18

792 47 1
                                    

Bea's POV:

I am here in balcony at the moment. Thinking about stuffs. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong isipin ngayon.

Biglang may yumakap sakin patalikod.

"I missed you so much." Bulong nya sa tenga ko.

"I missed you too. Naiintindihan ko naman kung bakit busy ka."

She kissed my hair. "Pasensya ka na kay Ate Martina ha?"

Ramdam kong may lungkot sa boses nya.

"Okay lang ano ka ba." Humarap ako sa kanya.

Hinaplos nya ang mukha ko and kissed my lips.

I stare at her at kitang kita ko ang pagod sa mga mata nya. Hindi na sya nagpapahinga dahil sa dami ng trabaho sa opisina. Ayaw nya naman akong pagtrabahuin pa dahil hindi pa gumagaling ang lagnat ko.

"You should rest." Sabi ko sa kanya.

"I'll sleep with you."

"Alright then."

She kissed me hungrily and passionately. Wala na akong takas at agad na tumugon sa halik na yon. God. I really missed this woman so much.

Naglakad kami papuntang kama nang hindi parin pinuputol ang mga halik.

Grrrppp~

"Ugh!" Napa sapo si Hilary ng noo nang biglang tumunog ang tiyan nya.

Napailing ako habang tumatawa. Wrong timing.

"Hindi ka pa ata kumakain eh. Kumain ka na dun."

"I'm gonna eat you then." Naka pout na sabi nya.

"Hay nako sige na kumain ka na doon. Pagkatapos nyan, matulog na tayo."

"Samahan mo ko kumain." Parang bata na sabi nya.

Napa iling iling ulit ako at agad na bumaba ng kama.

"Let's go My lady rainicorn." Nakangiting sabi ko at inilahad ang kamay sa kanya.

"Tara na My Princess Bubblegum." Aniya at tinanggap ang kamay ko.

Kapwa kami nagtawanan ng parang mga bata habang naglalakad sa pasilyo. Magkahawak kamay kaming bumabang dalawa.

Pinaghanda ko sya ng niluto ni Manang saka tinabihan sya sa pagkain.

"Tinapos ko na lahat ng meetings ko this week. Pwede tayong lumabas this weekend." Sabi nya.

Ngumiti ako. "Sige ba."

"Alam kong nabobored ka na dito. Besides gusto na kitang makasama." Nakatitig sya sa mga mata ko.

"Gustong gusto na rin kitang makasama." Sabi ko.

Ngumiti sya ng payak saka nag iwas ng tingin. May nakapa akong alinlangan sa ekspresyon nyang iyon.

"M-May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

Uminom muna sya ng tubig saka nag salita. "B-Bea. Pano tayo?"

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa sinabi nyang iyon. Tukoy ko na kung ano ang ibig nyang sabihin.

Napahilamos ako ng muka. "H-Hindi ko alam, Hilary."

"Mahal mo ako hindi ba?" Diretsong sabi nya.

Mahal na mahal kita. Tumango ako.

"Mahal na mahal din kita, Bea." Nangungusap ang mga mata nyang nakatitig sakin.

"H-Hilary hindi ko na alam gagawin ko." namumuo na ang luha sa nga mata ko.

Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon