sa puso? " Mahinang bulong ko.

Kinabisado ko ang mukha nya at tinitigan. Yung mata nyang kahit tulog sya ay napaka ganda, yung ilong nyang perpekto.... at yung labi nya.

"Ang sarap mong halikan." Nakangiti kong bulong.

Hinawakan ko yung labi nya at dinama ang lambot nito gamit ang daliri ko.

-*-*-*-*-*-*-*-*

"Sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo." Nakangiti kong sabi kay Bea, habang kumakain kami ng lunch.

Niyaya ko sya sa party ni Courtney. Para naman hindi sya nag iisa dito sa bahay.

"Pano kung ayaw ko?" Umirap pang sabi nya. Kita mo tong babaeng to, parang may saltik eh.

"Edi pwersahan kitang dadalhin dun." Kumindat pa ako sa kanya. Bahala na kung anong isipin nya hahahaha!

Napalunok naman sya sa sinabi ko. "O-Oo na! Oo na! Anong oras ba yun?"

"Mamayang gabi. Wag kang magsusuot ng maiksing damit ha?"

Tinaasan nya naman ako ng kilay. "Eh pano kung gusto ko?"

"Edi ibabalot kita sa kumot." Natatawa kong sabi.

Nanahimik nalang sya at patuloy sa pagkain.

Naalala ko pa noong nag search ako about sa kanya. Puro daring clothes ang suot nya sa mga pictures. Hindi lust ang nararamdaman ko. Andaming pumapasok sa isip ko, lalo na yung mga manyak sa lipunan. Naiinis ako.

I never felt like this before. Gusto kong protektahan sya. Feeling ko nga may sakit ako sa puso dahil laging bumibilis yung heartbeat ko tuwing nakikita ko sya. Parang may kung ano ding gumagalaw sa tyan ko. This is weird, siguro kailangan ko nang magpa check up.

Basta ang alam ko, masaya ako. I love every little things she do. Mag iisang buwan palang kaming nagkakilala pero feeling ko, sobrang comfortable na ako sa kanya. Oa na kung oa pero parang hindi ko kayang hindi sya nakikita. Swear.

Text ng text sakin sila Sofia pero hindi ko na sial magawang pansinin. Bea Angeles, complete my day.

I'm currently playing games in my phone while watching movie here in salas.

Nakarinig naman ako ng footstep pababa ng hagdan.

Nakita ko sya na as usual nakabusangot nanaman at para bang badtrip na badtrip sya.

She's wearing loose shirt with pajamas plus messy bun in her hair. Damn, she's fvcking gorgeous. Damn damn damn.

"Tingin ka jan." Nabalik naman ako sa wisyo nang magsalita sya.

Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon