Chapter 4

1.3K 38 0
                                    

Hilary's POV:

Maaga akong nagising para pumasok sa opisina.

Bumaba ako para pumunta sa kusina, pero walang pagkain na naka hain o nakaluto manlang. Inis akong umakyat para puntahan ang babaeng yon sa kwarto.

Nakalock ito pero kinalabog ko yung pinto.

"A-Ang ingaay!!! Ano ba!!" Sigaw nya mula sa loob na halatang inaantok pa.

"Ipaghanda mo ko ng pagkain ko, bilisan mo. Papasok ako sa opisina." Sabi ko sa kanya.

Agad namang bumukas ang pinto at nakita ko syang gulo ang buhok at naka malaking tshirt. Hindi ko alam kung naka underwear lang sya i may shorts sa loob. Pero shit, ang sexy nya. Napalunok naman ako.

"Wala ka bang kamay?! Wala ka bang paa?! Ikaw kakain tapos ako uutusan mo. Natutulog pa yung tao eh!" Inis na sabi nya.

Napataas naman ang kilay ko sa gulat. "Excuse me? Nagtatrabaho ka para sakin at susundin mo ang utos ko, wala akong pakialam kung natutulog ka man. Bilisan mo bumaba ka don."

Lumaki naman ang mata nya sa gulat dahil sa sinabi ko na mukang nagising sya ng tuluyan. "S-Sorry. W-Wait lang." Tanging sambit nya saka sinara ang pinto.

Inumpisahan ko namang maligo at nagbihis na ako.

*ring~ring~*

Deeana's calling:

"Hmm?"

[UY TEH! NAKAUWI NA KONG PINAS!!!]

Agad kon iniwas ang cellphone ko sa tenga ko nang marinig kong ang malaks na boses ni Deeana, close friend ko.

"Ang ingay mo! Tss."

[Sorry na teh! Excited lang! Hihi. Anyway, magpapaparty ako mamaya sa Moonlight club. Punta ka okay? Kasama sila Cassy.] Bakas sa tono nya ang nang aasar.

"Sige. Bat kasama yung mga yon?"

[Ano ka ba! Naiinis ka padin ba kay Cassy? Bakit ba ayaw mo dun? Maganda yun, sexy. Ay--sabagay, mas mabuti nang ayawan mo yun kesa naman pag laruan mo! Hahaha!]

"She's not my type. Tss."

[Hahaha! Sige, kamusta btw?]

Napangisi naman ako. "1-0 for Hilary"

[OhmyGosh! As in? Pumayag syang mag trabaho sayo? Diba galing sa yaman yung babaeng yun? Pano mo napa payag?]

Si Deeana lang ang nakakaalam ng plano ko. "Well, Hilary Bellanca to noh. Ginamitan ko ng powers hahaha!"

[Tsk. Tsk. Tsk. Hahaha! Kelan pa sya jan? Ano ano naman pinapagawa mo sa kanya?]

"Kahapon lang sya dito. She knows how to cook kaya walang problema. Besides, wala naman syang magagawa. Kung kailangang gamitan ko sya ng dahas gagawin ko hahaha! Pero salita palang yun mukang natakot na. At hinding hindi sya aatras dahil alam nya ang kaya kong gawin. Lalo pa ngayong walang yaman ang pamilya nila. Kung ano ang i utos ko gagawin nya."

[Tsk tsk. That's Hilary Bellanca! Eh ano naman susunod mong hakbang?]

"Hmm, wala pa kong naiisip. Pero sigurado akong makakarating o baka nakarating na nga--sa lalaking yun na nagtatrabaho sakin si Bea Angeles. Simulan na nyang matakot" napangiti ako sa kaloob looban ko.

Nagkwentuhan pa kami saglit ni Deeana pagkatapos non ay kinuha ko ang mga gamit ko.

Pagkababa ko, naamoy ko agad ang niluluto nya. Dire deretso akong umupo sa dinnible table at nakita kong nakahain na doon ang almusal.

Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon