25

105 3 0
                                    

BEA'S POV

It's been a week since umuwi ako ng Manila from Iloilo. Sinalubong ako ni Ate Martha sa airport, she saw how sad i was since i came back. A week na din akong halos hindi lumalabas ng bahay. Lahat ng paper works ay nakatambak sa kwarto ko. Maging ang pagkain ko ay hinahatiran ako ni Ate Martha sa kwarto.

"What are your plans now, Hil?" Ate Martha entered my room.

I didn't answer her instead tumalikod nalang ako sa kanya at umupo sa kama.

"Hanggang kailan ka magkukulong sa kwarto mo aber? You know what hindi ko maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan! Hindi 'yan ang Hil na nakilala ko!" Inis na sabi ni Ate Martha.

I sigh. Walang kahit anong salita ang gustong lumabas sa bibig ko.

"You're that inlove huh? Akala ko ba parte lang ito ng plano mo?" napalingon ako kay ate.

"Akala ko nga ate eh." napabuntong hininga ako.

"Umayos ka Hilary ha." matigas na sabi nya saka lumabas ng kwarto ko.

Maging ako ay hindi alam ang dapat gawin. Masyado akong nakakulong sa pagmamahal kay Bea. Hindi ko na alam kung paano pa makakawala sa maling pagmamahal na ito.

Bea's POV:

Nakauwi na si Ernest, at hindi ko alam kung ano pa ang mukhang ihaharap ko sa kaniya. Maging kay Hilary ay hindi ko siya makausap. Nakauwi na sya ng Manila after ng libing ni Tita. Mag-iisang linggo na rin akong balisa kahit na narito na ang asawa ko.

"Hon, are you okay?" sabi ni Ernest. We're staying here on a hotel matapos naming magkita.

"U-Uh yes hon? May sinasabi ka?" hindi ko napansin na tulala na pala ako sa binabasa kong libro.

"Sabi ko, what if kumuha na tayo ng sarili nating bahay? By the way, are you okay? Mag-iisang linggo ka nang ganyan. Is something's bothering you?" nag-aalalang tanong niya.

"H-Ha? Wala hon. Maybe dahil lang sa pagkawala ni tita."

"I'm sorry for you loss hon." niyakap nya ako at inilagay sa dibdib niya. He kissed my forehead.

Napapikit ako ng mariin at gusto kong umiyak. Halos hindi ako makakain, makatulog ng maayos. Napapansin rin nila na mukhang may nag-iba na sa'kin at sa mga kilos ko. 'Yung dating Bea ay hindi na nagsusungit o nagmamaldita.

I miss Hilary so much...

Lumipas nanaman ang isang linggo, gabi na at mag-isa ako sa bahay. Nagpaalam si Ernest na pupunta siya sa inuman nilang magkakaibigan. Nakauwi na ako sa bahay namin. Napansin din nila mommy na halos wala akong gana at hinayaan nalang akong mapag-isa.

Nagbukas ako ng instagram at nagscroll scroll lang doon. Nakita ko ang post na pic ni Riza na may kahawak na kamay at mukhang kasama nya ang boyfriend nya. Nilike ko ang picture. Nakikita ko namang masaya si Riza ngayon at masaya rin ako para sa kanya.

Naisipan kong lumabas ng bahay at bumili ng Jco. Nakita ko si mom sa salas nakaupo at nagkakape.

"Where are you going Bei?" Mom said.

"Bili lang ako donuts ma, wait for me ha? Tapos kwentuhan tayo pagbalik ko." sabi ko at ngumiti si mom.

Kinuha ko yung susi ng sasakyan at agad na umalis. Pinarada ko yung saskyan nung pagkadating ko sa Jco store at agad na akong umorder ng 2 dozen.

Pagkakuha ko ng order ay pumunta na ako ng parking lot.

Pagkadating ko doon ay may namukhaan akong babae at lalaki na naghahalikan sa labas ng isang pamilyar na sasakyan.

Halos hindi ako makahinga sa nakita ko at nabitawan ko ang dala ko.

Si Ernest at Riza.

"Mga walang hiya kayo!" galit na sigaw ko. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat nang makita ako.

Nakita ko na lamang ang sarili ko na kinakaladkad sa buhok ni Riza.

"Bea! *Pak* " Aawatin ako ni Ernest ngunit binigyan ko sya ng isang malakas na sampal.

"Ang kakapal ng mukha nyo!" Tumulo na ang luha ko sa galit.

Binigyan ko ng malakas na sampal si Riza. Hindi ako tumigil. Galit na galit ako.

"Magkaibigan tayo! We are fucking best friends for heaven's sake! Hayop ka! Malandi ka!" pinagsasampal at sapak ko sya. Inaawat na ako ni Ernest at hindi tumitigil ang luha ko sa pagbagsak.

Inaawat ako ni Ernest ngunit hindi padin ako tumitigil sa pagpiglas. Mga hayop kayo!

"NAKAKADIRI KAYO!" Halos pumiyok ako sa sigaw. May mga tao ring nakatingin ngunit wala akong pakialam. Ang ahas kong kaibigan ay nakasalmpak sa sahig at gulo gulo ang buhok na umiiyak. Si Ernest naman ay hindi alam ang gagawin.

Hinubad ko ang wedding ring ko at binato sa kanya.

Binigyan ko sya ng dalawang malakas na sampal bago umalis.

Nakita ko na lamang ang sarili kong papunta sa bahay ni Hilary.

-
LadyMaria

Isang taon bago ang UD T.T



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon