17

723 37 2
                                    

"Gahd. Hilary this is first time. Im so happy that you're now really inlove. I can see that in your eyes. Pero bakit sa may sabit pa?" Asik ng kaibigan nyang si Deeana.

"I know. I really know that. P-Pero she loves me too. Mahal nya ako Dee. Mahal namin ang isa't isa." Ani Hilary.

"pano na? alam mo, ako naloloka sayo."

"Dee, alam mo namang minsan lang ako sumaya sa isang tao diba? k-kahit kalimutan ko na tong paghihiganti ko. Deeana mahal na mahal ko si Bea."

"Alam ko. pero ang uspan dito, kahit saan tignan mali to Hilary."

Hindi na alam ni Hilary kung ano ang magiging mga desisyon nya sa buhay, unang una'y ang ate madeth nya. Ang kompanya, si Bea. Masaya sya ngunit mali.

"Gusto kong maging masaya nang ako naman Dee."

Hinagod ni Deeana ang likod ni Hilary. "Basta kung ano man ang magiging desisyon mo. susuportahan kita."

"Salamat Dee."

"Nakausap mo na ba si Bea?"

"Hindi pa namin napag uusapan lahat."

"You need to talk to her about that. about everything. Kasi sya yung kasal kay Ernest. "

-

Hindi pumasok si Bea sa opisina dahil nagbabadya ang lagnat sa kanya. Pinili nyang mag stay sa bahay para makapag pahinga. sinabi rin ni Hilary na manatili lang sya doon.

Buong araw syang walang ginawa kung hindi ay magpahinga. kumuha pa si Hilary ng mag babantay kay Bea habang nasa opisina sya. Si Manang Carol. Akala ni Bea ay makakasundo nya ang matanda dahil mabuti ang pakikitungo nito kay Bea noong unang kita, ngunit nang umalis na si Hilary ay naging hindi maganda ang pakikitungi nito. Hindi nya nalang pinansin ito. Ginagawa naman nito ang trabaho nya minsan ay nagpaparinig sa kanya ang matanda.

"Buhay prinsesa, eh sya naman pala talaga ang muchacha. tsk"

Parinig nito sa kanya. Imbis na patulan pa, pinili nya nalang manahimik at intindihin si Manang Carol.

Tanghali, nang may marinig syang kausap si Manang Carol sa baba.

"Opo, mam. Wala pa ho si mam Hilary eh." Rinig nyang sabi ng matanda.

"Okay Manang. So, nasaan yung sinasabi mong babae?" Ani ng kausap nito.

"Nasa taas at nakahilata. Ako ang pinagawa ng lahat dito. Inuutos utusan ako mam. Ang kapal ng muka. Kunwari pang may sakit. Hindi na naawa sakin, matanda na ako" pag papaawang pagsisinungaling ng matanda.

"Talaga tong si Hilary. Kukuha na lang ng babae, wala pang modo." Tugon ng kausap nito.

Napantig ang tenga ni Bea at agad syang bumaba. Hindi kilalang babae ang bumungad sa kanya at halatang mas matanda ito ng kaunti sa kanya, base rin sa tawag ni Manag Carol dito na 'mam' siguro'y kilala ito ni Hilary.

"Mawalang galang na po. pero may modo po akong tao at may respeto. Hindi ko po alam kung bakit kayo nagagalit sakin manang. Pinapakisamahan ko po kayo ng maayos pero bakit ho, nakukuha nyong siraan ako sa iba." Ani Bea.

Nagtiim ang bagang ng matanda at matalim ang titig nito sa kanya.

"Miss-whatever-you-are. Hindi ko alam kung ano ka ng pinsan ko. Pero wala kang karapatang pagsalitaan si Manang Carol sa loob ng pamamahay na 'to porket bitch ka ng pinsan ko---"

"Ate Martina!" Hindi na natuloy ng babae ang sasabihin nya nang dumating si Hilary.

"Hilary!" Bati ni Madeth sa pinsan nya.

"P-Paano ka n-nakalabas? S-Saka bakit ka nandito? P-Paanong---"

"Hindi ka ba masaya na nandito na ako?"

"I am, i mean b-bakit hindi ko alam? Saka sino ang naglabas sayo sa Ospital?"

"Long story. Finally! Magaling na ko at magkakasama na tayo Hil. Gusto kong ulitin ang plano natin."

Biglang nanigas sa kinatatayuan si Hilary nang marinig nya ang sinabi ni Madeth. Napatingin sya kay Bea nang alanganin at nananatiling blanko ang ekspresyon nito.

"O-Oo naman. K-Kumain ka na ba? Kung di pa ako tinawagan ni Kuya guard hindi ko pa malalaman na andito ka na. Manang naghanda ka na ba ng lunch?" Medyo balisa na sabi ni Hilary.

"Opo mam. Paghahanda ko na po kayo."

"Sumabay ka na samin manang okay?" Si Martina

Tumango ang matanda at saka tumungo sa kusina.

Lumakad si Bea at papunta sya ng taas.

"B-Bea." Tawag sa kanya ni Hilary.

Ngunit ngiti lamang ang sinagot ni Bea sa kanya. Alam nyang may kaunting alanganin sa ngiting iyon at tumuloy ito sa itaas.

"Unang beses na nagdala ka ng bitch mo sa bahay at talagang itinira mo pa dito." Sabi ni Martina.

Nagtaka si Hilary kung bakit ganon nalang magsalita si Martina.

"S-She's not my bitch ate."

"Hmmm. True love?" Tumawa ng sarkastiko si Martina.

"A-Ate naguguluhan talaga ako. P-Paanong nakalabas ka sa Ospital?"

"A friend of mine. She's a nurse there before. Basta, saka sabi ni Doc. Magaling na ako. May gamot lang akong iinumin. God. Antagal ko ding nakulong sa pesteng Ospital na yun."

"S-Sino? Atsaka wala namang sinasabi sakin si Doc na okay ka na."

"Hindi mo na kasi ako binibisita---Teka nga, hindi ka ba masaya na magaling na ako?"

"Of course i am. Na shock lang talaga ako."

Nagkibit balikat si Martina. "Ibebenta ko yung bahay namin. Dito ako titira sayo ha?"

"Ha? Diba ayaw mong ibenta yun. Kasi memories nila Tito Yap yun?"

"Narinig mo naman ako diba? Patay na sila Dad. May buhay ako saka business na din noh."

Napa nod nalang si Hilary sa sinabi nito.

"Btw, sino yung babae?"

"H-Ha? Si B-B-Bea."

"Weird mo. Para kang kabado na ewan."

"Hays. Ikaw naman kasi ate eh."

Talagang nagtataka sya sa ugaling ipinapakita ni Martina. Hindi nya alam kung ano ang nangyari dito. Dahil napaka bait nito noon at parang anghel kung magsalita ngunit ngayon ay parang ibang tao na ito. Gulat na gulat parin sya sa pag dating ni Martina.

-
LadyMaria

Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon