Chapter 10

1.1K 38 0
                                    

Bea's PoV:

Inaamin kong may attitude problem ako. Spoiled dahil na din lumaki akong mayaman. Pero kahit ganun, hindi ako selfish na tao. Sanay akong binibigay sakin ang lahat. Knowing na mayaman kami noon, nagbibigay din ako sa ibang tao. Like sa mga charity.

Syempre may puso padin naman ako noh. Bagama't lumaki akong sunod sa luho at may marangyang buhay. Siguro ngayon, isang malaking pagsubok ito sa buhay ko, na hindi lahat ng bagay kakayanin ko.

Akala ko dati, hindi ko na kailangang mamroblema pa sa lahat ng bagay kasi nariyan yung pamilya ko, tho si Dad lang yung laging busy sa work. Si Mom yung laging kasama namin. Akala ko dati, after kong maka graduate mataas na posisyon agad ako sa sarili naming kompanya ang magiging trabaho ko. Akala ko, perfect na lahat, Kaso hindi.

Totoong, madaming nagbago sa buhay ko. Malayo na ang buhay namin noon kaysa ngayon. Bukod sa nawalan ako ng yaman, nawalan ako ng mga luho, nagtatrabaho ako bilang isang katulong. Kapag umiiral ang kamalditahan ko, naiinis ako. Naiinis ako kung bakit ako naging katulong. Iniisip ko na hindi ko to deserve at hindi ako nararapat dito. Kung hindi lang ako tinakot ni Hilary, aalis na ako dito. Kung bakit naman kasi sa dinami dami ng tao, ako pa? Alam nyang mayaman ako noon at hindi sanay sa gawaing bahay at trabaho.

Todo google at youtube pa ako tuwing may gagawin akong paglilinis. Kung sa paglalaba naman, nagpapa laundry kami ng damit. Kaya no problem ako dun.

Gumising ako para maghanda ng breakfast. Nag search muna ako sa google then nag youtube ako para malaman ko yung procedure.

"Goodmorning!!!"

"Ay itlog!" Halos mapatalon ako sa gulat habang nag piprito ng itlog. Lumingon ako at nakita ko si Hilary na nakangiti. Sobrang ganda ng ngiting yon.

Bumilis yung tibok ng puso ko. Parang nag sslow motion lahat. Parang may kung anong spotlight na nakatutok sa kanya at slow motion na nagsisiliparan ang buhok nya atkitang kita ko ang maganda nyang ngiti.

"Uy!"

Bumalik naman ako sa reyalidad nang kumaway kaway sya sa muka ko. Shet ano ba to! Kumokorni na ko.

Tumingin naman ako sa niluluto ko. Muntik nang masunog! Argh!

Sabay padin kaming kumain. Tahimik lang ako at ganun din sya. Patingin tingin sya sakin alam ko. Pero hindi ko nalang sya pinansin. Lalong nagiging weird yung nararamdaman ko. Hindi na normal yung tibok ng puso ko.

Naalala ko nanaman yung ekspresyon ng muka nya kahapon, nung kakauwi nya lang. Para akong nanlumo noon kakaisip. Hindi din sya kumain kagabi at hindi na ako nag abala pang puntahan sya. Iniiwasan ko sya! Aba! Pumunta sya ng kusina! May paa naman sya eh. Besides, nagluto naman ako ng dinner kagabi.

Kaya mag isa lang ako kumain ng niluto kong sinigang na hipon. Nakaramdam ako ng lungkot honestly. Hindi ko na itatanggi, dahil hindi ko sya nakasamang kumain.

Fvck this feeling.

"Sorry kung hindi ako nakasabay kumain sayo kagabi. Maaga kasi akong nakatulog. Pero bumaba ako ng madalimg araw. Ang sarap nung niluto mo." Tumambad nanaman sakin ang napaka ganda nyang ngiti.

Tumango nalang ako dahik sa sinabi nya. Shet, Nakakailang at its finest.

Nang matapos kaming kumain, hindi padin kami nagpapansinan. Pumunta ako ng kusina at agad na naghugas ng pinggan. Buti nalang, sanay na akong mag hugas ng plato. Hindi ko na nababasag ang mga ito.

Pagtapos kong maghugas, dumiretso ako sa kwarto ko. Pumunta ako sa veranda tinawagan ko si Riza.

[Hello mamshie! Miss you na! Kamusta?]

"Ayos lang. Miss na din kita. Ikaw? Kamusta?"

[Ayos lang din! Hays. Hindi na tayo nakakapag shopping. Grabe naman kasi si Hilary sayo. Ginawa kang preso.]

"Ang ganda ko naman yatang preso" tumawa kaming dalawa.

[Sayang mamsh! Next week pupunta akong bulacan, imamanage ko kasi yung isang branch ng restaurant namin dun.]

"Ahh. Ingat."

[Ay waw! Yun lang sasabihin mo? Kaloka ka.]

"Ano ba gusto mong sabihin ko? Mag drama ako sayo?" Natatwang sarkastiko kong sabi.

[Char lang! Hahaha!]

"Pero Riz, may tanong ako."

[Hmm. Sige ano yun teh?]

"Paano kung 'halimbawa' ma inlove ka sa ibang tao kahit may boyfriend/girlfriend ka na?"

[Ano bang tanong yan? Syempre aalisin ko na yung feelings ko para dun sa isang tao. Alam kong meron akong jowa eh. Parang nanloko na ako ng tao. Ay hindi lang parang! Talagang nanloko na ako.]

Nanlumo naman ako bigla sa narinig ko. Parang babagsak ang katawan ko. "A-Ahh."

[Pero kasi alam mo mamsh. Mahirap pigilan yung nararamdaman eh. Kapag mas pinipigilan mo, mas lalong lumalala. Gets mo?]

Hindi ako nakasagot at bumuntong hininga nalang ako.

[Teka bakit ganyan mga tanunga---OMAYGAAADDD!!! Wag mong sabihin?!]

Kinabahan naman ako sa sinabi ni Riza.

[M-May iba ka na bang nagugustuhan bukod kay Ern---OMAYGAAAADDD MAMSHII]

Shit! "A-Ano ka ba. H-Hindi g-ganun!"

[Keme lang! Hahaha! Sino naman magugustuhan mo jan? Eh diba kayong dalawa lang ni Hilary jan? Saka walang boylet jan. Baka naman yung guard nyo jan? Hahaha! Chos lang mamsh. Tigil tigilan mo na kasi kakanood ng Kdrama.]

Halos sumabog sa kaba yung dibdib ko. Kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Buti nalang nakwento ko sa kanya na Kdrama ang pinagkakaabalahan ko kapag wala akong ginagawa dito sa bahay. "A-Ah. O-Oo n-napanood ko kasi e-eh." Kinakabahang sabi ko.

[Nako mamshi ah! Anyway, malapit na birthday ni Joseph ah. Ano plano mo teh?]

Oo nga pala. Next next week na yung birthday ni Joseph. "Hmm. Tatry ko ngang magpaalam kay Hilary eh. Basta bahala na. Pupunta ako kahit anong mangyari"

[Ahh. Magleleave ako sa work para makapunta ako sa birthday ni Joseph. Nako! Binatang binata na talaga si Joseph. Kung kasing edad lang natin yan! Nako talaga! Hahahaha.]

Nagtawanan kami at nagkwentuhan saglit saka nya binaba ang cellphone dahil may gagawin pa daw sya.

Naalala ko nanaman yung sinabi ni Riza.

Pero kasi alam mo mamsh. Mahirap pigilan yung nararamdaman eh. Kapag mas pinipigilan mo, mas lalong lumalala.

Tangina, naguguluhan na ko.

Hindi ko pwedeng iwanan yung matagal naming pinagsamahan ni Ernest para dito. Madaming mali. Lahat hindi pwede. Habang tumatagal lumalala tong nararamdaman ko para kay Hilary. Damn!

Tinignan ko yung mga pictures namin ni Ernest sa cellphone ko. Masaya kaming dalawa noong highschool, halos hindi kami mapaghiwalay. Bata pa kami nun pero parang sigurado na kaming kami na hanggang huli.

Naging busy kami noong college. Pero nangako kami sa isa't isa na walang maghihiwalay. Hindi ako tumingin sa iba noon, bukod sa sobrang busy ako sa pag aaral. Pinanghahawakan ko yung pangako namin ni Ernest sa isa't isa.

Nung isang beses na worst na away namin at muntik na kaming mag hiwalay. Noong sinabi sakin ni Andrei, yung bestfriend nya na may nakakasamang babae si Ernest at may nangyari sa kanila. Doon ako sobrang nagalit kay Ernest. Hindi ko sya kinausap nun ng ilang buwan. Hindi ako nagpakita sa kanya. Kaso noong sinet up ako ni Riza na akala ko mag mamall kami, si Ernest ang nakita ko doon. Nagsimula syang magpaliwanag sakin, na gusto lang pala kaming sirain ni Andrei dahil may gusto sakin yun.

Inis na inis ako sa sarili ko kung bakit ako naniwala kay Andrei. Kaya noon, nagkabalikan kami ni Ernest. After naming mag college. Kinasal kaming dalawa. Nagmamadali ang lahat pati sila Mom and Dad. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang maikasal agad kaming dalawa.

-
L A D YMaria

Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon